Saturday, December 25, 2010

Pasko 2010

Yahoohoo, Pasko na naman. Sarap ng feeling pag gising mo pa lang may naka ungaong nang namamasko sa iyo. Ang malupit pa nito ayaw na nilang makinig sa sinasabi mong "PATATAWARIN". Medyo demanding na sila, kasi nga naman pasko na, dapat magbigay ka na sa kanila, bulls@#%.


Ang isa pang maganda kapag pasko ay yung palitan ng palitan ng kung ano-ano ang mga party pipol. Kagabi nga, disperas ng pasko ay nakaligtas na ako sa hapunan. Nakikain na lang ako sa mga neighbor kong nagpapanggap na maging mabait na tao, kahit isang taon silang assh@#%.


Dun naman kina Ermat at Erpat ay nagkalat din ang chibug, may walang kamatayang menudo na kasing tigas na mukha nung naka ungaong na namamasko sa harap ng haybol ko. Tapos may mainit na sokolate na simula pa lang nung bata ako ay taon taon yata ko itong naiinom, kaya obese na tuloy ako dahil sa sokolate na yan. At siempre hindi mawawala sa mesa nila Ermat at Erpat ang hamon...hamon na bilog, hamon na haba, hamon na napanalunan ko sa raffle, hamon na bigay ng kapitbahay nila, hamon na bigay nung dealer ng Avon, hamon na bigay ng barangay, hamon na napanalunan ni Ermat sa perya at hamon na tira nung mga nag inuman kagabi. Mayroon ding quezo...quezo na bilog, quezo na haba, quezo na napanalunan ko sa raffle, quezo na bigay ng kapitbahay nila, quezo na bigay nung dealer ng Avon, quezo na bigay ng barangay, quezo na napanalunan ni Ermat sa perya at quezo na tira nung mga nag inuman kagabi.


Marami ring tinapay, gusto nyo malaman kung anong klase at saan galing yung mga tinapay? tinapay na bilog, tinapay na haba, tinapay na napanalunan ko sa raffle, tinapay na bigay ng kapitbahay nila, tinapay na bigay nung dealer ng Avon, tinapay na bigay ng barangay, tinapay na napanalunan ni Ermat sa perya at tinapay na tira nung mga nag inuman kagabi.

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT.

Sunday, December 12, 2010

food tripping sa haybol


Iyan ang maganda kapag kulang ka sa budget. Hindi ka nakaka-alis ng haybol.


Kaya kung ano na lang ang available sa ref (read: yung malapit nang mapanis) ay yun na lang ang gagawin mong tanpulutz.


Saan ka pa, binagoongan yan na puno ng liempo. Yung isa naman ay ang pinakamasarap na tapa na natikman ko.


Siempre bale wala lahat iyan kung walang katernong malamig na serbesa...sarap.


Saturday, December 04, 2010

Ermats etc



Paskong pasko na talaga ang klima sa pinas. Ang dami ko nang nakikitang naka saudi style na jacket. Ang maganda pa nito ay unti unti na ring napupuno ng krismas layts ang mga haybol. Nung minsan nga ay niyaya ko sina erpats at ermats na magbisita krismas layts kami. Ang dami kasing mga haybol na magaganda ang mga palamuti. Siempre tapos makabisita sa mga naggagandahan haybol, ang next naman namin agenda ay yung chibug. Isa rin ito sa mga kadugtong ng krismas ispirit. Hindi lang chibug kungdi nagsasarapang chibug. At kapag masarap ang bogchi, ang kasunod na niyan ay toma. 


Matapos naming maka chibug at kaunting toma ay kinuha ko na yung chit sa resto na pinasyalan namin. Nung marinig ni ermat yung salitang chit ay natawa siya. Sabi niya sa akin ay huwag mong isusulat yung mga salitang iyan sa blog mo dahil mahahalata ang iyong edad. Kasi nga naman puro ermat, erpat, chibug, toma, chit o kung minsan jefroks ang nailalagay kong salita sa blog. Kaya nung marinig ko sa ermat na pinagtatawanan niya ang lenguwahe ko ay tinignan ko siya ng direcho sa mata at sinabi ko sa kanya na "ELOW POH".