Friday, February 08, 2008

resbacking








Anak ng pusa, hindi na ako iinom, nagkakaroon na ako ng hang-over sa beer. Binalikan kasi namin ni Don Alfredo yung isang inuman jan sa q.c na akala ko ay kinargahan and chit namin ng isang bucket na walong boteng beer ang laman (sorry mga bro, tama pala kayo na talagang 3 bucket at 2 bottles pang banlaw ang naorder namin).

Neweis binalikan na nga namin yung hinayupak na resto bar para obserbahan kung nagpapalusot talaga sila sa chit ng erbuk kahit hindi naorder. Kaya ang kinuha na lang namin ay hindi na bucket na walong bote ang laman kungdi yung per bottle na lang. Anim agad ang kinuha namin dahil may kasama kaming buraot (the utol), kilawing kambing at kalderetang kambing. Pagdating ng anim na bote ay humihiram ako ng case ng beer dun sa serbedora na YAHOO.

Hindi raw sila naglalagay ng case ng beer dahil yun daw ang order ng management, kung gusto ko daw ay pirmahan ko na lang ang order namin para sigurado. Ano ka sira ulo, bakit ko pipirmahan yung order namin eh hindi naman ako ang magbabayad, kumbidado lang ako.

Dahil na rin nga hindi kami binigyan ng case ng beer para mabilang namin kung ilang bote ang naiinom ay gumawa na lang ako ng tecnique, technik, techniq ah basta gumawa na lang ako ng sistema para malaman namin kung ilang order na kami ng tig anim. Nagbilot ako ng maliit na tissue at inilagay ko sa ilalim ng platito ko. Ang masama naman ay nakalimutan namin yung tissue kaya nung magdish out yung serbedora para palitan ng malinis na platito ay natangay naman yung palatandaan naming tissue.

Nung napaparami na kami ng order ay kumuha uli kami ng inihaw na tiyan ng tuna. Maya-maya pa ay kinuha na namin ang chit kasi lilipat kami dun sa isang folk house. Nung dumating ang chit ay niribisa namin kung ilang boteng beer ang nainom namin, trentang bote? ano naka tig sampu kami, ganun na ba talaga ako kalakas mag beer ngayon, busettt baka naman tumaas ang presyon ko nito.

Pagkabayad namin ay lumipat naman kami dun sa isang folk house at nagbanlaw ng tig tatlong bote habang nakikinig sa mga tugtog ni manong chickoy. more...more...wild horses naman, wala solb na talaga ako, mag-isa lang pala akong sumisigaw at ang lakas pa, sorry.

0 comments: