Ang sagwa naman ng ending ng buhay nitong si pareng michael, pabalik na sana uli si pogi sa pagkanta at pagkokonsert ay saka naman ito inatake sa puso, ayun tepok. Bigla tuloy naglabasan sa internet ang mga nagawa niyang album at parang hotcake na naman kung bumenta ang mga album. Ganyan naman ang mga pipol, kapag natepok ka na ay saka ka nila uli maaalala. Nung mabalitaan ko nga na dead na si pogi ay bigla ko tuloy naalala yung tinahi kong glove na lagi kong suot nuon kapag umaatend ako ng tipar. Maibebenta rin kaya ito sa ebay?
Friday, June 26, 2009
Thursday, June 25, 2009
private eyes
Buwakanabitz, ano ba ang tunay na sintomas ng A(H1N1) virus, kasi parang hindi na nawala ang ubo ko mula nung madale ako ng trangkaso. Panay naman ang inom ko ng beer...este gamot para mabawasan ang tahol ko. Neweis, ubo lang yan malayo sa puso yan, nung araw nga kapag may ubo ka ay tuwang-tuwa ka na dahil puede ka nang lumaklak ng corex ng hindi nagi guilty.
Wednesday, June 24, 2009
sick things
Naranasan nyo na ba na minsan ay napunta kayo sa mall at naghahanap ng mapaparadahan ng inyong dalang sasakyan?. Tapos sa kahahanap mo ng parking space ay may napuna kang papaalis na na isang sasakyan kaya inilapit mo na doon sa papaalis na sasakyan ang iyong dalang sasakyan para iparada pag alis nila. Pero imbes na umalis yung hinihintay mong sasakyan ay lalong tinagalan ang pag-alis. Tipikal na noypi ang ganyang ugali, parang nananadya. Maraming ganyan sa pinas, ang tawag nga ng isang tropa ko jan ay ASSHOLE.
Sunday, June 21, 2009
screw
Busettt halos dalawang araw na akong hindi makatulog dahil sa trangkaso at ubo ko. UH! U U Ubo? hindi ba ito ang sintomas ng A(H1N1) na virus? Nadale kaya ako nito? Ang akala ko pa naman ay media hype lang ang nasabing virus para maibenta ng malalaking parmacutical, pharmacuetical, pahrmaceutical ah basta yung pagawaan ng mga gamot ang kanilang mga hindi maidespose na DRUGS. Meron kasi akong napanood na pelikula tungkol sa pagkalat ng epidemia, para lang makapagbenta sila ng mga gamot nila, yun ang intindi ko sa pelikula. Mabalik ako dun sa ubo at trangkaso ko, hindi ba't kapag apektado ka ng A(H1Ni) virus ay puede kang hindi muna pumunta sa opis at magpaquarantine ka. Mukhang magandang idea ito para sa isang engrandeng bakasyon, pero in the meantime, kailangan ko munang uminom ng corex-d para mawala ang ubo ko.
Thursday, June 18, 2009
Sunday, June 14, 2009
Saturday, June 13, 2009
turbo vac
Buwakanbitz to pieces, akala ko nakana na naman ako ng mga magagaling na noypi. Here's my story-Napadpad kasi ako sa isang mall dahil na rin sa gusto kong magpalamig. Yes magpalamig lang talaga at hindi para magtitingin ng mga chiching. Kaiikot ko sa mall ay bigla akong napatigil sa isang bukas na telebisyon na nagpapalabas ng mga paninda nila at kung paano gamitin ang nasabing paninda. Dahil wala rin lang akong gagawin ay minabuti kong manood muna dun sa nasabing telebisyon. Maya maya pa ay lumapit na sa akin ang isang sales representative at kinausap ako ng kaunti hanggang sa maging mag best friend na kami. Nung matapos ang kalahating oras ay parang nabudol budol gang ako, dahil nung matauhan ako ay nasa cashier's counter na ako at binabayaran ang isang handy vacuum cleaner. Mabilis akong umalis ng nasabing mall at pagdating sa bahay ay itinabi ko muna ang vacuum cleaner dahil oras na ng peligro at kailangang uminon na ako ng vitamins (read: beer).
Kinabukasan ay excited na akong maglinis ng bahay dahil na rin sa bagong vacuum cleaner. Pinagbawalan ko lahat ng mga kasama ko sa bahay na maglinis at inako ko lahat ng paglilinis sa araw na ito. Binuksan ko at inilabas ang nasabing cleaner at binasa ang kasama nitong instruction manual. Matapos kong basahin ay ikinabit ko na ang nasabing cleaner at sinimulan ang paghigop ng mga alikabok, sinimulan ko ito sa isa sa pinakamaruming bagay sa bahay namin-ang computer keyboard. Pero teka bakit parang nandun pa rin yung maliit na papel sa pagitan nung mga letra ng keyboard. Bakit parang mahina yatang humigop ang BUWAKANG INANG vacuum.
Basa uli ako ng manual at pagkatapos ay sinubok ko uli, mahina talaga. MGA BUWAKANG INA...oops sorry nadala lang ako sa sitwasyon. Bakit kaya mahina ang higop. Naligo naman ako bago ko simulang gamitin ang vacuum. Ah siguro hindi pa ako nag aalmusal. Kumain muna ako, pero mahina pa rin ang higop. Buset, ang aga pa para bumalik sa nasabing mall at papalitan ng iba ang mahinang vacuum. Hindi bale, magre-research muna ako tungkol sa A H1 N1 sa google para naman maubos ang oras ko. Yehey, bukas na ang mall (walking distance lang sa amin ito bastos), makapunta na agad para maitanong dun sa nagbenta sa akin kung bakit mahina ang higop.
Pagdating ko sa mall ay ipinaliwanag ko agad dun sa nagbenta sa akin ang problema. Kinuha niya sa akin ang vacuum at may inalis lang na dalawang maliit na styrofoam, tapos ay sinubok niya ito at MY SWEET LORD ang lakas ng humigop nung vacuum. Agawin ko nga agad sa kanya ang vacuum at sinabakan ko ng uwi, ang dami ko pang gagawin istorbo kayo.

Tuesday, June 09, 2009
Friday, June 05, 2009
Wednesday, June 03, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)