Tuesday, March 30, 2010
Sunday, March 28, 2010
:-(
Ito mahirap kapag ang ermat/erpat mo na ang natutong mag facebook. Dun kasi sa looban namin ay may skedyul ang paggamit ng computer, dahil iisa lang ang computer doon. Ika nga, computer ng bayan. Kaya kapag gusto mong mag computer, kukuha ka muna ng number. Ang mabigat nito nung matuto yung dalawang majonda, ayaw kumuha ng number. Laging ang gusto nila ay sila ang priority dahil senior citizen daw. Busettt...calling all politicos, mag donate pa kayo ng isang pang computer dito sa looban namin para hindi mag riot ang mga tao dito.
Friday, March 26, 2010
who' stop the rain
Wow ang sarap ng gising ko, hindi lang kasi dahil biyernes na. Kaya masarap ang gising ko ay dahil umuulan ngayon dito sa lugar namin. Masyado na kasing mainit kaya bonus na yung kahit paano ay pumatak ang ulan. Isa na lang ang kulang dito. Makapag imbak na agad ng maraming serbesa sa styrofoam kong cooler.
Wednesday, March 24, 2010
Sunday, March 21, 2010
Saturday, March 20, 2010
I want a new drug
There is a talk saying that a new addiction is rising, and we're not talking about a newly-invented drug that makes us high and alive all night. This new addiction is all about the computer and its contents, (ie. Facebook, Twitter, Camfrog, and yes, even Y8). Why do people (especially the active ones) spend lots of time on the computer? Is this the new kind of tech boob tube, or just a flush in the pan thing? But it's been here ever since that guy with the nerd look re-invented the word "micro", and I think it will stay for as long as the active ones and the information hungry oldies roam the earth. Just press enter here.
Wednesday, March 17, 2010
Sunday, March 14, 2010
:-)
Ito mahirap kapag magkakadikit ang mga haybol niyo. Dito kasi sa looban namin ay ganoon ang sitwasyon kaya kaunting usapan lang nung mga neighbor mo ay dinig mo na ang pinag uusapan. Hindi ko naman sila gustong pakinggan, kaya lang malalakas ang mga boses nila kapag nag uusap. Hayun dinig ko tuloy kung ano ang topic ng pag uusap nila. Ok sana kung maganda ang pinag uusapan. Kaso hindi pasado ang topic nila, puro paninira sa ibang tao in short chismis. Ang masama pa nito ay natatabuna minsan yung usapan nung malalakas na tugtog nung isang neighbor at yung batang panay ang sigaw ng GAME NA! BUSETTTTTT!
Thursday, March 11, 2010
Wednesday, March 10, 2010
laptop
Kailangan ko na ulit magpahaba ng hair, buset enday hindi hair sa baba kungdi yung sa taas, bastoosh. Kasi napupuna ko na parang unti unti nang lumalaki ang hinihilamusan ko. Kaya pala minsan ay may tumawag sa aking hernan. Kala ko tuloy ay napagkamalan lang akong kakilala niya. Nung makauwi na ako ng haybol ay saka ko lang naalala yung biro kapag kojak ka. Pero baduy na yung alias na hernan sa mga walang hokbu. Nung kasikatan nga ni tito tom ang tawag ng mga tambay sa kankaloo sa mga walang hokbu ay top gun (top gone). Pero siempre nagbabago ang panahon, kaya pati mga termino dun sa mga nauubos ang hokbu ay naiiba na rin. Kaya umimbento na rin ako ng tawag sa mga nalalagasan na ng hokbu...laptop...(laplap na yung top).
Tuesday, March 09, 2010
the lights went out (the last fuse blew)
What's with all this fuss about people driving public utility vehicles at night without their headlights on? Is this some kind of an energy saving plan, or just plain stupidity on the highway? I've seen lots of these morons who think they are God's gift to mankind. I hope the proper authorities will do something about it before anything bad happens. My fingers are crossed.
Friday, March 05, 2010
rice free
Susana bagets, hindi nga ako nagkakanin tapos ang tanpulutz naman namin ngayon ay crispy ulo at crispy pata. Hindi bale bukas na bukas ay maglalakad uli ako ng isang oras, promise. Saka ko lalantakan yung natirang tustadong tainga ng crispy ulo at sangrekwang sinangag? Huwag po.
Wednesday, March 03, 2010
twit-tik
Ano ba ang mahihita mo kung mag maintain ka ng account sa facebook, blogger, twitter o multiply. Parang sa tingin ko, lalo lang natatali ang oras at panahon mo dito. Mas marami kasing puedeng gawin kesa maupo lagi sa harap ng computer o magkutingting ng smart phone. Huwag ka lang makakapulot ng lumang jaryo ng tiktik, ibang usapan na yon.
Subscribe to:
Posts (Atom)