Ano na ba ang nangyayari sa bansa natin? parang wala nang gobyerno, kanya-kanya na. Halos lahat ng tao ay may sariling diskarte. Sa paradahan na lang ng sasakyan, bakit kaya hindi ka puedeng pumarada sa tapat ng tindahan kung hindi ka bibili o kakain, kanila ba yung kalsada?. Meron naman na puede kang pumarada kahit anong oras pero kapag paalis ka na ay biglang may lalapit at kunyari ay magtratrapik. Alam mo na ang ibig sabihin noon, magbigay ka ng barya. Sabagay mas mainam na yung ganoon kesa bigla na lang lalapit sa iyo yung tao at tututukan ka ng patalim sabay hingi ng cellphone mo. Oops, kumukulo na yung kalderetang baka, makapagbukas na nga ng isang malamig na serbesa.
Monday, February 22, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment