1. bakit ba ang mga amerikano ay john ang tawag sa ihian (comfort room) nila, puede kaya nating tawagin jing ang ihian ng mga noypi?
2. totoo ba na mas magaling daw ang pinakuluang makahiya kaysa viagra kapag ayaw nang mag flag ceremony ang etits mo?
3. kaya ba tinawag na bahay toro yung isang lugar sa quezon city ay dahil ba maraming motel nung araw dito?
4. bakit kaya ang madalas magsuka sa inuman ay yung mga hindi nagbibigay ng share.
Saturday, July 29, 2006
more on john
paano kaya kung may john and marsha pa rin ngayon sa rpn 9? paano kaya ang magiging litanya ni Dona Delilah, siguro ganito na ngayon...kaya ikaw john mag sumikap ka, hindi yung puro ka na lang computer, panay ang i-pod mo, wala ka nang ginawa kundi mag download sa morpheus, panay ang sundot mo sa pocket pc mo at ayaw mong tigilan ang paglalaro mo ng x-box, playstation etc etc, wala ka nang ginawa kundi mag blog etc etc...pag lumabas ka naman ng bahay panay lang ang dota mo, magsumikap ka.
Friday, July 28, 2006
fek
Kuha ito sa 8 waves sa bulacan, parang nauuso yata yung mga resort na may pekeng alon, sabagay dito sa pinas nakakalusot naman lahat ng peke. May pekeng (cloned?) sapatos (neki) pantalon (lives) kotse (minsan sentra) SUV (parejo) DVD at pekeng mmmmmmm....nonononono ayoko baka mapalaot tayo...may nagtatanong nga sa akin kung ano raw ang puedeng ipangalan sa bubuksan niyang resort, ang sabi ko maganda siguro ipangalan niya ay Tidal Wave Resort o kaya naman Tsunami Resort...speaking of DVD, nakahiram ako dun sa nagbebenta ng DVD sa baba ng opis namin na kung tawagin niya ay DVD9, ito raw yung may 8 pelikula sa isang DVD (8 movies + 1 DVD disk=DVD9), ang nahiram ko pa naman ay yung john and marsha, yes 8 puruntong series, maganda sana yung picture kaya lang "nagha hang" lagi, kaya di mo rin ma enjoy yung palabas, ang gusto ko pa naman sana dun ay yung part na litanya ni Dona Delilah-"magsumikap ka etc etc". Di bale papalitan ko na lang ng tangtarangtang (bitoyyyy nukso ng nuksoooo...nukso ng nukso) series baka mas maganda ang kopya nito.
Tuesday, July 25, 2006
texas flood
mga puedeng gawin kapag may bagyo at baha
1. puede kang pumasok sa opis ng hindi naka uniform
2. puedeng dumating sa opis kahit alas diyes medya dahil maulan at traffic
3. maisusuot mo na yung makapal na leather jacket na amoy tupa na pasalubong ng tropas mo galing saudi
4. ok lang ang flip flops na galing sa 168 mall dahil baha naman
5. lagyan ng anim na shot na empe ang wine flask mo at baunin mo sa opis...SOSYAL
6. o kaya naman huwag ka na lang pumasok para naman makapag...
7. tampisaw ka sa baha kasama ang gerlfreng mo habang lumalantak ka ng inihaw na isaw
8. ayain ang tropas mo na ilublob nyo sa baha ang mga paa nyo na may sugat at una-uanahan kayong kapitan ng bubonic plague
9. umecha ka sa likod ng bahay mo at hayaan mong tangayin ng baha ang tache mo para maging piece of conversation ng mga tambay sa kanto
10. manghuli ka ng palakang araneta (dalawa ha) at itali mo pareho tapos ibato mo sa kuryente ng poste
11. itali mo na rin si muning at isama mo na rin
12. buksan mo yung karton na pinaglagyan ng ref nyo na itinabi pa ng nanay mo kahit limang taon na ang nakakaraan, may makukuha ka dung styrofoam, puede mo itong gawin bangka at mag flood rafting ka. menos yan kesa dumayo ka sa cagayan de oro
13. linisin mo yung 3210 mo na hindi na gumagana, tapos uminom ka sa tindahan at pagkatapos iwanan mo dun ung cell phone, sabihin mo babalikan mo rin agad nalimutan mo lang magdala ng cash
14. kung ayaw mo namang lumabas, hanapin mo yung mga luma mong tiktik at magkulong ka sa banyo...BASTOS
Monday, July 24, 2006
a tribute to plekyut
may isang mama na naglalakad sa forest with his pet nang biglang dumilim na parang uulan ng malakas, takbo ang mama sa nag iisang bahay sa forest (put psycho soundtrack here). pagdating niya sa bahay ay naki usap siya sa aleng kuba na iisa ang mata at magulo ang buhok...eto ang naging pag uusap nila:
mama: magandang hapon po ale puede po bang maki tuloy sandali sa bahay ninyo at magpapalipas lang po ako ng dilim?
ale: puede manong kaya lang ay hindi mo puede isama yang alaga mo sa loob ng bahay.
mama: bakit naman po mabait naman po ang alaga ko.
ale: bawal kasi ang mga pet dito sa loob ng bahay namin dahil may alaga akong aso at baka lapain yang alaga mo...bat ba ganyan ang hitsura niyang alaga mo parang malnourish ang laki ng ulo at ang payat ng katawan.
mama: ganyan lang ho talaga yan, kung gusto nyo manang paglabanin na lang natin ang alaga ko at yung alaga mo, kapag nanalo ang alaga ko ay papayagan mo na rin siyang patuluyin sa bahay mo.
pumayag ang ale at kinalas ang kadena ng malaking aso niya at pinaglaban nila ang kanilang mga alaga...maya-maya pa ay binabalatan ng buhay ng alaga ng mama ang malaking aso ng ale:
ale: ang tapang pala n'yang alaga mong aso kahit papayat payat ay malakas.
mama: aso? hindi po aso itong alaga ko, leon po ito inahitan ko lang ng balahibo...(enter canned laughter)
note: this is one of the tried and tested ice breaker whenever we have a drinking session in libis talisay kalookan as told and re told by plekyut (ple and kyut kyut mo) and that always brings the house down. plekyut-a former OFW from greece is now in a detox (rehab to some) clinic somewhere in bicutan upon the advice of his imaginary friend "papus", a greek citizen.
walang pasok
yehey ang ganda ng gising ko kasi pag bukas ko ng telebisyon ang una kong pinuntahang istasyon ay yung nagpapalabas ng balita sa umaga at viola binanggit dun na walang pasok, salamat kay gloria (international name ) or glenda (para sa pinas).
Sunday, July 23, 2006
Saturday, July 22, 2006
burn tayo
mga tol baka may naitatabi kayong cd na 461 ocean boulevard ni eric clapton ito yung naglalaman ng mga kantang motherless children, give me strength, willie and the hand jive, get ready, i shot the sheriff, i can't hold out, please be with me (cover version), let it grow etc., pakopya naman nyan, (call me at tel. no. 5319001). aktuwali may plaka ako nyan...dapat nagkaroon ako ng cd nyan nung alaw (nung alaw yun) kasi itinimbre sa akin ng utol ko yan na may nakita daw siyang kopya sa isang music store sa robinson sa ortigas, ang kaso wala ako sa mood maglabas ng bread nun kaya may nauna sa aking nakabili, sinabi pa nga nung tinderang payat ang itsura nung nakabili, mahaba daw ang buhok, naka bell bottom na maong medyo payat, naka long sleeve na polong puti, balbas sarado at lagi raw naka halukipkip (what is thatttt?), ah ok sabi ko dun sa sales lady kilala ko na yun.
song hits
tiger in a spotlight at c'est la vie ng E.L.P
sex with your parents (motherfucker part 2) ni lou reed
i'm goin' home ng ten years after
jessica at breach of lease ng bloodrock
tom sawyer ng rush
ain't nobody but me (live in paris) ng supertramp
no quarter ng led zeppelin
almost cut my hair (uncut studio version) ng CSNY.....
sex with your parents (motherfucker part 2) ni lou reed
i'm goin' home ng ten years after
jessica at breach of lease ng bloodrock
tom sawyer ng rush
ain't nobody but me (live in paris) ng supertramp
no quarter ng led zeppelin
almost cut my hair (uncut studio version) ng CSNY.....
Tuesday, July 18, 2006
You'll lose your mind and play...shine on your crazy diamond
very bad mukhang totoo na nga, dalawa na ang nagbalita sa akin na patay na si syd barrett, una ko itong narinig kay pareng ipe nung sabado sa ginanap na beerday ni pareng algene, nabasa nya raw sa jaryo, sigurado ko sa star nya nabasa yun dahil regular bumili ang erpat nya ng jaryo, dun kasi sa jaryo ko hindi ko nabasa yun, dun ba sa jaryong sagad, hindi kasi sila nagbabalita dun ng masama...tapos si pareng jun naman nag email din sa akin na dedbol na nga si syd barrett...teka sino nga ba si syd barrett...ito yung isa sa original na member ng pink floyd kasama si roger waters, nick mason at richard wright tapos nasingitan ni david gilmore kaya nagmaktol si pogi humiwalay sa banda...may nagtatanong nga dati sa akin, si syd barrett daw ba ang tatay ni leif barrett? NO... si leif kasi hindi barrett ang surname nya kundi garrett medyo nagkaroon lang ng typo error dun sa 70's typewriter. di pa kasi uso yung pambura na parang puting kyutiks kaya may nakabasa minsan ang nakalagay ay leif barrett...ito yung kumanta ng when i think of you (nabubuko tuloy akong hilaw na rocker nito) ang katunggali dati nyan sa pa pogian ay si shaun cassidy yung kumanta naman ng da doo ron ron at ang nag produce ng album ni shaun cassidy ay si michael Lloyd (hindi Floyd) kaya siguro akala nung iba ay may relasyon ang pink floyd sa dalawang (leif and shaun) pehips na yan. ang duda ko nga jan kay leif garrett ay anak yan nung laging naka hawaiian shirt na si steve mc garrett, ang original na baywatch. hanep nung araw sa tv yan makita mo pa lang yung opening ng malalaking alon upo ka na agad sa harap ng tv set, ang maganda pa nun natatapos mo talaga yung palabas dahil hindi ka palipat lipat ng channel, eh wala pa kasing remote control nun at paano kang magpa palipat lipat ng channel e lilima lang ang istasyon nun yung dalawa laging mukha pa ni makoy ang makikita mo, tapos pag walang maipalabas sa umaga yung tv station, re-replay pa yan o kaya yung bang mga concert nung araw na laging paningit tuwing umaga sa tv pang ubos ng oras sa mga matatanda, pero di nila alam inaabangan namin lagi dati ito, dagdag trip din sayang...jan ko napanood si jim croce na ang laki ng mata pero hindi maidilat, tapos yung allman brothers na puro din nakatakip ng buhok ang mukha, siguro dun ginaya ni slash yung style ng bangs niya na abot hanggang bibig...dun ko din napanood yung BTO, sayang nga lang wala pa kaming beta tape nun hindi ko tuloy na record, classic na rin yun...si syd barrett? di ba sabi nyo patay na? bakit pa natin pag uusapan, paglamayan na lang natin yan patawag kayo ng sakla tapos pa score tayo ng kalahating kahong malamig na erbuk saka natin isalang yung mga plaka nya at pakinggan ang mga lyrics na ginawa nya tapos...
