Monday, June 30, 2008

tweak


Depth of Field


DOF


HDR


charcoal image


selective coloring


3D pop out effect


IR effect

Sunday, June 29, 2008

pacquiao-diaz result


Yahoo, boksing na naman, sigurado wala na namang traffic sa kalsada at mapapaaga na naman ang tomaan sa mga kanto niyan habang inaabangan ang sankaterbang tv commercial. Maganda raw ang magiging laban ngayon kasi lahat halos ng mga opisyal ng gobyerno natin ay nasa labas ng bansa para mag cheer sa boksingero natin. Ako dito na lang magtitiyaga sa sankaterbang tv commercial at pag nagsimula na ang laban ay makikisigaw na rin ako ng sugod pacqyaw, pacyao, packyou, packquao...sugod diaz. Gim na.




Saturday, June 28, 2008

pingas-the psychedelic guy


It was a little bit late in the night when the (cell) phone rings. Then a familiar voice on the other end of the line was inviting us (yes us-because we were already into our 3rd bottles of SMB with my close in security) to come over and have an instant reunion cum drinking session. That familiar voice i'm sure is Berting, Teng to some of his childhood buddies, Bert to all the girls and the likes and Pingas to all his cousins. Yes Pingas was in town for a visit after spending half of his life outside the country in search of that green and plastic bucks. So I looked at the time again and because its friday, that "little bit late in the night" was out of the question and the night just seems to be starting. I instructed my close in security to dished out our pulutan and off we went to where Pingas was as fast as we can.



Upon arriving at the place, i saw a lot of familiar faces and yes i know them by their first and last names, even all their natal dates are still fresh on my mind. Why? because they are all my cousins. Hand shakes everywhere, like election time again, some tapped me on my shoulder while others gestured me to hug them. After the usual kamustahan, came the super ice cold beer and when i say ice cold beer that means a beer on my left hand and another on my right hand. It's been a long time since we've been together for this kind of event and i can see in their faces that we really missed each other. Then what followed was a nostalgic night of good and bad stories and another case of very ice cold beer. Whatanight.

Monday, June 23, 2008

in the eye of the storm

Buset na bagyo yan tinapat pa ng linggo ang dating puede naman siyang manalanta sa pinas sa araw ng lunes hanggang huwebes (bawal din sa friday, araw ng gimik ko yun). Ang ganda pa naman ng preparasyon ko nung linggo, dahil sabado pa lang ng gabi ay nagmuni muni na ako at mag iihaw ako linggo ng tanghali habang bumibira ng malamig na serbesa. Nakalista na ang mga iihawin ko gaya ng sugpo, pusit/lumot, hito, kaunting tahong, talong. Tapos ay maggagayat ako ng manggang hilaw at bubuhusan ko ng kaunting tubig na mainit at titimplahan ko nang kaunting asin, paminta ay ayos...attttttackkkkkk. Kaya lang paggising ko pa lang ng madaling araw ng linggo ay bumabayubay na yung hangin. Hayun nagtampisaw na lang kami sa baha habang pumapangas ng mainit na pandisal...di bale tig 2 pesos naman yung pandisal kaya sosyal.

Friday, June 20, 2008

back to the future


Yahoo friday na naman, sana bukas tumaas na uli ang presyo ng gasolina. Nami miss ko na kasi ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng buwakanginang gaso. Bakit naman kasi puro gasolina lang ang puedeng magpatakbo ng chekot. Sana tubig na lang para kahit saan ka mapadpad ay may maiigiban kang tubig. Kaya lang ang downside ng tubig bilang alternatibong paraan sa pagpapatakbo ng chekot ay dadami na naman ang maglalalbas ng kanilang sasakyan sa kalsada. Napupuna ko nga na medyo bihira na ang traffic ngayon sa kalye dahil nga sa sobrang taas ng presyo ng gaso. Kasi naman yung magbobote, lagi na lang kumakatok sa bakuran ko, hayun naidespose ko tuloy yung bisikleta ko na naka S-Works Enduro SL...busetttt.


P.S-Parang kamukha ko itong si mang rod nung araw. Ah siguro inuuto lang ako dati nung mga kalaro ko para makautang kaya sinasabi nilang kahawig ko si mang rod.

Tuesday, June 17, 2008

superman


Mahirap din pala yung lagi kang pagod. Pagod ka na sa trabaho, pagod ka pa sa mamam, pagod ka sa kapupulutan, pagod ka pa sa kaaabang kung nakalaya na "sila" sa kamay ng mga abu. Tapos heto may bumubulong pa sayo na may miting sa iskul tungkol sa dagdag na tuition. Mga buwakanginanyo, give me a break. Beer pa nga iha, yung malamig ha...ilan taon ka na nga pala uli? gusto mong mag aral sa iskul?



