Halata na talaga ang kahirapan ng buhay sa pinas. Nung dati kasi, pagkatapos pa lang ng undas ay halos hindi na magkandatuto ang mga noypi sa paglalagay ng kani kanilang christmas decor. Ngayon halos 35 days na lang ay bihira ka pa ring makakita ng mga kumukutitap na ilaw.
Isa pa rin kasing dahilan ng mga tao ngayon kaya ayaw maglagay ng mga parol at pailaw sa bahay ay natatakot sila na baka ito pa ang maging mitsa ng buhay nila. Isipin mo nga naman ang dami nang walang hanapbuhay sa pilipinas tapos makikita yung bahay mo na puno ng nagsasayawang ilaw. Para mo pa tuloy ipinaglalandakan sa buong looban ninyo na mucho ka.
Siguro darating ang araw wala nang maglalagay ng mga kumukutitap na ilaw sa mga bahay. Ang mangyayari niyan kung gusto mong makakita ng mga ganitong klaseng ilaw ay pupunta ka na lang sa mga park at mall. Pero sa akin ok lang yan kung maglagay kayo o hindi.
Sawa ako jan sa mga kumukutitap na ilaw, kagabi nga lang kumukutitap na yung ilaw na nadaanan namin, may naispatan pa akong nagsasayaw na bohu, sus bastos.

0 comments:
Post a Comment