Monday, July 17, 2006
i dont like mondays...tell me why
lunes na naman ang dami na namang work, pero ok lang dahil yung work ko naman sa labas ng opis kaya iba iba ang nakikita mo, para ka lang tuloy namamasyal, kaya lang sa kagustuhan kong maraming matapos na trabaho, nalimutan ko nang tsumibog ng tanghalian, naalala ko lang nung mapadaan ako sa isang pares pares na malapit sa la loma, ang daming kumakain jan, madalas kaiinin jan yung pares...siempre pa ano ka ba?...pero ako pag nadadaan jan ang nilalantakan ko ay yung chopsuey nila, kasi masarap marami talagang sahog, ang lapit ba naman sa blumentritt nyan eh ang daming mong makukuhang gulanit na gulay dun sa tabi ng daan...mag alaga ka nga ng rabitt, rabbit, harre, haree...gademet... kuneho na nga lang, jan sa may blumentritt market, kita mo isang buwan lang patay yun kuneho dahil sa impatso sa dami ng nalaklak na gulay...tapos nagawi ako sa may karuhatan, jijingle sana ako dun sa may gasolinahan na may parang logo ng sheriff, susanroces pag pasok ko sa tacobeach nila ang daming flying saucer na nakalutang, pati etits ko lumiit (ok yun ah may rhyme pa-etits lumiit) kaya nawalan na ako ng ganang juminggol, hoy mga tol, linisin nyo naman yan para kayong mga adik sa tache nyan, nami miss nyo ba itsura nyan kaya ayaw nyong palubugin sa kingdom come ang mga %&*$@# nyo? BUSSETTTTT hindoropot.
Sunday, July 16, 2006
saturday in the park...
Saturday in the park, youd think it was the fourth of july, parang ganun yata yung lyrics nun na kanta ng chicago, pero para sa mga tropas iba ang lyrics nun, saturday kina algene, drinking on the 15th of july, yes dahil natuloy din ang beer or more beer namin kagabi, ika nga ni itoy (sino yun?) masakit na ang ulo ko, uwe yes uwe na tayo, paano ba namang hindi sasakit ang ulo niya eh sankaterbang erbuk yung nilaklak niya. ang dami ring tanpuluts kagabi, may baked mushroom with grated mozarella cheese na gawa ni pareng jun, chicken feet in special sauce na luto ni mommy belen (masarap din gumawa ng atsara yan), sisig na binili ni pareng serio, chicharon para sa mga highblood at siempre pa beer or more beer. nung una nga medyo kamustahan muna, ganyan naman talaga sa harapan kunyari concern muna kayo sa isat-isa, pero lahat naman nakatingin sa bote dahil kapag tumungga ang isa at humingi ng refill tunggaan na rin yung iba, baka kasi maubusan ng erbuk, eh paano kung hindi na uli bumili yung may beerday di bitin ka, neweys maganda naman ang mga kuwentuhan... uulitin ko kuwentuhan hindi kulitan, tapos nabanggit ni pareng algene si bagong (o anong nangyari?) isa sa mga tropas namin na nasa yemen, nakaka email pa rin niya ito kahit marami na raw pera...dumating din si gary boy dun na nag hapunan tapos lumaklak ng beer lights at nag bilyar, opo may bilyaran na rin dun pero exclusive for members only yun hindi puedeng maglaro ang mga outsider dun at baka takuin kayo ni gian. siempre pa hindi matatapos ang erbukan kung walang piktyuran, dun na kami biglang sumaya, kasi ba naman may mga kuha kami na may lumalabas na orbs, sabi ng iba yung orbs daw ay mga spirit in the form of balls, pero technical explanation naman ng iba ito raw ay ray of lights lang na nag bounce kapag may flash ang camera mo. pero para sa akin orbs or no orbs ang mahalaga may malamig na serbesa kami at kasama mo ang mga tropas mo na kung ilang taon na rin naman kaming nagkakasama may pera o wala. people reaching, people touching, a real celebration...back to itoy, sino nga ba siya, si itoy ay yung