Saturday, April 30, 2011

my new (?) toy

Sabi ng marami mahirap daw ang buhay ngayon sa pinas dahil halos lahat ng bilihin ay tumataas pero hindi naman nadagdagan ang sahod (parang labor day ispits na ito ah). Pero bakit nung binuksan kahapon ang pinto nung apple store sa isang mall jan sa q.c kahapon para sabihin puede na silang magbenta ng iPad 2 (teka diba dapat march pa yan sinimulang ibenta-marami pa raw kasing naka imbak na first gen ipad ang mga kumag kaya nadelay ang pagbenta ng iPad 2) ay punong puno ng tao na gustong bumili ng iPad 2.

Nung huli akong makakita ng ganito karaming pila ng tao ay nung ipalabas sa pinas yung pelikulang shiendler's, schinler's schindler's ah basta yung pelikulang ginawa ni spillberg, spielberg, spielbirds.

Marami na talagang hi-tets dito sa pinas, umaga pa lang ay halos sinara na uli ang pinto nung apple store dahil nga sa di magkamayaw ang mga pipol na gustong makahawak ng bagong iPad 2. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit dalawang linya ang pila pero yung isang linya ay mas mahaba kesa dun sa isa. Nung lumapit ako para na rin makigulo at umiskor na rin ng bling-bling ko ay dun ko lang naliwanagan na kaya raw mas mahaba ang pila nung isa ay dahil (pabulong) credit card ang ibabayad nun at yung maigsing pila naman daw ay CASH. Eh ano naman ang masama kung credit card ang gagamitin, yan na naman ang uso ngayon at safe ka pang kung sakaling madukutan ka, dahil puro card lang ang makukuha nila sa iyo.

Neweis, dahil sa atat-na-atat na rin akong makahawak ng bagong iPad 2, minabuti ko na ring pumila sa CASH ang ibabayad. Matapos naming hintayin yung isang mama na pumila sa CASH at credit card ang ibinayad ay sa wakas, MAY iPad 2 NA AKOOOOOOO!!!!!

Matapos akong papirmahin ng katakot takot na papel na nag-iiwas sa apple store na kung ano't anuman ang mangyari sa bago kong iPad 2 ay wala silang pananagutan kahit sa kanila ko binili ang hinayupak na unit ay binuksan na sa harap ko ng isang staff nila na nakaungaong sa SOLUTIONS department ang karton na naglalaman ng bago kong iPad 2 (insert mozart background music here at pakilakasan please). Pagkatapos ay pinakita nung staff na gumagana ang unit ko at tinanong kung ano raw ang ipapangalan ko sa iPad 2. Ang sabi ko ay Elvis Entot, ang pangit naman daw nung ipapangalan ko sa Ipad 2 ko, puede ko raw bang palitan. Kaya ang sabi ko ay sige gawin mo na lang na Engelbert Entot ang pangalan nung Ipad 2 ko.

Halos liparin ko ang haybol namin para makauwi na agad at masubok na ang bagong kong toy. HUWAHHHH!!! nasaan ang angry birds at cut the rope na apps, bakit hindi niya nilagyan. Opps, bakit nawawala ang music, movies, tv shows, audio books at ping sa itunes. Bakit ang lumabas lang sa itunes ay yung apps store, podcasts at iTunes U?. Saka bakit yung facetime camera ay hindi ko mukha ang lumalabas. Alam ko na, pabababain ko muna ang level ng kasiyahan ko at mag walk muna ko sa labas para naman sa cardio exercise ko. Sana pagbalik ko sa haybol ay ma access ko na sa iPad 2 yung FARMVILLE.

Friday, April 22, 2011

good friday

Nampuch, kala ko pa naman ay mapapahinga ako sa erbuk (ice cold serbesa) dahil biyernes santo na. Ito kasi ang masama kapag ang bday mo ay laging natatapat sa santo-santo. Nung miyerkules nga ay gusto ko na sanang magnilay-nilay, pero sa dami ng gustong bumati o gustong makainom ng libre ay wala akong magawa kungdi pagbigyan sila lahat.

Ang mabigat pa nito kinabukasan (huwebes santo) ay may well wishers na naman. Ngayon biyernes santo na ay may humahabol pa rin. Sabagay sabi nga kapag maraming nakakaalala sa kaarawan mo, ibig sabihin nun ay uto-uto ka.

P.S-Uso pa ba yung isdang balbakwa ba yun, tanda ko kasi dati tuwing biyernes santo yung lola ko ay nagluluto nito tapos may kasamang upo. Maalat ang sabaw pero wala kaming magawa dahil bawal daw ang baboy kapag biyernes santo.

Tuesday, April 19, 2011

isang tulog na lang

Yehey (pasigaw), isang araw na lang at miyerkules santo na. No hindi ito ang ibig kong sabihin, isang araw na lang at tomaan na naman, kasi beerday na ni moonshiner (thats me). Ano kaya ang masarap na tanpulutz, balita ko kasi nagtaasan na ang presyo ng mga seafoods. Bawal naman daw ang baboy kapag santo-santo. Nung nakaraang taon kasi, halos puro pampabata ang nailuto naming tanpulutz. Naka iskor ako noon ng alimango na puno ng aligi, malalaking talaba, tuna belly, bangus, tilapia at siempre pa mawawala ba ang lechon.

Ito rin ang balak ko sanang bilhin ngayon, pwera lang ang lechon dahil medyo kinakabahan na rin akong chumibug nito. Pero dahil sa naririnig ko sa mga balita sa radyo na nagtaasan na raw ang presyo ng mga seafoods ang balak ko tuloy ay bumili na lang ng malaking padlock. Yes malaking padlock, para ilagay sa gate namin at magtatago na lang ako sa mga bwisita na gustong manupot sa araw ng kaarawan ko.

Sunday, April 03, 2011

summer na

Namputz, tag-init na naman, sigurado lahat ng pipol ay nasa tabi na naman ng tubig. Masarap nga sana kapag tag-init ay nasa tabi ka ng dagat, isa lang ang problema, medyo mahal ang mga pangunahing paliguan dito sa pinas. Ang hirap namang magbakasakali sa Manila Bay, baka mahawa ako ng red tide dun sa mga tahong na halos hindi na makahinga sa dami ng dumi doon. Mura na nga sana ang pamasahe sa eroplano dahil lagi silang may promo na piso lang ang bayad mo sa eroplano, ang problema nga lang din doon ay kailangang nakatutok ka lagi sa computer. Kasi pag labas ng promo nila sankaterba na ang nakaharbat nung piso ticket promo. Di bale, may nabili naman akong inflatetable, inflateble, inflatebubble...ah basta may nabili akong puedeng bobahan na plastic swimming pool, bobombahan ko na lang at lalagyan ng tubig, teka nasan na kaya yung speedo kong nabili last April 2008.

Saturday, April 02, 2011

rapsadudoodle