Hanep din naman yung si Ondoy, kala ko nung una ay kaunting ulan lang ang ibabaksak ni kolokoy. Bigla tuloy nagkaayaan ang mga tropa na mag set ng isang magandang tomaan pagkakain ng tanghalian. Alam ko namang hindi agad magsisimula ang mga loko sa napagkasunduang oras. Kaya nung makapananghalian ako ay agad muna akong umidlip. Para na rin may panglaban ako sa mga malalakas ang resistensya sa mamam.
Nung magising ako bandang alas-tres ng hapon ay baha na sa lugar namin. Ngayon lang nangyari ito sa lugar namin mula nung malipat ako dito. Sumilip ako sa labas ng bahay namin at napuna kong medyo aligaga na ang ibang mga neighbor ko-ang dahilan? pumasok na sa loob ng bahay nila ang tubig ulan/baha. Bigla tuloy akong nag-alala, hindi dahil sa tumataas ang tubig ulan/baha. Nag-alala ako sa mga tropa ko dahil baka nagsisimula na silang tumoma. Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng text at sinabing hindi na kami matutuloy dahil binaha na rin ang lugar nila. Buti nga sa inyo, mahihilig kasi kayong lumaklak ng malamig na serbesa kahit bumabagyo na. Pero teka diba mas masarap lumaklak ng malamig na serbesa kapag umuulan at kapiling ka-oops mukhang kanta yata iyon ah.
Neweis, dahil sa wala rin lang akong magagawa ay minabuti ko na lang tanungin yung mga neighbor ko kung may maitutulong ba ako sa kanila, huwag lang tungkol sa pera. Ang ibig kong sabihin ay kung may kailangan bang buhatin na mahahalagang bagay at gamit at ilipat sa itaas ng bahay nila para hindi na masira ng tubig ulan/baha. Buti naman ay naagapan na daw nila ang kanilang mahahalagang bagay bago pa man tumaas ang tubig ulan/baha.
Medyo masuwerte pa pala kami, dahil dun sa labasan namin ang tubig ulan/baha ay halos lagpas tao na. May isang mama nga akong nakita na tumatawid sa kalye ng palangoy. Susana bagets, eh daanan nung tricycle yung kalsadang iyon, kailan pa naiconvert na balara pool ang nasabing kalye.
Nung makabalik na ako sa bahay namin ay may natanggap akong isang text dun sa dakilang buraot na kilala ko. Pupunta daw siya sa amin at baka kailangan ko daw ng responde. Alam ko namang hindi responde ang gustong gawin noon sa akin. Isang code yun na gusto pa rin niyang tumoma kahit bagyo na. Hinayaan ko lang ang madilim niyang plano na pumunta sa akin. Maya-maya pa ay nagtext na uli at sinabing hindi na raw siya makakarating sa amin dahil lagpas tao raw dun sa dadaanan niyang kalsada. Kitam din hindi rin siya nakalusot, bwahahahahahahahah.
Hindi pa halos natatapos yung malakas kong halakhak ay bigla namang nagbrown-out. Kasabay nung brown-out ay yung pagtaas pa uli ng tubig sa harap ng bahay namin. Mukhang papasok na yata ang tubig ulan/baha sa bahay ko. Kaunting alon na lang ay siguradong nasa loob na ng bahay ang tubig ulan/baha. Kaya para maiwasan nang masira ang mga gamit ko sa bahay ay agad ko itong inilipat sa pangalawang palapag. Ang unang naiakyat ay ang mga speakers, mga lp's, gitara, sound source, line conditioner at ref. Ref? teka baka naman hindi na umabot sa ref yung tubig, puede bang unahin na lang natin yung mga cd collection ko (medyo shy at mahina ang boses).
Masarap din naman pala yung walang kuryente. Kasi muli kong nakausap na harapan yung mga kasama ko sa bahay. Napuna ko tuloy na nagsisilaki na rin sila. Madalas kasi kapag gusto ko silang makausap ay nagpupunta lang ako sa isang instant messaging site para sabihing kakain na kami. O kaya kung gusto ko namang mapansin nila ako agad ay ititwitter ko na lang sila.
Buti na lang at mukhang humuhupa na yung tubig ulan/baha. Sana bumilis pang humupa para may oras pa rin kami ng mga katropa ko na "mag catch up" sa toma. Sayang kasi, malamig pa naman ang panahon at walang kuryente. Magandang background habang lumalaklak ng malamig na serbesa.
Mag nightswimming na lang kaya ako. Baduy, hindi nightswimming sa tubig ulan/baha, kundi magsounds ng R.E.M. Kaya lang brownout pa rin. Nasaan na kaya yung libro kong "Bible Code" na gawa ni אליהו ריפס o yung "propecies of Nostradamus". Pero teka baka naman lumabo pa ang mata ko niyan. Mahirap din magbasa ng madilim. Sana 2012 na.
0 comments:
Post a Comment