Anak ng tupz, ok na sana kagabi yung harapan namin sa kuwadradong mesa. Saan ka pa, may naharbat kasi akong adobong kambing, kilawing kambing at papaitang kambing dun sa kambingan sa siete. Kaya dala dala ang tanpulutz ay pinakontak ko na sa kay totoy buraot yung mga klasmeyt namin sa kuwadradong mesa. Pag dating nung isang klasmeyt namin ay nagpakuha agad ng tekalahats na malamig na serbesa. Yung isa namang kakosa namin ay magdadala daw ng crispy ulo ng baboy. Kaya kahit hindi pa ako nakakagoli ay nagbukas na agad kami ng tig-isang malamig na serbesa. Nung pangalawang bote na namin ay dumating na yung isang kakosa namin na may dalang crispy ulo ng baboy. YAHOO!!!, bigla tuloy nalaos yung dala kong kambing(s). Tira dito...tira doon...(mga ogags ibang tira naman yung iniisip nyo)...nung balat ng crispy ulo ng baboy. Kaya lang bakit parang may amoy yata yung crispy ulo ng baboy. Hindi ako nagpahalata dahil panay ang iskrimahan nung mga kakosa ko sa crispy ulo ng baboy. Tuloy ang bukas ng malamig na bote ng serbesa. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pangangati nung labi ko. Teka hindi ba sinyales iyun ng food poisoning?, para hindi na masira ang harapan namin ay sinabi ko na ang nararamdaman ko. Nung marinig nung mga kasama ko ang pangangati nung labi ko dahil sa crispy ulo ng baboy ay sinabi rin nilang parang ngang may amoy at ibang lasa yung crispy ulo ng baboy. Ano yun nabigyan kami ng medyo luma ng crispy ulo ng baboy?. Hindi kami papayag niyan...kaya matapos naming laplapin lahat yung balat ng crispy ulo ng baboy ay ibinalot uli namin ito...para isauli at papalitan ng bagong lutong crispy ulo ng baboy. In short, inuman na naman uli mamaya...YAHOOOOOO!!!
P.S-Kaya lang ubos na yung papaitan, inagahan ni totoy buraot...bad
1 comments:
Genial fill someone in on and this enter helped me alot in my college assignement. Thank you seeking your information.
Post a Comment