Susana bagets, something is happening here but I don't know what it is, Do you, Mister Jones?. Nadadaanan ko lang kasi madalas ang mga telebisyon na ito sa mga mall. Wala naman akong masyadong interes, dahil sabi ko nga sa sarili ko, telebisyon lang ito. Pero nampucha, nung minsang bigyan ko siya ng pansin, iba na pala ngayon ang mga telebisyon. Tanda ko pa kasi yung unang color tv namin (radiowealth). Tuwang tuwa na kami. Kasi dun ko nakita kung ano ang totoong kulay ni moby dick. Yung mga pailaw doon sa "in concert" series kung saan napanood ko ang steely dan, jim croce, BTO (takin' care of business) at grandfunk railroad.
Pero ngayon mas iba ang mga pakulay ng telebisyon, para ka nang may sariling sinehan sa haybol mo, kulang na lang talaga ay softdrinks at popcorn. Sana tumama na ako sa lotto para makabili na ako ng 3D tv na may libreng ray-ban na shades. Sarap sigurong mag trip lalo na kung ang palabas sa 3D tv mo ay...John and Marsha.