Nung araw naririnig ko lang yung kantang " sa iyo ang alak, sa iyo ang pulutan...happy happy happy birthday". Pero ngayon tapos na ang birthday ko bakit ganoon pa rin ang naririnig kong kinakanta tuwing makikita ako ng mga tropa ko sa kuwadradong mesa. Dahil ba may laban na naman ang premyadong pinoy boksingero na inampon na ng mga kano at itinuring nang "long lost kamag-anak" ng mga politiko natin. Sabagay sabi nga ng iba, kung gusto mong dumami ang mga TUNAY mong kaibigan, dapat damihan mo muna ang pera mo.
Neweis, wala namang masamang maghanda, lalo na't kapag may laban si "you know". Kasi parang isang malaking reunion talaga sa pinas kapag manonood kayo ng laban niya. Kaya nga kami dito sa haybol ay disperas pa lang ng laban ay wala ng tigil ang lutuan. Mapa agahan (sampurado), mapa tanghalian (kare-kare, mechadong matigas ang laman na baka, inihaw na manok, steam pla-pla na ilado) at mapa pulutan (YAHOOOOO!!!!).
Ang mabigat lang nito pati inumimg nakakalango (ice cold serbesa) ay sagot ko pa rin. Sabagay ang paniwala ko naman sa sarili ko ay kapag madalas akong mag abono ay madalas din naman ang balik ng biyaya sa akin. Kaya lang ang paniwala naman nung mga buraot ko, ay uto-uto daw ako. Pero hindi bale, kasi yun namang handa namin ngayon ay parang "hitting two birds with one stone". Kasi puede kong maconvert yung mga niluto namin na kunyari ay regalo ko kay mommy, kasi mother's day din ngayon...panalo.
0 comments:
Post a Comment