Buti na lang kahit na miss ko yung tugtugan nung jdlc band sa tiendesitas ay humirit pa sila ng isa pa ring tugtugan. Ito naman ay ginanap sa my brother's mustache. Kaya lang nga, hindi ito jdlc band kungdi wally and friends. Kasi wala doon si tatang mike (o kay sarap namang isipin...o kay sarap namang tignan). Pero parang kalahati na rin ito ng jdlc band, kasi kasama naman dun sa wally and friends si tatang joey (kung nakinig ka lang sa akin noon...hindi na sana nagyari ito ngayon).
Ang maganda pa nito, bukod kay tatang joey at wally, may hatak pa silang mga chiching na puro white leghorn ang lahi. Ika nga pinay na puti, dalawa yung sumampa sa entablado, isa na roon yung ala meg white pumorma na drummer at isang singer na nasobrahan ata sa gin bulag (tequila to them). Siempre pa hindi mawawala yung mga hippies na laging nakaungaong sa mga tugtugan ni tatang wally at joey.
Iba pa rin talaga kapag mga agila ang nasa ibabaw ng entablado, tonohan pa lang ay kala ko simula na ng "x'cuse me while i kiss the sky". Napasarap tuloy ang toma namin nung kasama kong rockers na buraot. Sa sobrang enjoy nga ay panay ang kuha ng pictures dun sa cellphone niya, pangyabang baga sa fb account.
Ang masama lang ay nung maparami na ang naiinom namin, para bang biglang nabigyan namin ng pansin yung chiching na drummer. Noon ko lang kasi napuna ito, ilang beses ko na ring napanood si wally na ito ang pumapalo sa kanya. Pero nung gabing iyon ay tila lumakas yata ang amat ko kaya napuna ko siya. Sabagay wala namang masamang tumingin sa maganda, seksi at magaling pumalo ng drums. Pati nga yung kumanta ng CCR na chiching, kahit medyo sumobra ang awit niya kahit hindi pa dapat pumasok sa tugtog ay pinalusot na rin namin...seksi eh.
Neweis, ayokong mangarap ng naka inom, pero isa lang ang obserbasyon ko, kapag si tatang wally ang nasa entablado...puro anak ng cono at cona ang mga hila hila niya sa entablado. Kanya kanyang suwerte iyan eh...more...more...more...
0 comments:
Post a Comment