Wednesday, June 11, 2008

hey teachers leave your kids alone

Anong klaseng eskuwela ba yan, ang laki laki ng tuition fee ng mga estudyante, pero isang simpleng sistema lang ay hindi pa nila maayos. Ang tinutukoy ko ay yung mga guro na hinahanapan ng admission slip ang mga estudyante. Bakit sa mga estudyante nyo hahanapin yan. Dapat ang mismong eskuwela ang nag-aayos niyan bago dumating ang pasukan. Simple lang namang trabaho yan. Ang gawin ninyo ay isulat nyo sa isang malaking papel ang mga naka enroll na estudyante at ilagay sa tapat ng pangalan nila kung sila ay fully/partially paid at kung anong section sila. Bakit ipapasa ninyo ang problema sa mga estudyante na ipakita ang admission slip, eh hindi nga kayo nagbibigay ng slip. For the sake of argumento lang, sabihin na nating nagbigay kayo ng admission slip dahil nga naka enroll ang estudyante at fully/partially paid na ang tuition niya, tapos naiwala ang nasabing admission slip. Ano ang gagawin ninyo? hindi nyo na tatanggapin ang estudyante. Bulls**t kayo mam/sir.

0 comments: