Friday, June 11, 2010

yahoo to hooya to yahoo ulet...part 2

Lahat yata ng trouble shooting ginawa ko na dito sa laptop, bunutin ang baterya, pindutin ng ilang sigundo ang power at saka buksan muli ang computer gamit ang saksakan na pang wall outlet. Buksan ang likod at bunutin ang memory card para ma reset ang computer. Pindutin ang f8 para lumiwanag ang screen monitor. Kung madilim pa rin ang screen, gumamit ng external monitor para malaman kung may depernsya ang laptop screen. Wala lahat silbi...nag research ako sa mismong website nila ng iba pang troubleshooting, re: laptop model at dun ko nalaman na kung walang magandang resulta ang mga nauna kong ginawa ay baka ang may problema ay yung backlight o inverter.

Sa parteng ito ay ayoko nang kalikutin ang laptop dahil medyo mabusisi na ito para sa akin (kahit alam kong buksan at kalikutin ang laptop). Kaya nagpasya akong dalhin sa service center sa isang mall sa north edsa (trinomall?).

Pagdating doon sa service center ang sabi agad sa akin nung chiching na kausap ko ay sira daw ang lcd monitor. Kung papalitan ko daw ito ay nagkakahalaga ng 17, 000+ (yes seventeen thousand plus). Ang sabi ko dun sa gagang kausap ko, under warranty pa ito. Ang sabi niya ang sakop lang daw ng warranty nila ay yung mga binili sa asian countries. Pero kung canada at sa U.S.A daw binili ay hindi raw nila sakop at kailangan ko daw iship ang laptop uli sa tate.

Ok lipat ako sa isa pang gawaan ng laptop sa SST (tandaan nyo ang pangalan nito). Ang sabi nung mamang kausap ko ay may diagnostic charge daw sila na 400 pesos. Kung sakaling sira naman daw ang inverter ay papalitan ito sa halagang 3,500. Paano ko malalaman kung sira ang inverter?. Ang sabi nung kausap ko, iwan ko daw ang laptop at balikan ko after 7-10 days para malaman kung sira ang inverter. Inverter lang 7-10 days? kung may gamit lang ako baka kanina ko pa binuksan yung laptop.

Kaya ang last resort ay puntahan ko yung gumawa ng luma kong laptop dun din sa nasabing mall sa north edsa. Pagdating doon ay sinabi ko na agad sa gumagawa na dun na lang kami magconcentrate sa inverter o backlight. Baka kasi nag loose lang ang connection o na stress lang sa biyahe (jet lag). Binuksan ni kolokoy yung laptop kahit kinakabahan siyang baka raw ma void ang warranty. Sabi ko wag mo nang isipin ang warranty basta ang mahalaga ma reset natin ang inverter dahil baka nag loose lang. Yun na rin naman ang nabasa ko dun sa troubleshoot site nila.

After one hour...YAHOO, bumukas na, kaya sabi ko ibalik na lahat ng takip para makalayas na ako. Nung maibalik ang takip at lahat ng abubot sa laptop ay sinubukan uli naming buksan...HOOYA, ayaw na namang bumukas at blank screen na naman. Ika nga ni zorro, back to zero. Kaya ang naisip kong solusyon at lagyan ng electrical tape yung inverter at yung kinakabitan ng video card....YAHOO, uli dahil ok na siya (my fingers are crossed-dahil under observation pa rin ang laptop)...total gastos? P300.00 pesos pang jollibee nung nerd na geek o geek na nerd, whatever. P.S-this blog was written using the laptop na. 
 

0 comments: