Saan na kaya si Nato (Tonats to friends) ngayon?. Bigla ko kasi siyang naalala dahil nahalukay ko yung plaka kong Anak album ni Freddie Aguilar. Si Tonats ay isang tagong musikero sa Cogeo Antipolo. Marami ang naghahanap dito kapag may inuman sa Antipolo. Kasi nga bukod sa magaling siyang gumitara ay maganda pa ang boses niya. Halos dukutin namin nung araw si Tonats sa ibang mga tropa niya sa Antipolo kapag doon kami nakapuesto dahil na rin sa galing ng pagtugtog niya sa gitara. Kaya ko siya biglang naalala ay dahil nung pumasok na yung kantang "kasaysayan, pag-ibig at ala-ala" ni Freddie Aguilar. Noong araw kasi ay tinutugtog niya ito sa amin at halos isang dipa lang ang layo namin sa isat-isa. Kaya kapag binira na niya ang mga pamosong musika, tahimik na kami lahat. Kahit pa sabihin nagkalat ang pulutang kambing at malamig na serbesa sa mesa. Nung huli kasi akong maakyat sa mga tropa ko sa Cogeo ay nabalitaan kong isa na lang piyon si Tonats. Para siguro maiahon sa hirap ang pamilya niya. Sayang ang talento ng mamang ito.
Bigla ko rin tuloy naalala si Lito, isa ring magaling na gitarista ng aming panahon na ngayon ay masaya nang nagkikipaglaro sa mga apo niya....pero ibang kuwento na ito.
Bigla ko rin tuloy naalala si Lito, isa ring magaling na gitarista ng aming panahon na ngayon ay masaya nang nagkikipaglaro sa mga apo niya....pero ibang kuwento na ito.
0 comments:
Post a Comment