Tuesday, July 18, 2006

You'll lose your mind and play...shine on your crazy diamond

very bad mukhang totoo na nga, dalawa na ang nagbalita sa akin na patay na si syd barrett, una ko itong narinig kay pareng ipe nung sabado sa ginanap na beerday ni pareng algene, nabasa nya raw sa jaryo, sigurado ko sa star nya nabasa yun dahil regular bumili ang erpat nya ng jaryo, dun kasi sa jaryo ko hindi ko nabasa yun, dun ba sa jaryong sagad, hindi kasi sila nagbabalita dun ng masama...tapos si pareng jun naman nag email din sa akin na dedbol na nga si syd barrett...teka sino nga ba si syd barrett...ito yung isa sa original na member ng pink floyd kasama si roger waters, nick mason at richard wright tapos nasingitan ni david gilmore kaya nagmaktol si pogi humiwalay sa banda...may nagtatanong nga dati sa akin, si syd barrett daw ba ang tatay ni leif barrett? NO... si leif kasi hindi barrett ang surname nya kundi garrett medyo nagkaroon lang ng typo error dun sa 70's typewriter. di pa kasi uso yung pambura na parang puting kyutiks kaya may nakabasa minsan ang nakalagay ay leif barrett...ito yung kumanta ng when i think of you (nabubuko tuloy akong hilaw na rocker nito) ang katunggali dati nyan sa pa pogian ay si shaun cassidy yung kumanta naman ng da doo ron ron at ang nag produce ng album ni shaun cassidy ay si michael Lloyd (hindi Floyd) kaya siguro akala nung iba ay may relasyon ang pink floyd sa dalawang (leif and shaun) pehips na yan. ang duda ko nga jan kay leif garrett ay anak yan nung laging naka hawaiian shirt na si steve mc garrett, ang original na baywatch. hanep nung araw sa tv yan makita mo pa lang yung opening ng malalaking alon upo ka na agad sa harap ng tv set, ang maganda pa nun natatapos mo talaga yung palabas dahil hindi ka palipat lipat ng channel, eh wala pa kasing remote control nun at paano kang magpa palipat lipat ng channel e lilima lang ang istasyon nun yung dalawa laging mukha pa ni makoy ang makikita mo, tapos pag walang maipalabas sa umaga yung tv station, re-replay pa yan o kaya yung bang mga concert nung araw na laging paningit tuwing umaga sa tv pang ubos ng oras sa mga matatanda, pero di nila alam inaabangan namin lagi dati ito, dagdag trip din sayang...jan ko napanood si jim croce na ang laki ng mata pero hindi maidilat, tapos yung allman brothers na puro din nakatakip ng buhok ang mukha, siguro dun ginaya ni slash yung style ng bangs niya na abot hanggang bibig...dun ko din napanood yung BTO, sayang nga lang wala pa kaming beta tape nun hindi ko tuloy na record, classic na rin yun...si syd barrett? di ba sabi nyo patay na? bakit pa natin pag uusapan, paglamayan na lang natin yan patawag kayo ng sakla tapos pa score tayo ng kalahating kahong malamig na erbuk saka natin isalang yung mga plaka nya at pakinggan ang mga lyrics na ginawa nya tapos...

0 comments: