Friday, July 25, 2008

no time for losers


Halos ilang araw din akong nabakante, hindi sa sex, hindi ako nazezero jan. Ang sinasabi kong halos ilang araw din akong nabakante ay dun sa computer ko, kasi ba naman tuwing bubuksan ko ay bumubulaga sa akin ang message na ito: WINDOWS BOOT MANAGER

Windows failed to start. A recent hardware or software change might be the cause. To fix the problem:
1. Insert your Windows installation disc and restart your computer.
2. Chose your language settings, and then click "Next."
3. Click "Repair your computer. "

If you do not have this disc, contact your system administrator or manufacturer for assistance.

File: \Windows\system32\config\system

Status: 0xc00000e9

Info: Windows failed to load because the system registry file is missing, or corrupt.

Kaya halos lahat yata ng mga paraan ay ginawa ko na, nilinis ko ang banyo namin, nagdasal ako na hindi na ako mag-iisip ng masama tungkol sa mga opismeyt ko. Binawasan ko na rin ang inom ng serbesa. Pinasyalan ko na ang mga dati kong kaibigan at mga kababata at nirevise ko ang last will ang testament ko. Pero wa epek pa rin, ayaw pa ring bumukas ang desktop computer ko.

Kaya lumipad agad ang isip ko papuntang mall kung saan may nagrerepair ng computer/cpu at nag-isip na agad ako ng ibubungad sa mga technician doon na mga geek words para hindi nila ako mataga sa pagrerepair ng computer/cpu ko. Pero teka, gastos ito, nakaligtas na nga ako sa hindi pagtaas ng gasolina ngayong biyernes bilang respeto para sa gagawing TOMA sa lunes...tama ba TOMA ba ang tawag dun? hindi SONA pala.

Neweis, ayokong itakbo agad ang computer/cpu ko sa mga nagrerepair dahil biyernes ngayon at kailangan din nila ng pang gimik at siguradong isa ako sa magiging biktima ng pagkakataon kapag ngayon ko pinagawa ito. Ang solusyon? kinaladkad ko pabalik sa haybol yung isang batang mahilig sa computer at itinali ko dun sa silya na malapit sa computer, habang ako naman ay nagbabasa ng forum sa laptop kung paano maayos ang simple at medyo hindi magusot na BUWAKANGINANG START UP PROBLEM NA ILANG ARAW KO NANG PINOPROBLEMA!!!...enday akina nga muna yung micardis ko jan at tumaas na naman yata ang etits...oops yung presyon ko.


Buti na lang at nakakita ako sa forums na katumbas nung naging sakit ng computer ko. Hindi lang pala ako nag-iisa sa ganoong situwasyon, kaya walang dapat ikalungkot at hindi dapat ma highblood. Mabalik ako dun sa batang itinali ko sa silya. Ang una niyang ginawa ay isinuot ang vista cd installer na bigay sa amin ni Jack Sparrow a.k.a Johnny Depp sa CD/DVD player ng computer. Pero ganun pa din ang lumabas, pinapipili kami ng limang choices kung saan naroroon ang mga katagang safe mode, start from the last succesfull boot (advanced option) at iba pang kalechehan na wala sa bokabolaryo ng techie mind ko. Nung ayaw pa rin gumana ang cd na bigay ni Jack ay pinadaan muna namin sa F8/delete option para makapamili kami kung ano ang boot priority namin.

Matapos ito ay lumabas na ang magandang kulay na laman nung vista cd installer. Palakpakan agad ang mga miron at buraot. May nagsuggest agad na inuman na. Pero wait hindi pa gawa ang computer. Hinintay naming lumabas dun sa monitor yung option kung saan nakalagay ang install or repair. Siempre pa, dahil sa tagal ko na rin naman sa pagkocomputer, mabilis kong sinabi dun sa batang nakatali pa rin sa silya na enter niya yung repair option. Maya maya lang ay lumabas na uli yung mga dati kong nakikita sa monitor kapag nag iistart yung computer ko. Yahoo, yabadabadudels, gumagana na uli ang computer ko. Sigaw na naman ang buraot, inuman na talaga. Cool ka lang, re start muna natin at baka false alarm lang iyan. Nung masigurado ko nang ayos na sa ngayon ang computer ay kinalagan ko na ng tali yung bata at bago ko payagang lumabas ng bahay ay sinabihan ko siyang huwag magsusumbong kahit kanino kung ayaw niyang tatuan ko siya ng windows 98 sa noo na may settings na 800 x 600 pixels.

0 comments: