Monday, November 30, 2009

dancing with tears in my eyes

Ibang klase talaga itong si kris ng damong maliit group, kahit maga ang paa (gout?) isang text lang ang katapat at ayun "hege agad". Isa ito sa madaling kausap kapag rin lang erbukan ang pag-uusapan. Pagdating nga namin sa haybol nila ay nakahanda na ang serbesang malamig. Ang maganda pa nito ay ikaw ang mamimili kung pula (pilsen) o puti (lights) ang titirahin mo. Hindi lang basta pula o puti, kungdi sangkatutak na malamig na pula o puti ang nakababad. Yan ang mga magagaling na tao kapag rin lang tomadachi ang hilig mo, hindi na naghihintay ng ka share. Iskor agad para lumamig na. Ang da best pa dito ay may luto nang kilawin at adobong bencabs. Yung adobo nga ok na ang luto, pero inilagay pa sa sizzling plate para lalong maganda ang dating. Hindi naman siya napahiya sa akin, dahil yung request niyang crispy ulo ng baboy ay inihatid ko sa kanya ng mainit pa. Isa lang ang naging problema ko, hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Pssst, huwag kayong maingay ha, hindi ko talaga maalala kung paano ako nakauwi.

O.T-bakit daw dancing with tears in my eyes ang pamagat nito? Sagot-kasi yun ang pinapakinggan kong plaka nung sinusulat ko ito. Gusto ko na ngang palitan ang pamagat ng "Desire" ng GLJ, kasi ito na ang nakasalang na tugtog.

Sunday, November 29, 2009

tomato

Ano na kaya ang nangyari sa shisha ko?. Mukhang tumatagal ay nagkakalabuan na yatang makarating sa akin ang nasabing toy. Pero hindi bale may bago naman akong toy, yung compactron. Halos magdamag naming inobserbahan ito. Pati nga si erpat at si ermat ay nakisali rin. Hindi sila makapaniwala na ganun kaganda ang ibibigay na tunog nitong bagong "tomato". Nasanay na kasi kami dati sa tunog nung analog, yun pala ay puede pa itong pagandahin. Kaya hayun habang nagsa sound trip kami nila erpat/ermat, ay sinabayan pa namin ng toma ng red wine (para kay erpat/ermat) at malamig na serbesa. Pero mas masarap pa rin siguro kung habang tumotoma ay humihitit kami sa hookah. Waaaaaah, naalala ko na naman yung shisha ko.

Wednesday, November 25, 2009

cool

Sunday, November 22, 2009

hookah

Buwakanbitz to pieces, groge pa rin ako hanggang ngayon. Ibang klase talaga itong si Pareng Kristopher ng damong maliit group kapag nagyaya ng meeting sa kuwadradong mesa. Halos mag-abot abot yung malamig na serbesa ko sa mesa. Ika nga sa kankaloo, nakapila na ang tantos mo. Paano ko ba naman mauubos yung malamig na serbesa ko kung ang nasa harapan ko ay adobong kambing (benkabz to us), kaldereta, papaitan, kilawin. Tapos may ilalapit pa sa iyo na inihaw na bangus, fried chicken at spagetti, spageti, spaghetti ah basta pancit na may pulang sarsa. Bigla tuloy nabunsol si Tito Ferds, lantakan ba naman yung pancit na may pulang sarsa. Ang akala nya kasi ay wala kaming tanpulutz kaya nagpakabusog na. Ang masarap pa nito nung dumikit na sa akin si Pareng Kristopher, kasi may ibinulong siya na may pasalubong daw akong Shisha. Yahooohooo, oops teka hindi pa ako dapat mag celebrate, kasi sa huwebes pa daw ang dating ng mga bagahe niya. I'll keep my fingers crossed hanggang huwebes, baka kasi mabulilyaso pa.

Friday, November 20, 2009

It's beginning to look a lot like Christmas

Yahohooo malapit na talaga ang pasko, halos kabi-kabila na ang tumatawag sa akin na mga tropa kong nagba-balik bayan para dito magpasko. Katulad na lang ng isang best friend ko jan sa damong maliit sa nova. Halos hindi pa naibababa ang mga bagahe niya ay tumawag na agad sa akin para sabihing magpapalamig na raw siya ng paborito naming serbesa at tanpulutz na mehehe (read: benkabs). Yung isa namang tropa ko ay pinapapunta ako sa bagong bahay niya para daw basagan namin ng...malamig na serbesa. Ang kinatatakot ko ay yung isang tropa ko, hindi ito tumatawag pero bigla na lang lumulutan sa haybol namin. Ang mabigat pa, nung huling lumutang ito sa haybol namin ay may dala pang pasalubong at ilang kilong tanpulutz (alimango, leimpo, pla-pla). Yan ang masarap dito sa pinas, kapag nakaramdam na tayo ng kaunting ginaw dahil sa papalapit na pasko ay...fire na agad.

