Tuesday, July 29, 2008

girls just want to have fun


Oops ano tong lumabas na naman sa monitor ko, install or repair. Siguro nga kailangan ko nang palitan ang windows 1985 1.0 edition ko, mukha kasing bumabagal na ang computer ko ganung nilagyan ko lang naman ng hangman at tetris na game. Sayang may pasok yung kosa kong bata na marunong mare-start nung computer ko kahit hindi niya pinipindot yung on/off sa baba ng cpu. Hindi bale kaya ko rin namang ayusin ito, para simpleng tweak here and a tweak there at pag nire-start ko na ito, siguradong matatabasan na naman ang laman ng kartameneda ko busetttt.



Friday, July 25, 2008

no time for losers


Halos ilang araw din akong nabakante, hindi sa sex, hindi ako nazezero jan. Ang sinasabi kong halos ilang araw din akong nabakante ay dun sa computer ko, kasi ba naman tuwing bubuksan ko ay bumubulaga sa akin ang message na ito: WINDOWS BOOT MANAGER

Windows failed to start. A recent hardware or software change might be the cause. To fix the problem:
1. Insert your Windows installation disc and restart your computer.
2. Chose your language settings, and then click "Next."
3. Click "Repair your computer. "

If you do not have this disc, contact your system administrator or manufacturer for assistance.

File: \Windows\system32\config\system

Status: 0xc00000e9

Info: Windows failed to load because the system registry file is missing, or corrupt.

Kaya halos lahat yata ng mga paraan ay ginawa ko na, nilinis ko ang banyo namin, nagdasal ako na hindi na ako mag-iisip ng masama tungkol sa mga opismeyt ko. Binawasan ko na rin ang inom ng serbesa. Pinasyalan ko na ang mga dati kong kaibigan at mga kababata at nirevise ko ang last will ang testament ko. Pero wa epek pa rin, ayaw pa ring bumukas ang desktop computer ko.

Kaya lumipad agad ang isip ko papuntang mall kung saan may nagrerepair ng computer/cpu at nag-isip na agad ako ng ibubungad sa mga technician doon na mga geek words para hindi nila ako mataga sa pagrerepair ng computer/cpu ko. Pero teka, gastos ito, nakaligtas na nga ako sa hindi pagtaas ng gasolina ngayong biyernes bilang respeto para sa gagawing TOMA sa lunes...tama ba TOMA ba ang tawag dun? hindi SONA pala.

Neweis, ayokong itakbo agad ang computer/cpu ko sa mga nagrerepair dahil biyernes ngayon at kailangan din nila ng pang gimik at siguradong isa ako sa magiging biktima ng pagkakataon kapag ngayon ko pinagawa ito. Ang solusyon? kinaladkad ko pabalik sa haybol yung isang batang mahilig sa computer at itinali ko dun sa silya na malapit sa computer, habang ako naman ay nagbabasa ng forum sa laptop kung paano maayos ang simple at medyo hindi magusot na BUWAKANGINANG START UP PROBLEM NA ILANG ARAW KO NANG PINOPROBLEMA!!!...enday akina nga muna yung micardis ko jan at tumaas na naman yata ang etits...oops yung presyon ko.


Buti na lang at nakakita ako sa forums na katumbas nung naging sakit ng computer ko. Hindi lang pala ako nag-iisa sa ganoong situwasyon, kaya walang dapat ikalungkot at hindi dapat ma highblood. Mabalik ako dun sa batang itinali ko sa silya. Ang una niyang ginawa ay isinuot ang vista cd installer na bigay sa amin ni Jack Sparrow a.k.a Johnny Depp sa CD/DVD player ng computer. Pero ganun pa din ang lumabas, pinapipili kami ng limang choices kung saan naroroon ang mga katagang safe mode, start from the last succesfull boot (advanced option) at iba pang kalechehan na wala sa bokabolaryo ng techie mind ko. Nung ayaw pa rin gumana ang cd na bigay ni Jack ay pinadaan muna namin sa F8/delete option para makapamili kami kung ano ang boot priority namin.

Matapos ito ay lumabas na ang magandang kulay na laman nung vista cd installer. Palakpakan agad ang mga miron at buraot. May nagsuggest agad na inuman na. Pero wait hindi pa gawa ang computer. Hinintay naming lumabas dun sa monitor yung option kung saan nakalagay ang install or repair. Siempre pa, dahil sa tagal ko na rin naman sa pagkocomputer, mabilis kong sinabi dun sa batang nakatali pa rin sa silya na enter niya yung repair option. Maya maya lang ay lumabas na uli yung mga dati kong nakikita sa monitor kapag nag iistart yung computer ko. Yahoo, yabadabadudels, gumagana na uli ang computer ko. Sigaw na naman ang buraot, inuman na talaga. Cool ka lang, re start muna natin at baka false alarm lang iyan. Nung masigurado ko nang ayos na sa ngayon ang computer ay kinalagan ko na ng tali yung bata at bago ko payagang lumabas ng bahay ay sinabihan ko siyang huwag magsusumbong kahit kanino kung ayaw niyang tatuan ko siya ng windows 98 sa noo na may settings na 800 x 600 pixels.

Wednesday, July 23, 2008

kuhang lasing









Sunday, July 20, 2008

macro 2





Thursday, July 17, 2008

fish eye


Monday, July 14, 2008

hang over + DSLR = photoshoot








Sunday, July 13, 2008

coyote's day out


They showed you a statue, told you to pray


They built you a temple and locked you away


but they never told you the price that you pay


Saturday night is alive again and I know only one reason why...its coyote's birthday. As usual, the boys...the regular ones are all there, feasting on the foods on the table while ice cold beer is flowing as if prohibition days were lifted again. Bulldog, our man, is at his best...read: kulit, and that's not a problem to all of us. We know this guy from the old days, and he's just as happy as we are kaya he's making some kulit. Jun D, my man and our source of drugs... (the legal ones), is at his usual psychedelic self and we are all happy that he's back to his old form and ways if you know what i mean. The rest of us just drank the night away because its coyote's day out. Whatanight.



Friday, July 11, 2008

isang tulog pa


Buti na lang at sa isang biyernes pa darating yung nababalitang malakas na lindol. Hindi kasi puedeng ngayong biyernes mangyari iyon dahil bukas ay may alam akong magdidiwang ng kaarawan niya. Ayaw na ayaw pa naman nitong may kaarawan na mapopostpone ang bday niya at hindi ito nagdadahilan na may family affair o kaya ay may conference siya. Kaya sigurado ko bukas, tuloy na tuloy ito. Mas marami ngang kumakalat na text messages ngayon na may mangyayaring erbukan bukas kesa doon sa nababalitaang paparating na malakas na lindol.



Tuesday, July 08, 2008

castle of thoughts


Pambihira ito, maganda pa naman sana ang ikukuwento ko ngayon, tapos error agad ang bumulaga sa mukha ng monitor ko. Nalimutan ko tuloy yung magandang pasok sa blog entry ko. Balak ko pa namang ibida na masarap nang bumiyahe sa kalsada ngayon dahil bihira na ang traffic, kaunti na lang kasi ang bumibiyaheng sasakyan. Yan ang advantage nang maya't mayang pagtaas ng gasolina. Sana nga umabot pa iyan sa isang daang piso kada litro bago dumating ang susunod na biyernes, para eksakto, masabay na rin dun sa malakas na lindol...ang saya.



Saturday, July 05, 2008


Kuha ito malapit sa lugar namin kung saan yung isa sa dalawang pinaghihinalaang mang aagaw ng motor ay nadale nung balak niyang agawan. Ayon sa mga kuwento ng nakasaksi, hinarang daw nito yung mag-asawang nakasakay sa motor ay pilit inaagaw yung motor ng mag-asawa.


Ang hindi alam nitong mang aagaw ng motor ay armado rin pala yung lalaking aagawan nila, kaya nung ibigay sa kanila ang motor at aktong tatakbo na sila ay bigla siyang pinaputukan nung lalaki. Tumba daw agad yung isang suspek sa pang aagaw ng motor habang yung kasama niya na nakasakay naman sa get away nilang motor ay kumaripas ng takbo nung marinig na pinutukan na ang kasama niya.


Ayon pa rin sa kuwento nung mga nakasaksi, habang inoobserbahan daw nung lalaki yung nabaril niya ay bigla naman daw bumalik yung kasamang suspek na kumaripas ng takbo sakay ng get away nilang motor. Kala niya siguro ay wala na doon yung nakabaril sa kasama niya at kaya daw bumalik sa pinangyarihan ng aksidente ay baka balak kunin yung kasama niya. Nung makitang naroon pa din yung mag asawa ay bigla daw pinaputukan nung suspek ang lalaki, kaya nagkaroon ng putukan.


At dahil sa nangyaring putukan ay natamaan din yung lalaki na balak nilang agawan ng motor. Samantalang yung isang suspek na nakipag putukan sa lalaki ay natamaan din kaya sumakay dali dali sa motor kahit flat na raw ang gulong at tuluyan nang tumakas.


Ang huling ulat ng mga nakasaksi at mga amuyong ay nahuli din daw yung nakatakas na suspek na may tama ng bala, dahil huminto daw sa gasolinahan at hinimatay na doon.

Ang pinakahuling ulat tungkol sa nangyaring insidente kaninang umaga ay namatay na rin daw yung isang suspek.

Thursday, July 03, 2008

4th of July


Yehey, biyernes na bukas, araw na ng gimik namin ng mga tropas ko. Ang masaya pa nito ay nagyaya yung isang tropa namin na may swimming pool na dun kami magpalipas ng weekend. Nakahanda na nga yung tinahi kong swimming trunk at siempre pa nagpaliit na rin muna ako ng tiyan para lumabas yung six pack abs ko. Pero teka ano itong binabasa ni utol sa email niya na hindi kami matututututututuloy? Busetttttt, ano na naman ang dahilan. May conference, ito na ba ang pumalit na palusot pagkatapos nung "family affair" at " tried and tested formula". Enday pakilabas nga ang batya at ilaglag mo yung hose ng tubig jan, tapos bumili ka ng dose botelyang malamig na serbesa at ligo sardines, yung maanghang dahil iinom ako mamaya.