Buwakanbitz to pieces, akala ko nakana na naman ako ng mga magagaling na noypi. Here's my story-Napadpad kasi ako sa isang mall dahil na rin sa gusto kong magpalamig. Yes magpalamig lang talaga at hindi para magtitingin ng mga chiching. Kaiikot ko sa mall ay bigla akong napatigil sa isang bukas na telebisyon na nagpapalabas ng mga paninda nila at kung paano gamitin ang nasabing paninda. Dahil wala rin lang akong gagawin ay minabuti kong manood muna dun sa nasabing telebisyon. Maya maya pa ay lumapit na sa akin ang isang sales representative at kinausap ako ng kaunti hanggang sa maging mag best friend na kami. Nung matapos ang kalahating oras ay parang nabudol budol gang ako, dahil nung matauhan ako ay nasa cashier's counter na ako at binabayaran ang isang handy vacuum cleaner. Mabilis akong umalis ng nasabing mall at pagdating sa bahay ay itinabi ko muna ang vacuum cleaner dahil oras na ng peligro at kailangang uminon na ako ng vitamins (read: beer).
Kinabukasan ay excited na akong maglinis ng bahay dahil na rin sa bagong vacuum cleaner. Pinagbawalan ko lahat ng mga kasama ko sa bahay na maglinis at inako ko lahat ng paglilinis sa araw na ito. Binuksan ko at inilabas ang nasabing cleaner at binasa ang kasama nitong instruction manual. Matapos kong basahin ay ikinabit ko na ang nasabing cleaner at sinimulan ang paghigop ng mga alikabok, sinimulan ko ito sa isa sa pinakamaruming bagay sa bahay namin-ang computer keyboard. Pero teka bakit parang nandun pa rin yung maliit na papel sa pagitan nung mga letra ng keyboard. Bakit parang mahina yatang humigop ang BUWAKANG INANG vacuum.
Basa uli ako ng manual at pagkatapos ay sinubok ko uli, mahina talaga. MGA BUWAKANG INA...oops sorry nadala lang ako sa sitwasyon. Bakit kaya mahina ang higop. Naligo naman ako bago ko simulang gamitin ang vacuum. Ah siguro hindi pa ako nag aalmusal. Kumain muna ako, pero mahina pa rin ang higop. Buset, ang aga pa para bumalik sa nasabing mall at papalitan ng iba ang mahinang vacuum. Hindi bale, magre-research muna ako tungkol sa A H1 N1 sa google para naman maubos ang oras ko. Yehey, bukas na ang mall (walking distance lang sa amin ito bastos), makapunta na agad para maitanong dun sa nagbenta sa akin kung bakit mahina ang higop.
Pagdating ko sa mall ay ipinaliwanag ko agad dun sa nagbenta sa akin ang problema. Kinuha niya sa akin ang vacuum at may inalis lang na dalawang maliit na styrofoam, tapos ay sinubok niya ito at MY SWEET LORD ang lakas ng humigop nung vacuum. Agawin ko nga agad sa kanya ang vacuum at sinabakan ko ng uwi, ang dami ko pang gagawin istorbo kayo.

0 comments:
Post a Comment