Wednesday, November 18, 2009

supot na supot

Hanep amoy serbesang malamig pa rin ang dighay ko kahit 24 oras na ang nakakaraan mula nung ipagdiwang ni pareng del ang kanyang kaarawan. Akala ko nga nung dumating kami (yes kami, three kasi kaming nanupot) ay may miting de abanse sa dami ng tao. Iba talaga kapag magaling na lalaki ang may kaarawan, halos sarado yung kalsada sa tapat ng haus nila. Ang masarap pa nito, sankaterbang malamig na serbesa (pilsen, lights, red horse) at alak ang nakababad sa drum na puno ng yelo. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay yung inihain sa aming kalderetang pabo, pritong tilapia, tustadong igat, lumpiang shanghai, mangga at bagoong. Sabi tuloy nung dalawang kasama ko, supot na supot. Ang naging problema lang namin ay nung bunsol na bunsol na kami sa malamig na serbesa at tanpulutz ay kung paano makakatakas. Tito Ferds and Taruc, sasama ba uli kayo sa akin next year o baka nadala na kayo.

Oops muntik ko pang malimutan na pasalamatan si tito ferds dun sa banlaw namin sa haybol niya at sa mainit na bulalong baka, da best.

Sunday, November 15, 2009

snaz

Habang nag-iinuman kami nung kajamming kong music lover ay ikinasa namin yung plakang Nazareth na live album. Natutuwa kami dahil halos wala pang gasgas ang nasabing album. Malinaw pa rin sa amin yung sinisigaw ni tito dan bago niya kantahin yung Java Blues. Pero ang nakatawag sa amin ng pansin ay nung tignan namin yung lalagyan ng plaka. Ugali kasi namin noon na kapag nabili namin ang isang plaka ay lagyan ito ng petsa kung kailan nabili. Nabigla kami nung makita naming ang petsa nung pagkakabili ng plakang Nazareth ay November 16, 1982. Namputza, beinte siyete taon na pala bukas ang nasabing plaka. Ganoon na ba kami katagal nag aano...nakikinig ng plaka.

Friday, November 13, 2009

in search of tonats

Saan na kaya si Nato (Tonats to friends) ngayon?. Bigla ko kasi siyang naalala dahil nahalukay ko yung plaka kong Anak album ni Freddie Aguilar. Si Tonats ay isang tagong musikero sa Cogeo Antipolo. Marami ang naghahanap dito kapag may inuman sa Antipolo. Kasi nga bukod sa magaling siyang gumitara ay maganda pa ang boses niya. Halos dukutin namin nung araw si Tonats sa ibang mga tropa niya sa Antipolo kapag doon kami nakapuesto dahil na rin sa galing ng pagtugtog niya sa gitara. Kaya ko siya biglang naalala ay dahil nung pumasok na yung kantang "kasaysayan, pag-ibig at ala-ala" ni Freddie Aguilar. Noong araw kasi ay tinutugtog niya ito sa amin at halos isang dipa lang ang layo namin sa isat-isa. Kaya kapag binira na niya ang mga pamosong musika, tahimik na kami lahat. Kahit pa sabihin nagkalat ang pulutang kambing at malamig na serbesa sa mesa. Nung huli kasi akong maakyat sa mga tropa ko sa Cogeo ay nabalitaan kong isa na lang piyon si Tonats. Para siguro maiahon sa hirap ang pamilya niya. Sayang ang talento ng mamang ito.

Bigla ko rin tuloy naalala si Lito, isa ring magaling na gitarista ng aming panahon na ngayon ay masaya nang nagkikipaglaro sa mga apo niya....pero ibang kuwento na ito.

Monday, November 09, 2009

sound trip













Wednesday, November 04, 2009

beer vitamins

Uso na naman ba trangkaso. Nung kasing makausap ko yung isang katropa ko sa kuwardradong mesa ay nabanggit niya sa akin na nadale silang lahat ng lagnat. Kinabahan agad ako, kasi parang pakiramdam ko din ay hindi ako makahinga at barado ang ilong ko. Sabagay tubig lang naman daw ang gamot kapag barado ang ilong. Ano yun parang alulod na may bara, bubuhusan mo lang ng tubig para bumaba yung bara. Parang mang kepweng style yata yung suggestion na iyon. Ah basta, isa lang ang alam kong gamot kapag barado ang ilong, may lagnat, masama ang pakiramdam at kung ano ano pang sakit. Malamig na serbesa lang ang katapat niyan.


Sunday, November 01, 2009

undas

Saan kaya ako pupunta mamaya, ito kasi ang mahirap kapag undas at yung mga nadedo na naming mga relatives ay kung saan saan nakabaon. Dapat talaga siguro ay mauso na yung may kanya kanya tayong libingan sa sarili nating bakuran. Kaya siguro dumarami na ang nagpapa cremate. Kasi nga naman mas madali mong madadala ang abo nung mga namayapa mo nang mga mahal sa buhay.