Saturday, May 28, 2011

chedeng is mercedez sa pinas

Yehey, sabado na naman at puede na ulit humilata maghapon habang nagbabasa ng ebooks. Pero siempre dapat umpisahan ang araw sa pag eehersisyo, kasi sabi nga ng mga doktor, an apple a day keeps the doctor alive...ganun ba yun. Pero paano ka naman makakapag ehersisyo (walking) kung ganitong masama ang panahon. Ibang klase talaga ang mga weather forecasters natin dito sa pinas, masyadong tinakot ang mga pipol. Kasi ba naman, lunes pa lang ata ay nasa news na ang malakas na bagyong (chedeng) na darating daw sa pinas. Ngayon lang yata ako nakakita na halos lahat ng tao sa pinas ay pinaghanda para sa isang malakas na bagyo. Sabi pa nung mga weather forecasters ay siguradong sa huwebes (may 26) ang landfall daw ng bagyong chedeng sa kamaynilaan. Hayun dumating ang araw ng huwebes at ang taas ng sikat ng araw...FAIL.

Saturday, May 21, 2011

this is the end...

Ngayon na raw ang katapusan ng buhay sa mundo, yun ang sabi nung mga lintek na propeta na kala mo ay may direct na kontak kay jesus kaya alam nila kung kailan mag eexpire ang haybu sa earth. Kaya ako bilang paghahanda na rin sa katapusan ng mundo, nilinis ko na ang buong bahay namin at pinagtatapon ko yung mga bagay/kalat na ilang taon na rin namang nakatengga sa haybol namin.

Pero teka, paano nga kaya kung sakaling dumating ang araw ng katapusan ng mundo. Hindi mo kasi masisisi yung iba jan, dahil sa nakita nilang malakas na lindol at tsunami sa japan. Puede talagang mangyari, pero parang masyado pang maaga para tapusin na ang buhay sa mundo. Kasi ang sabi nung iba ay sa dec. 12, 2012 pa. May gumawa pa nga ng pelikula niyan ay pinagkakitaan pa. At saka sana huwag munang matapos ang buhay sa mundo today, kasi may pinadala pa namang hilaw na karne ng kambing si pareng ferdie at pinapa adobo pa sa akin ngayon. Paano kaya iyon kung habang sinasangkutya ko yung kambing sa bawang, sibuyas, toyo at suka ay bigla ngang lumindol. Ah leche, kapag nangyari iyon, malamang mawalan ng pulutan yung mga tropa ko na kanina pa nag tetext sa akin kung luto na raw ba yung adobong bencabs.

P.S-Kapag nabasa nyo pa ang blog entry na ito bukas, ang ibig sabihin lang nun ay hindi natuloy yung...end of the world.

Saturday, May 14, 2011

the erms'

Yahoo, birthday na ni the ermat today, sigurado pula na naman ang mga hasang ng kids and neighbors niya. Bakit kaya ang mga noypi kapag bday ay obligadong maghanda. Wala namang masama sa paghahanda. Kaya lang kung mapapagod ka lang sa pamimili, pagluluto at pag eenterteyn sa mga bisita mo, parang hindi praktikal. Pero bakit ko ba poproblemahin yan, hindi ko naman okasyon yan. Isa lang naman ang problema ko kapag may dumarating na kaarawan sa mga oldies at nearest kin ko...yung gastos. Kasi tuwing may sumasapit na kaarawan sa mga ka tribu ko, ang madalas madisgrasya sa gastusan ay ako at yung si agent OS (our US asset).

Wednesday, May 11, 2011

ho-hum

Walang kabuhay-buhay, yes yan ang eksaktong sinabi nung isa sa mga nakipanood sa akin nung laban ni "you know" at nung sikat na runner. Ang dami pa naman naming inihandang chibug at inuming nakakaloka. Kasi nga bukod na sa mother's day ay parang fiesta kasi talaga ang atmosphere kapag may payt si cong (short for cong).

Sayang hindi ko pa naman pinanood ang mga pre fights ba tawag doon o curtain raiser. Yun bang mga hindi pa kilalang fighter na pampaubos pa lang ng oras. Busy kasi ako noon sa pagluluto at pagtilad ng yelo. Hindi lang kami ang nakapansin na walang kabuhay-buhay ang laban. Yun kasing mga naunang laban ni "you know", pagkatapos ng laban ay halos isang buwan na ang nakalipas ay pinag-uusapan pa rin sa mga barberya at mumurahing parlor.

Ang mabigat pa nito matapos ang walang kabuhay-buhay na laban, kaya hindi na rin ito napag-usapan sa mga barberya at mumurahing parlor ay dahil bigla namang nag anusyo sa tv itong si swarcherneger, swarseneger, swarsheneger ah basta si arnie na hiwalay na raw siya sa kanyang asawa...yan ang NEWS.

Sunday, May 08, 2011

happy mother's day

Nung araw naririnig ko lang yung kantang " sa iyo ang alak, sa iyo ang pulutan...happy happy happy birthday". Pero ngayon tapos na ang birthday ko bakit ganoon pa rin ang naririnig kong kinakanta tuwing makikita ako ng mga tropa ko sa kuwadradong mesa. Dahil ba may laban na naman ang premyadong pinoy boksingero na inampon na ng mga kano at itinuring nang "long lost kamag-anak" ng mga politiko natin. Sabagay sabi nga ng iba, kung gusto mong dumami ang mga TUNAY mong kaibigan, dapat damihan mo muna ang pera mo.

Neweis, wala namang masamang maghanda, lalo na't kapag may laban si "you know". Kasi parang isang malaking reunion talaga sa pinas kapag manonood kayo ng laban niya. Kaya nga kami dito sa haybol ay disperas pa lang ng laban ay wala ng tigil ang lutuan. Mapa agahan (sampurado), mapa tanghalian (kare-kare, mechadong matigas ang laman na baka, inihaw na manok, steam pla-pla na ilado) at mapa pulutan (YAHOOOOO!!!!).

Ang mabigat lang nito pati inumimg nakakalango (ice cold serbesa) ay sagot ko pa rin. Sabagay ang paniwala ko naman sa sarili ko ay kapag madalas akong mag abono ay madalas din naman ang balik ng biyaya sa akin. Kaya lang ang paniwala naman nung mga buraot ko, ay uto-uto daw ako. Pero hindi bale, kasi yun namang handa namin ngayon ay parang "hitting two birds with one stone". Kasi puede kong maconvert yung mga niluto namin na kunyari ay regalo ko kay mommy, kasi mother's day din ngayon...panalo.