Paano ko kaya marerevive yung 2003 model kong laptop, sayang kasi maganda pa ang panlabas na anyo niya. Nakapagtataka kasi, para nilagyan lang namin ito ng ilang pictures na kuha namin sa inuman, tapos bigla na lang siyang nag hang at ayaw na uli bumukas. Sinubok ko namang ireformat pero lagi siyang nabibitin, in short bago matapos yung reformat niya ay nagrere start na uli siya. Parang nagsimula lang ang problema nito nung pinagawa ko siya sa isang computer repair shop sa isang kilalang mall sa may west qc. Nasira kasi yung on/off button nung laptop ko kaya naisipan kong ipaayos dun sa nasabing computer repair shop. Matapos ang halos isang buwang pananatili sa kanilang shop ay nakuha ko rin ang laptop. Pero parang nagsayang lang ako ng pera, kasi ba naman idinikit lang pala nung mga tarantado yung on/off button, kaya halos isang linggo lang ay tanggal na uli ito. Ang masama pa nito ay nung tignan ko yung memory nung laptop ay napalitan pa ng iba na mas maliit ang RAM. Pinoy nga naman talaga. Hindi bale pinoy din naman ako kaya ang lagi kong konsulasyon ay sila naman ang magdadala nun at hindi ako. Pero mga BUWAKANG INA NYO, HUWAG NA HUWAG KAYONG MAGKAKAMALING MAGKASALUBONG TAYO SA PASILYO NUNG MALL, DAHIL KAPAG NANGYARI IYON AY ISUSUBO KO SA INYO NG BUO ITONG 2003 model kong laptop mga @#$% ng &%#@. Endayyyyy, akina nga yung micardis at aspirin ko jan.
Wednesday, March 09, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment