Friday, November 30, 2007

BSOD

Nampucha ilang araw ko nang pilit ginagawa ang computer ko pero mukhang kikita na naman ang mga computer technician sa akin. Bigla kasing bumulaga ang BSOD-blue screen of death sa computer ko nung martes.

Ang pagkakaalam ko kapag bumulaga ang BSOD, ito ay para maiwasan pang madagdagan ng sira ang computer, kaya biglang magre start ang computer mo para mabawasan na ng ibang damage ang system.

Kaya lang yung sa akin iba ang naging kaso, nung bumulaga na ang blue screen of death, nung magre start na ang computer ko, ayaw nang gumana nung pinakamalakas na anti virus na nakalagay sa computer. Nung subukin ko namang magkonek sa internet ay ayaw na ring gumana nung internet connection ko.

Isa lang ang suspetsa ko dito, kasi may mahilig maglaro ng online game na ragnarok dito sa computer ko. Ang pagkakaalam ko kasi jan sa ragnarok online game, isa iyan sa mabilis na dahilan ng pagkalat ng mga virus.

Yun nga mismong ipinamimigay nilang libreng software ay may naditek na executable na virus yung anti virus ko. Di bale kakosa ko naman yung computer technician, bibigyan ko lang ng cheech and chongs yun, sigurado gawa na agad ang computer ko.

Monday, November 26, 2007

marina...hello...goodbye


kare-kare?

bihod


ulo ba ito ng maya maya mga buwakang ...


pinakbet

top view of kare-kare


nasaan ang sinasabi ninyong ulo ng maya maya mga buwakang...

3 iced tea (bottomless) 150.00
1 kare kare 216.00
1 fried rice 130.00
1 pinakbet 129.00
3 plain rice 78.00
1 sinigang ulo ng maya2 bat 207.00
1 special la paz batchoy 95.00
750 grams tuna bihod 502.00

Panalo na sana lahat, dahil masarap naman at cozy ang lugar, kaya lang talo yung sinigang na ulo ng maya maya. Ang alam ko kasi kapag sinigang na ulo ng isda ay may kasama itong malaking ulo ng isda. Hindoropot kayo, mas malaki pa ang ulo ng bird ko dun sa binigay nyo sa aming sinigang na ulo ng maya maya, halos wala kaming nakain doon...talo, talo, talong talo talaga. Hindi na lang ako nagreklamo kahit na nga mabagal ang serbisyo ninyo. Yung isang order nga namin na fried rice (opo dalawa ang order naming fried rice) ay pumayag na kaming palitan nyo na lang ng plain rice para hindi na kami maghintay, pero tuwing maaalala ko yung sinigang na ulo ng maya maya...endayyy akina nga yung micardis ko at tubig dalian lang at tumataas na naman ang presyon ko.

Saturday, November 24, 2007

And youll only see me walking by the light of the moon

Gumimik ba kayo kagabi? kasi kung nasa gimikan kayo kagabi ay siguradong isa kayo sa mga nakatingala at nakapuna sa malaking bilog o shadow yata iyon na nakaikot sa buwan.

Naging usap usapan kasi kagabi ito dahil kahit ako man ay ngayon ko lang nakita na ang buwan ay napapaikutan ng napakalaking ulap. Ang gandang tignan, kaya lang ano kaya iyon? dahil kaya may darating na malakas na bagyo kaya biglang lumabas ang malaking bilog na iyon.

Kanina ko pa nga nireresearch sa internet ang phenomenum, pehnomena, filomena ah basta kanina ko pa hinahanap ang kahulugan sa internet nung nasaksihan ko kagabi pero wala akong makitang paliwanag.

Di bale makikita ko rin kung ano ang ibig sabihin nun, dahil nagtype na ako sa google search engine ng "Carl Sagan at Omni".


Friday, November 23, 2007

virgin?

Nakarinig ako nung isang araw sa radyo ng tungkol sa hiwagang ibinibigay sa atin ng VCO. Bukod pala sa nakakagaling ito nang kung ano anong sakit ay mainam din pala itong panglunas sa mga balakubak, sakit sa balat at siguro pampatigas na rin ito. Kaya lang minsan sinubok ko na ring uminom ng VCO, busettt hindi para tumigas yung akin, matigas pa talaga ito. Kaya ako uminom nito ay dahil para mailabas ko yung tinatawag na toxins sa katawan ko, kaya lang ang hirap inumin kasi masama ang lasa. Kaya nung marinig ko sa radyo na mayroon na raw flavored VCO ay bigla tuloy akong nag-isip, paanong magiging virgin ito kung may flavor na.



May bagyong darating sa bawat buhay, susubukin kung tayo ay matibay

Ang hirap din pala nung marami kang kakilalang mahilig tumoma. Halos gabi gabi kasi ay hindi ko malaman kung sino ang pagbibigyan ko sa kanila. Minsan tuloy gusto ko nang sabihin sa kanila na hindi na ako palatoma para lubayan na ako ng mga hindoropot.

Kung sa amerika siguro ako nakatira ay baka miyembro na ako ng AA. Pero dito sa pinas kapag kasi tumador ka, marami kang kaibigan at koneksyon, kaya kailangang matuto kang tumoma. Ang problema lang naman kapag panay ang mamam mo ay madalas masakit ang ulo mo ay lumalaki ang iyong tiyan (beer belly).

Kagabi nga lang ay may kasalan na puede akong puntahan dahil ikinasal ang kaopisina ko at sa dampa sa macapagal avenue ang kainan at inuman. Tinabla ko na lang kasi siguradong purgahan na naman kami nito sa inihaw na pusit, sashimi tuna, sinigang na kanduli sa miso, inihaw na bangus at tilapia, buttered hipon/tahong at sanrekwa na namang beer. Sus pahinga muna nakakapagod ding uminom.


Monday, November 19, 2007

let's give a round of applause to....candy

Halata na talaga ang kahirapan ng buhay sa pinas. Nung dati kasi, pagkatapos pa lang ng undas ay halos hindi na magkandatuto ang mga noypi sa paglalagay ng kani kanilang christmas decor. Ngayon halos 35 days na lang ay bihira ka pa ring makakita ng mga kumukutitap na ilaw.

Isa pa rin kasing dahilan ng mga tao ngayon kaya ayaw maglagay ng mga parol at pailaw sa bahay ay natatakot sila na baka ito pa ang maging mitsa ng buhay nila. Isipin mo nga naman ang dami nang walang hanapbuhay sa pilipinas tapos makikita yung bahay mo na puno ng nagsasayawang ilaw. Para mo pa tuloy ipinaglalandakan sa buong looban ninyo na mucho ka.

Siguro darating ang araw wala nang maglalagay ng mga kumukutitap na ilaw sa mga bahay. Ang mangyayari niyan kung gusto mong makakita ng mga ganitong klaseng ilaw ay pupunta ka na lang sa mga park at mall. Pero sa akin ok lang yan kung maglagay kayo o hindi.

Sawa ako jan sa mga kumukutitap na ilaw, kagabi nga lang kumukutitap na yung ilaw na nadaanan namin, may naispatan pa akong nagsasayaw na bohu, sus bastos.


Saturday, November 17, 2007

no reply

May nagtext sa akin at ganito ang nakalagay, "D[i] ako iinom pag d[i] ka pumunta m[a]m[a]y[a] p[a]re". Paano mo naman tatanggihan ang ganitong imbitasyon, halos sa akin ngayon ibinigay ang ika nga sa salitang ingles- burden. Isipin mo maaaring hindi siya malasing mamaya kapag hindi ako nakapunta. Ano na lang ang sasabihin niya sa akin kapag tinabla ko ang imbitasyon niya. Iyan ang masarap sa tunay na kaibigan, basta naalala ka niya may okasyon man o wala-fight. Ang mahalaga ay magkaroon uli kayo ng kaunting oras para sariwain yung mga dating kabalastugan ninyo at makatawa uli ng kasinglakas ng tawa ni judas sa mga paulit ulit na jokes na binibida ninyo. Bihira na kasi ngayon ang ganyang harapan, dahil na rin siguro sa hirap ng buhay o dahil na rin siguro dumami na ang magugulang sa inuman. Kaya nga nung matanggap ko ang nasabing text message niya ay ito naman ang isinagot ko, "Siguradong mapapainom ka mamaya pare".


i always feel like somebody's watching me

Ano kaya ang pinakamagandang webcam/videocam ngayon, kinukulit kasi ako nung utol kong nasa malamig na lugar at laging ingles ang salita ng mga tao na magpalagay na rin daw ako ng webcam/videocam. Hindi ko kasi nahiligan ang mga pelikulang James Bond kaya hanggang ngayon ay wala pa rin webcam/videocam ang computer ko. Ang gusto kasi ni utol, magkaroon kami ng video chat kung saan imbes na nagtatype lang kami ng mga pinag-uusapan namin ay mas maganda nga naman daw kung nakikita namin ang isa't isa habang nag-uusap.



Nagkaroon ako bigla tuloy ng interes sa hindoropot na webcam/videocam na yan. Kaya nag research ako sa internet at dun ko nalaman na puede mo rin palang gamitin ang nasabing webcam/videocam para malaman mo kung ano ang ginagawa ng mga kasama mo sa bahay (read: lungkatutz) kapag umalis ka na para kumayod. Ang hirap lang sa panahon natin ngayon dahil na nga medyo advance na ang teknolohiya ay pati tuloy sa mga kakalsadahan ay may mga nakakabit na ring mga survelance, survaylance, surveylance ah basta may nakakabit na ring camera sa mga crossroads at intersection. Kaya tuloy yung mga hindi marunong sumunod sa batas trapiko ay nahuhuli kahit walang mga lespung umoorbit sa lugar.

Kahit din naman sa mga department store ngayon ay nagkalat na ang camera para makita nila kung sino ang kumukupit ng sokolate at nagpapabango ng libre sa loob ng department store. Pag nasakay ka minsan sa elevator lalo na sa malalaking gusali, tumingin ka sa itaas, mapupuna mo dun na parang may bolang itim, camera din yun, diba may lumabas pa ngang scandal na nagsesebohan yung magsiyota sa loob ng elevator, mga bastos hindoropot.

Kaya ngayon kapag may gusto ka tuloy gawing kabalastugan dapat ay maingat ka kasi baka kung kailang malapit ka nang labasan ay saka may lalapit sa iyo at sasabihing "smile your on candid camera".

P.S-Kung sakali nga na magkaroon ako ng webcam, may instruction ba doon kung saan ko ilalagay yung film?


Wednesday, November 14, 2007

antmusic

Mga p*t*ng *n* ny*, b*w*k*ng *n* , h*nd*r*p*t k*y*, bakit ba lagi na lang ganito? kapag naghuhugas na ako ng mga pinggan ay saka ako nakakaramdam ng mga nagsisigapang na langgam sa likuran ng batok at taenga ko. B*s*tttt.


Monday, November 12, 2007

alak pa


pulutan pampabata


jhon and jhun


tig isang pitcher para walang hingian


crispy ulo...sarapppp


no politics please, only blues and elvis and somebody else's favorite song

Saturday, November 10, 2007

nature trippin'


rock the cashbah (mustapha dance)


Nessie? the lock ness monster


sex anyone?


U.F.O's were spotted hovering in the sky


one hump camel with two penis or is it penises?


five legged pig but no penis


ibong adarnics


i could live inside a teepee...i could die in penthouse thirty five


max yasgur was here

isolated case? mga buwakang...

Nabalitaan nyo ba yung batang nagpakamatay dahil sa hirap ng buhay?. Masyadong malupit na ang isip nun para umabot siya sa ganoong aksyon. Totoo mahirap ang buhay ngayon dito sa pinas, kasi maraming mga buwakang inang mga namumuno sa atin ang walang inatupag kungdi ang pansariling lang nila, kaya nagkawindang windang ang ekonomiya natin. Halos hindi ko malunok yung kinakain ko habang binabasa ko ang balitang iyon sa isang sikat na jaryo. Ang kinaiinis ko lang sa balitang iyon ay nasundan pa nung mabasa ko na isang isolated case lang daw yung pagbibigti nung bata na ang dahilan ay kahirapan. Mga buwakang ina nyo, tumingin kayo sa likod, harap, kanan at kaliwa ninyo at siguradong ang makikita ninyo ay puro kahirapan ng pilipino. Naniniwala ako na marami talagang tamad na pinoy pero siguro naman kung magkakaroon ng mga trabaho ang bawat pinoy ay hindi magtatamad tamaran iyan. Ang probelma nga ay walang makitang trabaho ang mga pinoy, kaya nga yung iba nating mga kababayan ay nagsisipunta na sa ibang bansa kahit na sila ay ma gang rape ng kanilang mga amo at anak nung buwakang inang amo nila at yung iba naman ay halos hindi pakainin nung buwakang inang kapitan nila ng barko kaya hinostage pa nila ang barko para malaman ang kanilang paghihirap doon. Ang nakakinis pa ngayon ay katakot takot na tulong ang dumating dun sa pamilya nung batang nagpakamatay. Karamihan sa mga tumulong ay gusto lang makisabay sa media exposure, ang kakapal ng mukha ninyo. Nagpalabas na raw ang gobyerno ng programa at sankaterbang pera para sugpuin na ang kahirapan sa pinas. Sisiguraduhin ko sa inyo na isang linggo lang ang lilipas ay malilimutan na naman ang pangyayaring iyan at maghihintay na naman tayo ng ibang insidente para na naman puksain kuno ang kahirapan ng buhay sa pinas.

I wish I installed angles in every subject's house
Agents of my goodness no one would be without
A steak on every plate a car for every house
and if you ever crossed me
I'd have your eyes put out


it wouldn't cross my mind to your neck
or rip out your vicious tongue
it wouldn't cross my mind to snap your leg like a twig
or squash you like some slug
You are a violent messenger
and I'm not above your taunts
And if you hit me you know I'll kill you
because I'm the Warrior King

------------------------------------------------------------

Bata Bata ano ang iyong ginagawa
Ikaw ba ay sumusulat ng tala-arawan o isang magarang tula
Ngunit bakit ang sulatan mong papel ay maraming luha
Dahil ba kumakalam na naman ang iyung sikmura?



food tripping at Davao Grill


crispy pata o crispy buntot ng tuna?



Friday, November 09, 2007

faithful friends who are dear to us

Napadaan na ba uli kayo sa Makati, lalo na sa Ayala Av, yes Av lang ang tawag diyan ng mga buwakang inang nagbuburgis burgisan na mga empleyado ng Makati na mahilig bumili ng balot balot na pagkain sa baba ng opisina nila.

Neweis, kung napadaan uli kayo diyan sa Ayala Av ay siguradong madadama nyo na ang kapaskuhan sa lugar na yan. Ika nga ng mga nakakasabay kong mga bata na karga ng kanilang mga ermat na mukhang bata pa rin...lights lights.

Ang dami na kasing nakakabit na "christmas lights" sa nasabing lugar. Yan ang maganda kapag malapit na ang kapaskuhan, gumagaan ang pakiramdam ng tao, nagiging masayahin, naiiwasan tuloy ang mga bangayan.

Sana laging ganito kasaya ang pakiramdam ng lahat para magkaroon ng kapayapaan ang buong mundo kahit na kumakalam ang mga sikumura nating mga pilipino.

It's beginning to look a lot like Christmas
Ev'rywhere you go
Take a look in the five-and-ten,
Glistening once again
With candy canes and silver lanes aglow

It's beginning to look a lot like Christmas
Toys in ev'ry store
But the prettiest sight to see
is the holly that will be
On your own front door

A pair of hopalong boots and a pistol that shoots
Is the wish of Barney and Ben
Dolls that will talk and will go for a walk
Is the hope of Janice and Jen
And Mom and Dad can hardly wait for school to start again

It's beginning to look a lot like Christmas
Ev'rywhere you go
There's a tree in the Grand Hotel,
One in the park as well
The sturdy kind that doesn't mind the snow

It's beginning to look a lot like Christmas
Soon the bells will start
And the thing that will make them ring
Is the carol that you sing
Right within your heart



Wednesday, November 07, 2007

a a ano nga ba yun

Kainis naman, may maganda sana akong ilalagay sa journal ko, dahil nasa isip ko na kagabi. Ang kaso naman pagod na ako kaya sabi ko sa sarili ko ay ngayon ko na lang isusulat, ayun nalimutan ko tuloy kung ano ang topic na yun.

Siguro kailangan ko na ring uminom ng sirkulan. Pero hindi pa naman ako malilimutin. Teka ano nga ba ang pinag-uusapan natin bakit nakarating tayo sa pag-inom ng sirkulan.


Sunday, November 04, 2007

taytay take two


pakbet taytay-da best


inihaw na lumot (malaking pusit)-da best

Friday, November 02, 2007

november fest

Hindi pa rin siguro tapos ang undas happening nyo. Ganyan naman tayong mga noypi, matagal kung magselebreyt ng mga okasyon. Ang maganda pa ngayon ay natapat ang undas ng huwebes kaya damay na rin ang araw ng biyernes dahil ika nga ipit na araw. Napahaba tuloy ang bakasyon kaya naparami tuloy ang gastos. Mas magastos din kasi kung nakatambay ka lang sa haybol. Sarap ng feeling kahapon sa sementeryo, kung todo porma yung ibang mga nagpupunta. Ang dami ko ngang nakita doon na naka low rise na chiching. Sabagay ang sarap naman talagang pumorma lalo na't sa karamihan ng tao. Pero para sa akin hindi ako masyadong naging abala sa pagtingin dun sa mga pumorma sa sementeryo, mas naging abala ko dun sa mga naglulusot ng mga alak, ang babangis nyo din wala kayong pinatawad...sige isalin nyo na yan sa lalagyan ng C2 at baka mabuking pa tayong may dala din.