Saturday, December 04, 2010

Ermats etc



Paskong pasko na talaga ang klima sa pinas. Ang dami ko nang nakikitang naka saudi style na jacket. Ang maganda pa nito ay unti unti na ring napupuno ng krismas layts ang mga haybol. Nung minsan nga ay niyaya ko sina erpats at ermats na magbisita krismas layts kami. Ang dami kasing mga haybol na magaganda ang mga palamuti. Siempre tapos makabisita sa mga naggagandahan haybol, ang next naman namin agenda ay yung chibug. Isa rin ito sa mga kadugtong ng krismas ispirit. Hindi lang chibug kungdi nagsasarapang chibug. At kapag masarap ang bogchi, ang kasunod na niyan ay toma. 


Matapos naming maka chibug at kaunting toma ay kinuha ko na yung chit sa resto na pinasyalan namin. Nung marinig ni ermat yung salitang chit ay natawa siya. Sabi niya sa akin ay huwag mong isusulat yung mga salitang iyan sa blog mo dahil mahahalata ang iyong edad. Kasi nga naman puro ermat, erpat, chibug, toma, chit o kung minsan jefroks ang nailalagay kong salita sa blog. Kaya nung marinig ko sa ermat na pinagtatawanan niya ang lenguwahe ko ay tinignan ko siya ng direcho sa mata at sinabi ko sa kanya na "ELOW POH".


0 comments: