Wednesday, February 27, 2008

I'm so tired I don't know what to do

Ang bilis talaga ng panahon, tapos na naman halos ang isang buwan. Parang kahapon lang nang binulaga ako ni Don Alfredo, yun pala isang buwan na rin agad ang lumipas. Siguro hindi rin siya halos makapaniwala na ang isang buwan niyang bakasyon sa pinas ay tapos na. Ganun kadali, kasi naman talaga ngayon sa pinas, madaling maubos ang oras ng mga tao. Makinig ka lang sa radyo tungkol sa mga kababalaghan sa gobyerno ay mauubos na talaga ang oras mo. Nung isang araw nga, sa dami ng mga bill na niriribisa ko para malaman kung sino ang una kong babayaran ay naubos din ang oras pati na ang luha ko.

Sunday, February 24, 2008

Theres a burning down inside of me

Mahirap din pala yung sumabak ka sa beer marathon. Nasubukan ko kasi ito kahapon kung saan ilang istasyon yung nasabakan kong erbukan. Nung tanghalian kasi ay biglang umorder ng beer yung mga kasama ko sa isang maliit na kainan diyan sa marikina dahil na rin sa sumobra yung order naming pagkain. Langya umorder ba naman ng dalawang crispy pata, dalawang fish fillet in sweet and sour soz, isang chopsuey, isang bihon con lechon, dalawang bandehadong kanin at lechon manok, eh lilima lang kaming chichibog, paano mo mauubos iyon. Kaya hayun ang solusyon ay umorder na lang kami ng beer para maging pulutan namin yung sobra (hindi kasali yung kanin hindoropot). Tapos naman naming maghiwalay ay dumaan naman ako sa isang asset (read: kakilala) ko sa bayan din ng marikina at natiyempuhan namang may natira pa siyang adobong aw-aw. Nagpakuha rin ng malamig na serbesa at aw-aw. Nung malapit na naming maubos yung isang dosenang malamig na serbesa ay nakaresib naman ako ng text mula sa isang may kaarawan at kinukumbida ako para dumalo sa kanya. Kaya para mapagbigyan ang lahat ay tumulak naman ako dun sa bertdeyan at dun ay inabutan kong nag-iihaw si pogi ng malalaking pla-pla at liempo, puwera pa yong nakahain nang kaldereta, salpicao at pininyahang manok. Kaya lang may trauma ako sa mga bertdeyan ngayon dahil pagdating ko pa lang sa nasabing lugar ay may nakaumang nang videoke machine na inarkila pa yata kay aling conchita zurita. Kapag kasi may videoke machine sa harapan ay nawawala ang masarap na kuwentuhan sa inuman, iyan pa naman ang gusto ko kapag tumotoma, may talakayan, hindi kulitan ha. Kaya nung medyo naka singko litros na kami ay lumabas na nga ang pinangangambahan ko sa inuman na may videoke machine. Kasi napuna ko nung malapit nang dumating sa koro yung isang kumakanta ay sumabay na yung ibang mga kainuman namin at pasigaw na kinanta yung "laaaabing you...laaaaabing you...strategy.

Saturday, February 23, 2008

Alfredo at Dencio's


with good friend Alfredo from Sicilia, Italy (taken from a cell phone camera made in China)


another angle from china made cellphone


crispy kangkong


sizzling pampabata


garlic asparagus


sizzling hipon na walang kuwenta

food tripping at in and out steak house


bottomless


T-Bone Steak

Ito yung version ng steak ng mga pagpag eaters. Ok na rin dahil mura kahit medyo malayo ang itsura kung ikukumpara mo talaga dun sa mga ribeye steak na nakakain sa tagaytay highland, Melo's, Steakhouse Boracay Resto. Pero para sa mga katulad kong pagpag eater konting karne at kaunting gravy solb.

Thursday, February 21, 2008

food tripping at dawal beach resort

Medyo malayo lang itong Dawal (Candelaria Zambales) pero ok yung lugar at mura pa ang mga chibog. Marami namang beach resort sa lugar na ito, halos lahat yata ng bayan dito ay may mga pinapaarkilang cottage sa tabing dagat. Kasi naman balot talaga ng dagat ang buong Zambales. Mahaba rin ang biyahe dahil nung bilangin ko pabalik mula Sta. Cruz ay halos labing dalawa pa yatang bayan bago namin narating ang dinalupihan pabalik ng maynila.

Wednesday, February 20, 2008

Rufus and Dencio's

Anak ng pusa halos hindi ako makagawa ng journals ko dahil lagi kaming gumigimik ni Don Alfredo from Corleone. Nung lunes ng hapon kasi tinawagan na naman ako at inayang magpalipas ng ilang boteng serbesa sa Rufus. Binibida ko lang sa kanya doon yung sikat na tapa at sizzling steak, kamukat mukat mo heto at pinupulutan na pala namin. May pamahiin pa naman ako na kapag lunes ay hindi ako totoma, pero mukhang nasira iyon. Nung sumunod na araw naman ay nagkita kami bandang hapon na rin sa Dencio's kung saan ay sinubok namin yung pinagmamalaking promo nila na kapag umorder ka ng anim na bote ng serbesa at isang pulutan na kursunada mo ay may libre kang apat na boteng malamig na serbesa. Kumuha nga agad kami ng disiotsong bote at tatlong pulutan, hayun at may parating agad kaming doseng botelyas ng malamig na serbesa solb.

Sunday, February 17, 2008

Food tripping at Suki Market





Sayang wala silang tindang soy chicken nung mapasyal ako, isa pa naman ito sa paborito kong chibug. Masarap din mamili dito ng seafood dahil sariwa, nakatsamba nga ako dito ng dalag, tiger prawn, sea cucumber at ulo ng kambing (sea food ba yun?). Sayang yung alimango ang taba at ang laki, kaya lang hindi kaya nung laman ng pitaka ko ang presyo.

Friday, February 15, 2008

friday the 15th

Maayos na sana ang Valentine kahapon dahil maganda ang klima at marami akong nakitang nakapula, kaya lang nung naghihintay ako na mag go ang traffic light sa isang lugar diyan sa mandaluyong na lagi na lang traffic ay biglang may dumaan na dalawang hagad na nakamotor at nagwawangwang. Kasunod naman nito ay dalawang puting van na puno ng sakay at sa likod nila ay isang benz na itim at isa pang puting van. Lahat sila ay naka hazard ang ilaw at walang respeto na nilampasan lahat kaming nakahinto dahil hindi pa green ang traffic light. Mga buwakang ina nyo, para kayong mga miyembro ng royal blood kung maka asta, ganung sigurado akong pera ng bayan ang winawaldas ninyo dahil puro pula ang plaka ninyo. Makasagasa sana kayo ng pakong bakya para maflat ang mga gulong ninyo. Pero teka kapag naman naflat ang gulong ninyo eh di pera na naman ng bayan ang gagastusin ninyo para mapavulcanize iyan.

Wednesday, February 13, 2008

stone blind love

Araw na naman ng mga puso bukas, sigurado saksakan na naman ng mahal ang mga tindang bulaklak sa dangwa. Panay na naman ang palit ng kobre kama sa victoria court at punuan na naman ang mga kainan dahil lahat halos ay gustong "kumain". Ang natutuwa lang naman sa ganitong okasyon ay yung mga negosyante dahil tabong tabo na naman sila sa kaguluhang nagaganap. Kung ako lang ang tatanungin, ayoko naman talagang masama sa gulo ninyo, gulo ninyo ito...teka parang narinig ko na yata ang mga katagang ito, pero wala yatang kinalaman sa valentine's yung mamang nagsalita nun ah.

Monday, February 11, 2008

15th floor blues

I don't like mondays, ito na lang ang nasabi ko nung masalalak ako sa napakahabang traffic sa highway kung saan nalaman ko na nagkaroon ng banggaan na labing isang sasakyan ang inbolb. Dun sa unang banggaan ay dalawang bus at dalawang van ang nagkarambola, samatanlang dun naman sa isa ay dawalang bus ay tatlong kotse naman ang kasali at yung huli ay isang bus at isang kotse.

Kaya ang ginawang traffic kasing haba nung titi ng lolo ko. Ang aga ko pa namang umalis ng bahay para pagoodshot sa bossing tapos heto medyo...medyo late lang naman ng kaunti.

Pagdating ko naman sa opis ay yung istasyon ng radyo ng isang opismeyt ko ay scorpions na "still loving you" ang tugtog. Ok na sana at nagsisimula na akong magtrip nang biglang isingit ba naman nung dj yung "dapat pa bang imemorize iyan".

Busetttt, buti na lang at ipinaayos ng isang opismeyt ko yung laptop niya dahil hindi raw makakonek sa internet. Kaya ito ako, may blog entry na libre sa internet, yahoo. Oops baka makahalata na gawa na ang internet koneksyon niya, publish ko muna ito bago bawiin ang laptop.


Friday, February 08, 2008

resbacking








Anak ng pusa, hindi na ako iinom, nagkakaroon na ako ng hang-over sa beer. Binalikan kasi namin ni Don Alfredo yung isang inuman jan sa q.c na akala ko ay kinargahan and chit namin ng isang bucket na walong boteng beer ang laman (sorry mga bro, tama pala kayo na talagang 3 bucket at 2 bottles pang banlaw ang naorder namin).

Neweis binalikan na nga namin yung hinayupak na resto bar para obserbahan kung nagpapalusot talaga sila sa chit ng erbuk kahit hindi naorder. Kaya ang kinuha na lang namin ay hindi na bucket na walong bote ang laman kungdi yung per bottle na lang. Anim agad ang kinuha namin dahil may kasama kaming buraot (the utol), kilawing kambing at kalderetang kambing. Pagdating ng anim na bote ay humihiram ako ng case ng beer dun sa serbedora na YAHOO.

Hindi raw sila naglalagay ng case ng beer dahil yun daw ang order ng management, kung gusto ko daw ay pirmahan ko na lang ang order namin para sigurado. Ano ka sira ulo, bakit ko pipirmahan yung order namin eh hindi naman ako ang magbabayad, kumbidado lang ako.

Dahil na rin nga hindi kami binigyan ng case ng beer para mabilang namin kung ilang bote ang naiinom ay gumawa na lang ako ng tecnique, technik, techniq ah basta gumawa na lang ako ng sistema para malaman namin kung ilang order na kami ng tig anim. Nagbilot ako ng maliit na tissue at inilagay ko sa ilalim ng platito ko. Ang masama naman ay nakalimutan namin yung tissue kaya nung magdish out yung serbedora para palitan ng malinis na platito ay natangay naman yung palatandaan naming tissue.

Nung napaparami na kami ng order ay kumuha uli kami ng inihaw na tiyan ng tuna. Maya-maya pa ay kinuha na namin ang chit kasi lilipat kami dun sa isang folk house. Nung dumating ang chit ay niribisa namin kung ilang boteng beer ang nainom namin, trentang bote? ano naka tig sampu kami, ganun na ba talaga ako kalakas mag beer ngayon, busettt baka naman tumaas ang presyon ko nito.

Pagkabayad namin ay lumipat naman kami dun sa isang folk house at nagbanlaw ng tig tatlong bote habang nakikinig sa mga tugtog ni manong chickoy. more...more...wild horses naman, wala solb na talaga ako, mag-isa lang pala akong sumisigaw at ang lakas pa, sorry.

Wednesday, February 06, 2008

taglay-the model





nobody loves you when you're down and out

Iba rin talaga kapag marami kang salapi. Kapag kaarawan mo ay halos lahat ng tao gusto kang batiin at makisaya sa okasyon mo. Pero kapag wala ka nang pera ay halos hindi mo na makita yung lahat ng mga pinalalaklak mo noon. Napuna ko kasi ito nung kaarawan ng yoti ko. Halos apatnapung taon ko kasi itong nakitang nagselebra ng bday niya at laging punuan ang laban. Kaso mo, nagretiro na siya kaya nung dumating ang kaarawan niya ay halos pitong tao lang yata kami na magkakaharap, tatlo pa doon ay pamangkin niya. Kaya nasabi na lang tuloy ng yoti ko, ito na talaga yung mga totoo kong kaibigan at bisita. Ok lang yan ankol, mabuti nga iyan at nakatipid ka sa pang inom.

healthy and expensive








Sunday, February 03, 2008

pics from the past

Actually this picture was taken last December 22, 2007-our reunion (i'm just wandering why do we have to do the reunion, ganun lagi naman kami magkasama, ah that Christmas spirit). Anyway this picture was almost lost due to spaced out miscommunication between the giver and the receiver and ended in the hands of a scandal collector. But with the help of some big shots in the internet industry, we were able to retrieve them unretouched.

Do you believe in orbs? there's plenty of them in this picture. Some sez this is only a flash or ambient light reflection off of dust, particles, insects, or moisture droplets in the air in front of the camera distorted by the digital cameras CCD lens being unable to focus but some maintains that orbs are paranormal in nature (words not mine duh).

Nope we don't want to insult those faceless (read: pangit) pipol, i respect them but if you want to join our barkada, first things first and take note-bawal ang pangit.