tinatawag ng mga medical practitioner na may mental infantilism syndrome yung bang medyo mama ka na pero isip at kilos bata pa rin. pero hindi ito retarded ha, dahil normal ang itsura niya at malakas uminom ng erbuk, kasa-kasama ni pareng serio yan sa mga lakad niya, ika nga ng mga pipol ang tawag jan ay close in security, mabait naman siya dahil nga isip bata, kaya pag pinagmasdan mo ang mga kilos niya, minsan masasabi mo na mas suerte si itoy dahil wala siyang problema at walang paki-alam sa mundo. salamat nga pala kay the mole at barbara ann o babalaba ng rock 990 dahil binati nila si algene sa ere at pinag-bigyan yung request namin na all i can do ng savoy brown. You've gone away I'll get by somehow just right now all I can do is cry all I can do is cry...I keep searching for an answer as I sit here in my lonely room till I find a reason to keep living all I can do is cry all I can do is cry all I can do is cry....Yeah
Saturday, July 15, 2006
tonights the night
yahooha ngayong sabado gagawin ang birthday ni pareng algene, sigurado sagaran ito kasi walang sokpa kasbu puedeng kumapit sa unan hangang mag rocknroll sa ulan.
bahay alak
hanep kagabi napasyal na naman ako sa isang inuman jan sa bandang ULTRA ito yung kita mo sa ibaba ang isang middle class na subdivision at tanaw mo naman yung bundok ng antipolo, ang tagal ko nang hindi nagpunta dito kasi suplado mga waiter, kapag naupo ka sa malapit sa bangin pilit kang pinalilipat, kala ko nabago na ang style ng mga waiter kaya pinasyalan ko uli ang inumang ito, pero bad trip ganun pa rin sila, kaya para maiwasan ang kunsumisyon ko, lumipat na lang kami ng mga opismeyt ko sa isang inuman naman na malapit sa home depot, maganda yung lugar apat na palapag at kamukha ni popeye ang mga bihis ng mga waiter at waitress, masarap yung kilawing tanigue nila kaya lang masyado konti sa halagang P160.00, sa lugar kasi namin kapag ganun kamahal ang presyo, isang banyera na yun, tapos sa dami nga ng pipol kagabi dahil na rin parayday, yung tanpuluts na order namin dumating nung halos paubos na yung kalahating kahong lights na order namin, eh isang kahon pa naman ang budget lang namin kagabi kaya alalay lang kami sa laklak nung erbuk, tapos may mga dumating na mga seksing chiching nagbebenta ng.....hindi yung iniisip mo, ang binebenta nila ay mga erbuk din. sa makati naman may masarap ding inuman malapit ito dun sa dating iskul ng mga anak ng ex-pat at mga burgis na noypi, ingles nga ang usapan ng mga yaya at driver nila dun, ang masarap na tanpuluts dun ay yung tapa nila at mga sizzling, ang nakasama ko dati dun ay si pareng jun, di nyo ba siya kilala ito yung asawa ni neneng, kilala nyo na ok...
Thursday, July 13, 2006
cinnamon girl
langya gabi na hindi pa rin ako nakakaranas ng antok ganung may pasok pa ako bukas, ang dami ko kasing gusto pang gawin, ika nga ng mga geek-multi tasking...gusto ko pa kasing mag gitara, pero gusto ko ring uminom ng erbuk habang nakikinig ako sa rock990 ng cinnamon girl ni neil young, ang hirap lang, ang tanpulutz ko ay liempo na tira ng dalawang anak ko kaya pag kinamay ko ito, tapos titipahin ko yung gitara, malamang ang matugtog ko ngayong piesa ay "liempo rock" with slide effects kasi mamamtika ang mga daliri ko...buti na lang at sweet home alabama ang ikinasa sa 990, hindi ko na kailangang tumugtog ng mga sintunadong iskala. may tip ako-alam nyo bang ang mga sheep kapag hindi makatulog? ang ginagawa nila ay pumipikit sila at nagbibilang ng mga taong tumatalon sa bakod.
puerto galera
kuha ito sa white beach sa puerto galera, yung naka red na tashert ay si vernon anak nung walang tashert na si noel and siempre pa kasama si utol. see more on piktyuran
Wednesday, July 12, 2006
sayo ang alak sayo ang pulutan...hapihapi hapi beerday...
pareng algene ang lupit ng birthday mo ngayon, bagyo... pinapunta mo pa si florita d2 sa pinas ang lakas ng dating, baha ang buong daan, pero hindi bumaha ng erbuk, paramdam ka naman, tumatanda ka na yata, nung araw pag beerday ng isa sa mga tropas natin, umaga pa lang aligaga na tayo bakit ngayon parang lumalamig ng kayo...wag mong sabihing mahirap ang buhay, may tinda kang erbuk jan sa store-store sari mo, puede nating utangin yan c/o sa yo. baka naman gawin mo pang alibi si kumander mo na masakit ang ulo kaya hindi tayo puedeng mag kuwadradong mesa jan? txt txt na lang pre kapag ma22loy tayo, mas delikado sa sabado gawin yan dahil lahat ng tropas walang pasok...magastos. pre birthday uli sayo, ayoko pang batiin ka ng happy dahil hindi pa kami happy.
Saturday, July 08, 2006
Tuesday, July 04, 2006
Sunday, July 02, 2006
pacquiao versus larrios versus sankaterbang commercial
namputcha una pa kaming nakatulog dun sa dalawang boxer na maglalaban sana 2day, sankaterba yung commercial load, tapos pagtawag namin sa tropa namin, sinabi na agad na nanalo na raw si pacquiao sa twelve round ibinalita na raw sa a.m. radyo, buti na lang may erbuk pa kaming malamig, kaya kahit commercial pa rin sa tv ok lang, maganda naman ang tugtog sa rock 990, john cougar mellencamp yung bang small town....i was born in a small town (small din kaya ang dick-dickan nila ng bawang?).
tagaytay collection
si zoe habang bumababa sa picnic groove, habang si ziv naman yung kasunod sa likod...see more on piktyuran.
dog day afternoon
Ayoko nang ipaliwanag kung bakit dog day afternoon ang pamagat ng piktyuran na to, pero obvious naman sa kuha kung bakit, siempre pa mas masarap ang erbuk na ice cold kung may kasamang tanpuluts. Sa kuhang ito ay kasama ko sina (mula sa kaliwa naka-upo) pareng serio- ang magaling magluto ng tanpuluts at marunong magshare sa mga kailangan ng mga mang-iinom, unknown guest-yung naka sign of peace na may susi ng motor na nakasampay sa leeg yung susi hindi yung motor, si algene-ang may ari ng puwesto at tindahan na madalas namim mautangan, si philip a.k.a ipe and chikong-ang tulak ng tubig (drinking water) sa region 3; (mula sa kaliwa-nakatayo) si gary-ang may ari ng service namin na adventure na madalas habulin ng mga mmda sa edsa dahil walang prangkisa ang biyahe, si jun-ang utol ko na nagpa-panggap na chef sa makati at si sonny boy-ang newspaper magnate namin sa looban, dahil lahat ng diyaryong binabasa ng mga taga-looban ay sa kanya nanggagaling. see more on piktyuran.
Saturday, July 01, 2006
who do you think we are
Bakit zivzoe ang URL ko? kasi ung zivzoe ay pangalan ng dalawang bata. Si ziv ay ang panganay kong anak na lalaki (13yrs old na siya) at si zoe naman ay yung bunso kung babae (10yrs old naman toits). Sino yung amuyong na kasama nila sa piktyuran, si utol ko naman yun. Kuha yan sa tagaytay nung minsang wala kaming magawa, napag tripan naming pumunta dun, at least malapit lang kesa baguio, menos gastos.
Subscribe to:
Posts (Atom)