Sunday, July 16, 2006

saturday in the park...


Saturday in the park, youd think it was the fourth of july, parang ganun yata yung lyrics nun na kanta ng chicago, pero para sa mga tropas iba ang lyrics nun, saturday kina algene, drinking on the 15th of july, yes dahil natuloy din ang beer or more beer namin kagabi, ika nga ni itoy (sino yun?) masakit na ang ulo ko, uwe yes uwe na tayo, paano ba namang hindi sasakit ang ulo niya eh sankaterbang erbuk yung nilaklak niya. ang dami ring tanpuluts kagabi, may baked mushroom with grated mozarella cheese na gawa ni pareng jun, chicken feet in special sauce na luto ni mommy belen (masarap din gumawa ng atsara yan), sisig na binili ni pareng serio, chicharon para sa mga highblood at siempre pa beer or more beer. nung una nga medyo kamustahan muna, ganyan naman talaga sa harapan kunyari concern muna kayo sa isat-isa, pero lahat naman nakatingin sa bote dahil kapag tumungga ang isa at humingi ng refill tunggaan na rin yung iba, baka kasi maubusan ng erbuk, eh paano kung hindi na uli bumili yung may beerday di bitin ka, neweys maganda naman ang mga kuwentuhan... uulitin ko kuwentuhan hindi kulitan, tapos nabanggit ni pareng algene si bagong (o anong nangyari?) isa sa mga tropas namin na nasa yemen, nakaka email pa rin niya ito kahit marami na raw pera...dumating din si gary boy dun na nag hapunan tapos lumaklak ng beer lights at nag bilyar, opo may bilyaran na rin dun pero exclusive for members only yun hindi puedeng maglaro ang mga outsider dun at baka takuin kayo ni gian. siempre pa hindi matatapos ang erbukan kung walang piktyuran, dun na kami biglang sumaya, kasi ba naman may mga kuha kami na may lumalabas na orbs, sabi ng iba yung orbs daw ay mga spirit in the form of balls, pero technical explanation naman ng iba ito raw ay ray of lights lang na nag bounce kapag may flash ang camera mo. pero para sa akin orbs or no orbs ang mahalaga may malamig na serbesa kami at kasama mo ang mga tropas mo na kung ilang taon na rin naman kaming nagkakasama may pera o wala. people reaching, people touching, a real celebration...back to itoy, sino nga ba siya, si itoy ay yung tinatawag ng mga medical practitioner na may mental infantilism syndrome yung bang medyo mama ka na pero isip at kilos bata pa rin. pero hindi ito retarded ha, dahil normal ang itsura niya at malakas uminom ng erbuk, kasa-kasama ni pareng serio yan sa mga lakad niya, ika nga ng mga pipol ang tawag jan ay close in security, mabait naman siya dahil nga isip bata, kaya pag pinagmasdan mo ang mga kilos niya, minsan masasabi mo na mas suerte si itoy dahil wala siyang problema at walang paki-alam sa mundo. salamat nga pala kay the mole at barbara ann o babalaba ng rock 990 dahil binati nila si algene sa ere at pinag-bigyan yung request namin na all i can do ng savoy brown. You've gone away I'll get by somehow just right now all I can do is cry all I can do is cry...I keep searching for an answer as I sit here in my lonely room till I find a reason to keep living all I can do is cry all I can do is cry all I can do is cry....Yeah

0 comments: