Thursday, August 26, 2010

dream machine

Susana bagets, ang tagal ko na palang hindi nabibisita itong blog ko. Kasi naman yung usong networking site nakaka adik (wala pa akong sariling account doon). Paano ka ba namang hindi maaadik doon eh parang libre boso na sa buhay ng tao ang tema nung site. Kasi ba naman bawat kilos nung mga may account doon ay kinukuwento nila at may kasama pang pictures. Iba na talaga ang panahon, lalong lumiit ang mundo. Sana balang araw mauso yung software o kaya ay chips, na kapag gusto mong maging dalubhasa sa pag gigitara ay ikakabit lang sa gilid ng ulo mo ala salonpas yung nasabing software o chips tapos nun magaling ka nang gumitara. Sigurado mas mahal kung ang gusto mong ikabit na software o chips sa ulo mo ay yung bang isa kang gigolo o sa tagalog-manyakis.

Saturday, August 07, 2010

bochaching

Anak ng tupz, ok na sana kagabi yung harapan namin sa kuwadradong mesa. Saan ka pa, may naharbat kasi akong adobong kambing, kilawing kambing at papaitang kambing dun sa kambingan sa siete. Kaya dala dala ang tanpulutz ay pinakontak ko na sa kay totoy buraot yung mga klasmeyt namin sa kuwadradong mesa. Pag dating nung isang klasmeyt namin ay nagpakuha agad ng tekalahats na malamig na serbesa. Yung isa namang kakosa namin ay magdadala daw ng crispy ulo ng baboy. Kaya kahit hindi pa ako nakakagoli ay nagbukas na agad kami ng tig-isang malamig na serbesa. Nung pangalawang bote na namin ay dumating na yung isang kakosa namin na may dalang crispy ulo ng baboy. YAHOO!!!, bigla tuloy nalaos yung dala kong kambing(s). Tira dito...tira doon...(mga ogags ibang tira naman yung iniisip nyo)...nung balat ng crispy ulo ng baboy. Kaya lang bakit parang may amoy yata yung crispy ulo ng baboy. Hindi ako nagpahalata dahil panay ang iskrimahan nung mga kakosa ko sa crispy ulo ng baboy. Tuloy ang bukas ng malamig na bote ng serbesa. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pangangati nung labi ko. Teka hindi ba sinyales iyun ng food poisoning?, para hindi na masira ang harapan namin ay sinabi ko na ang nararamdaman ko. Nung marinig nung mga kasama ko ang pangangati nung labi ko dahil sa crispy ulo ng baboy ay sinabi rin nilang parang ngang may amoy at ibang lasa yung crispy ulo ng baboy.  Ano yun nabigyan kami ng medyo luma ng crispy ulo ng baboy?. Hindi kami papayag niyan...kaya matapos naming laplapin lahat yung balat ng crispy ulo ng baboy ay ibinalot uli namin ito...para isauli at papalitan ng bagong lutong crispy ulo ng baboy. In short, inuman na naman uli  mamaya...YAHOOOOOO!!!

P.S-Kaya lang ubos na yung papaitan, inagahan ni totoy buraot...bad

Sunday, August 01, 2010

yankeedoodle

Ito mahirap kapag marami kang minimentain na social networking account, minsan napapabayaan mo na yung iba. Kasi naman halos magkakamukha lang silang lahat ng function. Ika nga sa gobyerno ay "redundant" na. Sabagay iisa lang naman lahat ang sistema nila, medyo binaluktot lang na kaunti para hindi magkademandahan. Katulad na lang nitong account ko dito at sa fb, pareho lang naman ito na puede mong isulat o iblog ang laman ng isip mo. Magkomento ang mga nakakabasa. Ilagay mo ang mga litrato mo habang kumakain ka sa pinakamahal na resto o kaya ay litrato mo nung mapasyal ka sa ibang lugar...in short payabangan na.