Waaaahhhh, alas nuebe na nandito pa rin ako sa haybol. Isang oras na lang at sasalang na ang juan dela cruz band sa tiendesitas. Kasi naman bakit tinapat pa nilang miyerkules ang libreng tugtog nila sa nasabing lugar. Puede naman iyong gawin biyernes para mas marami ang makapanood dahil kinabukasan ay walang pasok sa opis. Hindi naman kami mga bossing sa opis para puedeng tanghaling pumasok o kaya ay mga business pipol na kahit hindi dumating sa opis ay makakachibog pa rin ng tatlong beses isang araw.
Ang ganda pa naman sana ng plano ko tonite, uupo ako malapit sa stage na pag gaganapan ng free concert ng jdlc. Oorder na malamig na serbesa, yung pula hindi puti at saka isang sizzling sisig. Tapos kapag nagsimula na yung free concert ay saka uunti untiin kong tutunggain yung isang boteng malamig na serbesa ko. Eksato yun bago makatapos ng set ng jdlc ay ubos na rin yung isang boteng malamig na serbesa ko at siempre pa may tirang sisig. Monay na lang ang katapat nung tirang sisig pag-uwi ko ng haybol para mag midnight snack.
Nagpagawa pa naman ako ng tshirt (kulay black) na may tatak na juandelacruz@yahoo.com tapos sa ilalim ay may add as friend. Yun pa naman sana ang plano kong isuot ngayong gabi sa free concert. Pero teka parang hindi ko yata nakikita ang nasabing tshirt ko, pinalabhan ko na ito nung isang araw, isang suot ko pa lang ang tshirt na iyon. Nasaan na kaya siya, hindi kaya nasikwat na naman nung mga pumapasok dito sa looban namin at nagpapanggap na magtataho? Waaaahhhh, alas nuebe na, bigla ko pang naalala na nawawala yung bagong tshirt ko. Busettt!!!