Saturday, June 14, 2008

gutom is the mother of invention


very ice cold serbesa


3 seconds long exposure


sabay lagi ang bukas para walang dayaan


my drinking buddy-jun smith...not related to mike hanopol, wally gonzales or pepe


May nadiskubre na naman kaming tanpulutz, ito yung sisig cp. Kaya sisig cp ang tawag namin dito ay dahil ito yun mga leftover nung tanpulutz naming crispy pata. Siempre pa dahil sawa ka na nga sa kalalapang nung crispy pata, kaya ang pinaka the best way para naman maubos ang mga left over at tadtarin siya ng maliliit, haluan ng sibuyas, kalamansi, asin, pamita, suka at kaunting asukal...instant sisig cp na. Ang masarap pa dito ay kahit konti lang yung left over mong crispy pata, nagmumukhang marami kapag kinonbert mo nang sisig cp. Ayos din naman, bumasag din siya ng labing isang boteng malamig na serbesa. OO nga eh, bitin pa sa tig-lima kami ng sparring partner ko, aktuwali dose talaga yung serbesa, kaya lang natresyon ni da ermat yung isa kasi natuwa din dun sa sisig cp. Nagkaroon pa tuloy si da ermat nang idea na puede palang isisig yung mga left over. Hayun tinatadtad na nga yung left over na paksiw na bangus at tinatanong kami kung gusto raw ba namin ng sisig na paksiw na bangus. Buti na lang wala na kaming serbesa kundi, torture time na naman courtesy of da ermat.

Wednesday, June 11, 2008

hey teachers leave your kids alone

Anong klaseng eskuwela ba yan, ang laki laki ng tuition fee ng mga estudyante, pero isang simpleng sistema lang ay hindi pa nila maayos. Ang tinutukoy ko ay yung mga guro na hinahanapan ng admission slip ang mga estudyante. Bakit sa mga estudyante nyo hahanapin yan. Dapat ang mismong eskuwela ang nag-aayos niyan bago dumating ang pasukan. Simple lang namang trabaho yan. Ang gawin ninyo ay isulat nyo sa isang malaking papel ang mga naka enroll na estudyante at ilagay sa tapat ng pangalan nila kung sila ay fully/partially paid at kung anong section sila. Bakit ipapasa ninyo ang problema sa mga estudyante na ipakita ang admission slip, eh hindi nga kayo nagbibigay ng slip. For the sake of argumento lang, sabihin na nating nagbigay kayo ng admission slip dahil nga naka enroll ang estudyante at fully/partially paid na ang tuition niya, tapos naiwala ang nasabing admission slip. Ano ang gagawin ninyo? hindi nyo na tatanggapin ang estudyante. Bulls**t kayo mam/sir.

Sunday, June 08, 2008

up in the mornin and out to school

Pasukan na naman, sigurado puro traffic na naman ito. Ok lang sa akin yung traffic, almusal ko araw-araw yan ang hindi ok sa akin kapag pasukan ay yung gastos, ang daming gastusin. Dito lang yata sa pinas pinakamahal ang lahat ng bagay. Halos kada biyernes ay tumataas ang mga pangunahing bilihin, pero yung sahod ay hindi naman nagbabago. Kaya mahal ko talaga ang pilipinas, kasi lahat ng bilihin dito ay mahal. Kailan kaya tayo makakatikim nung totoong serbisyo sa tao para naman maginhawahan tayong lahat kahit man lang konti. Pero di bale, hindi ko na masyadong iisipin iyan dahil baka makasama pa sa kalusugan ko, ika nga kung ano man ang manyari sa paligid ko ang iisipin ko na lang ay "que sera sera". Sa ngayon isa lang ang talagang concern ko, dahil nga malapit na ang pasukan at siguradong traffic na naman. Ang talagang concern ko lang ngayon ay sana hindi ako maipit sa traffic pagpunta sa burol ni daboy...dami yatang ta-artits doon.

Thursday, June 05, 2008

ground control to major tom


Kainis naman ito minsan meron minsan wala, nope hindi yung journal entry ang tinutukoy ko kundi yung internet connection. Tinawagan ko naman yung hotline nila para alamin kung may problema ba sa koneksyon ko, ang balak ba naman gawin ay ping pingan na naman. Nangyari na rin kasi minsan ito kahit anong klaseng troubleshooting ang ginawa namin ay hindi rin bumalik yung internet. Ang dahilan pala kaya kahit anong troubleshooting ang gawin namin ay hindi kami makakuha ng koneksyon dahil sira pala ang base station. Busetttt.



Monday, June 02, 2008

macro