Saturday, November 27, 2010

food tripping at David's Tea House


Buwakanabits to pieces, kaya pala ganun na lang ang tingin sa akin nung "waiter" na babae nung umoorder na kami ng chibug dito sa David's Tea House. Kasi ba naman ang inoorder ko sa kanya ay yung Peking Duck at Sea Food Shabu-Shabu. Wala raw kasi sila nito, sabi ko pa naman ay matagal na akong kumakain sa resto nila. Kaya naman pala, yung hinahanap kong walang kamatayan Peking Duck ay sa Choi resto ako nakakain. Pero sigurado ko mayroon silang Sea Food Shabu-Shabu. Meron nga raw, pero sa ibang branch nila.

Buti na lang at pinalusot na ako nung "waiter" na babae, kungdi bibigwasan ko sana na kaunti. Neweis, para naman hindi mainip yung ibang gusto na ring umorder ng chibug ay nagtiyaga na lang muna ako sa Camaron Rebusado, Soy Chicken, Beef with Broccoli (my favorite, kaya hindi na umabot sa piktyuran) at sanrekwang falalays, read: sinangag na kanin na maraming sahog na tira-tira nung ibang customer.

Hoy bastos , tatlo kaming lumantak niyan, ano kala nyo sa akin matakaw?
 

Saturday, November 20, 2010

clones (i wanna be myself)


Ito ang mahirap kapag may kasama ka laging buraot, read: buraot hahaha. Madalas kasi kapag may kinakainan o dinadayo kaming tomaan at marami ang chibug/pulutan, siempre hindi mawawala ang digitalan, read: kodakan sa mga old school. Uso na kasi ngayon na bago mo laklakin ang mga chibug/pulutan sa harap mo ay kailangan idokumento mo ito para maipaskel sa networking site mo. Pandagdag yabang ba. Kaya lang ang problema ko ay karamihan sa mga kuha kong chibug/pulutan, ito ay una pang naipapaskel nung kasama kong buraot sa networking site niya. Kaya ako heto parang clone na lang yung blog ko dun sa nasabing networking site.


Hindi bale, wala namang masamang tinapay sa akin at saka pikyur lang naman yan. Isa pa bihira naman ang nakakabasa ng blog ko dahil ayokong ipabanggit ang blog ko sa mga istasyon ng tv at radyo. Baka kasi ito pa ang maging dahilan ng pagsikat ko at siempre kapag sumikat ka na, nanjan na ang mga tukso.


Yun bang mga tukso na ikaw na ang magpapatoma sa mga tropa mo, ikaw na rin ang sasagot sa pulutan ninyo at ikaw na rin ang...teka teka parang lyrics yata ito kapag kinakantahan ka sa araw ng bertdey mo...sayo ang alak sayo ang pulutan, hapi hapi hapi bertdey...naway malasing mo kami. Mga busetttt!!!

 

Monday, November 15, 2010

beer per view

Nampucha muntik pang madale ang idol ng mundo nung makorner siya sa "korner"?. Ang tinutukoy ko ay yung laban ni kuya manny at antonio. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag nakikitan mong naiipit yung pinustahan mong manok. Buti na lang sampung piso lang yung pusta ko, kungdi baka mas una pa akong inatake sa puso kesa kay mommy dionie. Ang nakakatuwa lang sa history ng buong laban ni kuya manny ay napanood namin ang laban niya ng walang sangkaterbang sponsor. Kasi...huwag kayong maingay ha, PPV yung pinanood namin, kaya halos walang maka jingle at walang gustong kumuha ng malamig na serbesa sa refrigerator.

Kaya lang kapag kasi nanonood ka ng boksing at sinasabayan mo ng toma, iisa lang lahat ang gusto ninyong mangyari, mapataob ang kalaban at pulutanin. Ang kaso lang halos maubos na yung serbesa naming malamig ay hindi pa rin tumataob ang damuho. Buti na lang at malakas ang tilian ng mga neighbor kong nakaungaong sa bintana. Dahil kung hindi malamang ilipat ko na lang wowowee yung pinapanood ko.

Teka maiba ako, buhay pa ba ang wowowee...ENDAYYYYY, ber pa nga yung ice koeld.