Sunday, February 24, 2008

Theres a burning down inside of me

Mahirap din pala yung sumabak ka sa beer marathon. Nasubukan ko kasi ito kahapon kung saan ilang istasyon yung nasabakan kong erbukan. Nung tanghalian kasi ay biglang umorder ng beer yung mga kasama ko sa isang maliit na kainan diyan sa marikina dahil na rin sa sumobra yung order naming pagkain. Langya umorder ba naman ng dalawang crispy pata, dalawang fish fillet in sweet and sour soz, isang chopsuey, isang bihon con lechon, dalawang bandehadong kanin at lechon manok, eh lilima lang kaming chichibog, paano mo mauubos iyon. Kaya hayun ang solusyon ay umorder na lang kami ng beer para maging pulutan namin yung sobra (hindi kasali yung kanin hindoropot). Tapos naman naming maghiwalay ay dumaan naman ako sa isang asset (read: kakilala) ko sa bayan din ng marikina at natiyempuhan namang may natira pa siyang adobong aw-aw. Nagpakuha rin ng malamig na serbesa at aw-aw. Nung malapit na naming maubos yung isang dosenang malamig na serbesa ay nakaresib naman ako ng text mula sa isang may kaarawan at kinukumbida ako para dumalo sa kanya. Kaya para mapagbigyan ang lahat ay tumulak naman ako dun sa bertdeyan at dun ay inabutan kong nag-iihaw si pogi ng malalaking pla-pla at liempo, puwera pa yong nakahain nang kaldereta, salpicao at pininyahang manok. Kaya lang may trauma ako sa mga bertdeyan ngayon dahil pagdating ko pa lang sa nasabing lugar ay may nakaumang nang videoke machine na inarkila pa yata kay aling conchita zurita. Kapag kasi may videoke machine sa harapan ay nawawala ang masarap na kuwentuhan sa inuman, iyan pa naman ang gusto ko kapag tumotoma, may talakayan, hindi kulitan ha. Kaya nung medyo naka singko litros na kami ay lumabas na nga ang pinangangambahan ko sa inuman na may videoke machine. Kasi napuna ko nung malapit nang dumating sa koro yung isang kumakanta ay sumabay na yung ibang mga kainuman namin at pasigaw na kinanta yung "laaaabing you...laaaaabing you...strategy.

1 comments:

Anonymous said...

...please where can I buy a unicorn?