Saturday, January 01, 2011

the morning after


Nabigyan na naman ang mga party pipol na magwala, yan naman yata talaga ang ugali ng mga tao kapag may okasyon. Saan ka ba naman nakakita na magsasagad sa toma habang hinihintay ang paghihiwalay ng taon, tapos kapag sagad na sa alak ay magpapaputok naman ng goodbye philippines.

Sabagay minsan nga lang sa isang taon iyan. Ang nakakatuwa lang sa tradisyong ito ay yung pagpapalitan ng mga pagkain ng mga magkakapit-bahay.


Kaya ang laman ng mesa namin kagabi ay pancit na may mani, pancit na kulang sa gulay, pancit na lasang menudo, pancit na may lamang tirang fried chicken. Tapos may nagbigay din ng macaroni salad na kamukha at kalasang kalasa nung makaroni salad na pinamigay ko rin sa mga neighbor.


Ganito ang nangyari, nung nagpamigay ako ng ginawa kong macaroni salad sa mga neighbor, yung palang isang neighbor ko ang nakatanggap ng macaroni salad ay yung kasambahay nila. Hindi naman alam nung may ari ng haws na sa akin galing ang macaroni salad na iyon. Nung inutusan naman niya ang kanyang kasambahay na pagbibigyan din ng luto nilang macaroni salad kaming mga neighbor, ang naipadala sa kanya para ibigay sa aking macaroni salad ay yun din mismong bigay ko sa kanilang salad. Siempre natatakot kontrahin nung kasambahay yung amo niya at sabihing galing din sa akin ang nasabing macaroni salad. Kaya hayun nagbalikbayan ang macaroni salad ko. (take note: dun pa nilagay sa lalagyan na pinadala ko rin sa kanila).


0 comments: