Friday, November 30, 2007

BSOD

Nampucha ilang araw ko nang pilit ginagawa ang computer ko pero mukhang kikita na naman ang mga computer technician sa akin. Bigla kasing bumulaga ang BSOD-blue screen of death sa computer ko nung martes.

Ang pagkakaalam ko kapag bumulaga ang BSOD, ito ay para maiwasan pang madagdagan ng sira ang computer, kaya biglang magre start ang computer mo para mabawasan na ng ibang damage ang system.

Kaya lang yung sa akin iba ang naging kaso, nung bumulaga na ang blue screen of death, nung magre start na ang computer ko, ayaw nang gumana nung pinakamalakas na anti virus na nakalagay sa computer. Nung subukin ko namang magkonek sa internet ay ayaw na ring gumana nung internet connection ko.

Isa lang ang suspetsa ko dito, kasi may mahilig maglaro ng online game na ragnarok dito sa computer ko. Ang pagkakaalam ko kasi jan sa ragnarok online game, isa iyan sa mabilis na dahilan ng pagkalat ng mga virus.

Yun nga mismong ipinamimigay nilang libreng software ay may naditek na executable na virus yung anti virus ko. Di bale kakosa ko naman yung computer technician, bibigyan ko lang ng cheech and chongs yun, sigurado gawa na agad ang computer ko.

0 comments: