Monday, June 07, 2010

yahoo to hooya to yahoo ulet

Susana bagets, kala ko pa naman fiesta time na uli nung kunin namin yung padalang laptop ni agent OS (our U.S asset). Kasi ba naman ang sabi niya, ang ipadadala lang daw niyang laptop ay yung mga iniwanan na ng mga egoy sa basurahan. Kaunting linis lang naman kasi iyon ay para na ring bago. Pero nung makita ko yung padalang laptop ay laking gulat ko. Kasi obags na obags pala, may sense of humor din talaga itong si agent OS.


Neweis, nung makuha na nga namin (yes, namin-two kasi kaming kumuha) ang nasabing item ay dali dali naming iniwan ang lugar kung saan nagka abutan ng item. Sa loob ng sasakyan ay binuksan namin ang laptop at viola, blank lang ang screen. Whathappenmydear? para kaming nabuhusan ng malamig na tubig. Kasi nakakasa na yung serbesa sa ref bago pa man kami umalis at plano pa naming umiskor ng benkabs sa commonwealth para may tanpulutz.


So ang masaya sanang pagdating ni laptop ay napalitan ng kaunting poot, galit, pag-aalala, kawalan ng tamang pag tulog, kawalan ng ganang kumain at higit sa lahat kawalan ng ganang uminom ng malamig na serbesa. Pero ano nga ba ang nangyari bakit nagkaganoon si laptop? Una-baka nakalog sa erplane, dahil walang ingat ang mga nagkakarga ng bagahe; Pangalawa-baka lowbat lang kaya dali isaksak; Pangatlo-Oops, ano ito? 125 volts ang nakalagay sa wire pero may adapter na 100-240 v; Pang Apat-Siguro kailangan munang ipahinga, dahil baka na stress sa biyahe.


Huwahhhhh!!!anim na oras ko nang sinusubukang buksan, pero blank screen pa rin. Punta nga sa google at itype ang model nung laptop at enter yung help. Ayun, alisin ko daw ang baterya at pindutin ng ilang segundo ang power. Isaksak ang wall power (AC?) pero huwag muna ang baterya, tapos pindutin uli ang power. Pag bumukas ay...wahhhhh, blank screen pa rin. (kumakalabog na ang puso ko at naggagalawan ang mga ugat sa ulo ko). Ito pa isang instraction, intrution, instruction ah basta ito pa isang sabi dun sa internet...kung ayaw pa ring bumukas o itim pa rin yung "TV" nung laptop, kabitan ng ibang monitor (external), kapag bumukas sa external monitor, maaring sira ang lcd ni laptop. Huwahhhh uli, huwag naman sana...please. Ayun bumukas, pero sa external monitor lang puede, ngayon ang sunod na sabi dun sa internet, suriin kung sira ang inverter o nag loose. Ah labas na ako diyan, sige buksan mo pa yung dalawang malamig na serbesa at bukas na natin isipin kung ano ang mainam diyan sa...e22loy.

Tuesday, June 01, 2010

4-6-20-47-49-52

Buti na lang kahit na miss ko yung tugtugan nung jdlc band sa tiendesitas ay humirit pa sila ng isa pa ring tugtugan. Ito naman ay ginanap sa my brother's mustache. Kaya lang nga, hindi ito jdlc band kungdi wally and friends. Kasi wala doon si tatang mike (o kay sarap namang isipin...o kay sarap namang tignan). Pero parang kalahati na rin ito ng jdlc band, kasi kasama naman dun sa wally and friends si tatang joey (kung nakinig ka lang sa akin noon...hindi na sana nagyari ito ngayon).

Ang maganda pa nito, bukod kay tatang joey at wally, may hatak pa silang mga chiching na puro white leghorn ang lahi. Ika nga pinay na puti, dalawa yung sumampa sa entablado, isa na roon yung ala meg white pumorma na drummer at isang singer na nasobrahan ata sa gin bulag (tequila to them). Siempre pa hindi mawawala yung mga hippies na laging nakaungaong sa mga tugtugan ni tatang wally at joey.

Iba pa rin talaga kapag mga agila ang nasa ibabaw ng entablado, tonohan pa lang ay kala ko simula na ng "x'cuse me while i kiss the sky". Napasarap tuloy ang toma namin nung kasama kong rockers na buraot. Sa sobrang enjoy nga ay panay ang kuha ng pictures dun sa cellphone niya, pangyabang baga sa fb account.

Ang masama lang ay nung maparami na ang naiinom namin, para bang biglang nabigyan namin ng pansin yung chiching na drummer. Noon ko lang kasi napuna ito, ilang beses ko na ring napanood si wally na ito ang pumapalo sa kanya. Pero nung gabing iyon ay tila lumakas yata ang amat ko kaya napuna ko siya.  Sabagay wala namang masamang tumingin sa maganda, seksi at magaling pumalo ng drums. Pati nga yung kumanta ng CCR na chiching, kahit medyo sumobra ang awit niya kahit hindi pa dapat pumasok sa tugtog ay pinalusot na rin namin...seksi eh.

Neweis, ayokong mangarap ng naka inom, pero isa lang ang obserbasyon ko, kapag si tatang wally ang nasa entablado...puro anak ng cono at cona ang mga hila hila niya sa entablado. Kanya kanyang suwerte iyan eh...more...more...more...

Wednesday, May 26, 2010

add as friend

Waaaahhhh, alas nuebe na nandito pa rin ako sa haybol. Isang oras na lang at sasalang na ang juan dela cruz band sa tiendesitas. Kasi naman bakit tinapat pa nilang miyerkules ang libreng tugtog nila sa nasabing lugar. Puede naman iyong gawin biyernes para mas marami ang makapanood dahil kinabukasan ay walang pasok sa opis. Hindi naman kami mga bossing sa opis para puedeng tanghaling pumasok o kaya ay mga business pipol na kahit hindi dumating sa opis ay makakachibog pa rin ng tatlong beses isang araw.

Ang ganda pa naman sana ng plano ko tonite, uupo ako malapit sa stage na pag gaganapan ng free concert ng jdlc. Oorder na malamig na serbesa, yung pula hindi puti at saka isang sizzling sisig. Tapos kapag nagsimula na yung free concert ay saka uunti untiin kong tutunggain yung isang boteng malamig na serbesa ko. Eksato yun bago makatapos ng set ng jdlc ay ubos na rin yung isang boteng malamig na serbesa ko at siempre pa may tirang sisig. Monay na lang ang katapat nung tirang sisig pag-uwi ko ng haybol para mag midnight snack.  

Nagpagawa pa naman ako ng tshirt (kulay black) na may tatak na juandelacruz@yahoo.com tapos sa ilalim ay may add as friend. Yun pa naman sana ang plano kong isuot ngayong gabi sa free concert. Pero teka parang hindi ko yata nakikita ang nasabing tshirt ko, pinalabhan ko na ito nung isang araw, isang suot ko pa lang ang tshirt na iyon. Nasaan na kaya siya, hindi kaya nasikwat na naman nung mga pumapasok dito sa looban namin at nagpapanggap na magtataho? Waaaahhhh, alas nuebe na, bigla ko pang naalala na nawawala yung bagong tshirt ko. Busettt!!!

Saturday, May 22, 2010

where am i

Susana bagets, muntik ko nang hindi mabuksan tong blog account ko. Kasi naman bakit dapat pang habaan ang mga passwords ganung ako lang naman ang gagamit nitong blog ko. Wala namang interesadong bumasa ng mga laman nito. Si kuya bill naman ay busy na sa kanyang bagong bisyo, yun bang maging pilantropo. Kaya nagtataka ako kung bakit sinabihan pa akong palitan ko raw ng malakas na password ang aking blog account. Hayun kapapalit ko ay nalimutan ko tuloy. Buti na lang at hindi ko pa naitatapon yung tissue na ginamit namin dun sa beershaus. Doon ko kasi isinulat yung bago kong password...moral lesson, huwag magpapalit ng mahabang password kapag tumotoma...busetttt!!!


Sunday, May 09, 2010

TFF

Susana bagets hindi pa rin ako makarekober dun sa naganap na tears for fears na concert. Paano ba naman, kala ko osla na sila kaya bigla silang napasyal sa pinas. Alam nyo naman ang mga international artist, kapag osla na sila dun sa mga lugar ng mayayaman ay saka lang pumupunta dito sa atin para mamalimos ng kaunting barya.

Kaya ganun na lang ang gulat ko nung naghahanap ako ng tiket na medyo mura pero halos matalsikan na ako ng laway nung tumutugtog na banda. Laging gulat ko nung sabihin sa akin nung ale na ubos na raw yung tiket na halos kita mo na yung bakat na yagbols ni orzabal. Pero teka sabi ko sa ale, hindi na naman sikat yan bakit ang bilis maubos ng tiket?. Uso pa rin ba ang iskalpel sa araneta? Hindi bale, ano pa ang available na tiket...yun na lang pong GA...GA as in OGAGS? hindi po, GA as in Gabundok Akita.

In short, dun ako sa tuktok na halos abot ko na yung kisame nung araneta...di bale na lang oy, sa inyo na lang yang TFF nyo. Magtitiyaga na lang ako sa plaka nung dalawang majondang musikero at bibili ako ng malamig na serbesa.

Babalik pa kaya uli sila rito para makabili agad ako ng tiket, kahit dun man lang sa UB.