Kainis naman ang mga tech gadgets ngayon halos hindi mo pa namamaster ang mga features at heto may lalabas na namang mas modelo kesa dun sa pinakamodelong gadget na naiskor mo. Parang ginagawa na tayong gatasan ng mga malalaking negosyante. Sabagay tayo rin namang mga noypi ang may kasalanan nito. Ayaw kasi natin matatawag na luma ang isang gamit natin. Kaya kapag may lumabas na bago ang gusto agad natin ay idispose yung luma at bumili uli nung pinakalatest para "IN".
Sunday, August 31, 2008
Thursday, August 28, 2008
Sunday, August 24, 2008
in my time
Nagkaroon na naman ng malaking puwang ang mahihirap at mayayaman dahil na rin sa pagbabago ng ekonomya. Nagtataka lang ako, bakit naman kasi nagkaroon pa ng mahirap at mayaman, ganung pare-pareho lang naman tayong lahat na mga nilalang. Sino ba naman ang ayaw makaranas ng masarap na buhay. Sabi nung iba, hindi naman daw sa dami ng salapi masusukat ang kasiyahan. Bullset wag nyo kong ululin (sabi nga ni bulldog), kaya nyo lang nasasabi iyan ay dahil nanjan na kayo sa estadong iyan (bilang masalapi) at ayaw nyo kaming makarating jan dahil baka mabawasan pa ang yaman ninyo. Kaya minsan tuloy ay nag-iisip ako, totoo bang may karma? Kasi sabi nung iba kaya hindi tayo umunlad na mga ordinary folks o yung pagpag eaters ay dahil sa karma. Ayon kasi sa mga eksperto kung ano raw ang ginawa mo sa buhay mo ay yun din ang magiging epekto nito sa iyo. Kaya kung gumawa ka ng mabuti ay mabuti rin ang aanihin mo at kabaligtaran naman kung gumawa ka ng masama. Pero ano ba ang mabuti at masama na tinutukoy nila. Kasi parang ang karma ay sa mahihirap lang yata tumatalab. Mayroon kasi akong kilalang ordinaryong tao na minsan ding nakahawak ng malaking salapi na nahilig sa chicks kahit may asawa na siya...ayun naubos ang kabuhayan at nagkasira ang magandang pagsasama nila nung pamilya niya. Karma ba sa kanya iyon? bakit naman may alam tayong artista na ganun din ang diskarte, maraming chicks at may pamilya din pero hindi naman naghirap. Paano na ngayon iyan. Ang sabi naman ng iba ay hindi nga nakarma yung gumawa ng mali pero yung anak naman niya ang binalikan ng karma. Ano yun, ikaw ang gumawa tapos iba ang nakarma, malabo yata iyon. Di kung ganun pala, kung walang kang konsensiya gagawa ka na lang ng mali, kasi sa iba naman pala gaganti o babawi ang karma. Mali yata iyon. Kaya minsan nakakalito na rin ang pananampalataya. Siguro kaya lang tayo nagkaroon ng pananampalataya ay para itanim lang sa isip natin yung kaunting guilt feeling kapag may gagawin tayong hindi ayon sa idinidikta ng society at para na rin may masisi tayo kapag hindi natupad ang ating mga dasal. Kasi kung talagang meron D'yos, Buddha, Alah, Hindu, Jah o kung kahit sino ka man, di sana lahat tayo ay pinagbigyan na sa mga hiling natin para mapaganda ang buhay. Isa lang naman lahat ang hiling natin...patamain nyo kami sa LOTTTTTTTOOOOOOO!!!!. Pero sabi nga, nang mga bosing natin sa religion mapasino pa man siya ay pagbibigyan ko kayo lahat pero sa "oras ko" at hindi sa gusto mong oras. Pero nampucha, ba't yung iba ay maagang napagbigyan sa hiling nila, pero ang daming mga pagpag eaters na inabot nang ma expire o nadedo na ay hindi rin nakaranas ng lagi nilang idinadasal na sana man lang ay gumanda ang takbo ng buhay nila. Enday akina nga uli yung micardis ko jan at iabot mo sa akin ang biblia at koran, titignan ko lang baka may madecipher akong hidden code jan na nagsasaad ng salitang SUWERTI SA TANSAN.
floppy
Ano kaya ang magandang paraan para marecover ko yung mga pictures ko na cute pa ako at nakasave sa floppy disk. Ang dami ko kasing mga litrato na nakalagay sa floppy. Ang hindi ko nabigyan ng pansin ay darating pala ang panahon at maiiba ang medium para maimbak mo lahat ang mga litrato mo at iba pang mahahalagang dokumento. Sayang naman kasi yung mga litrato ko, iyon na lang halos ang magpapaalala sa akin na minsan ay pinantasya din ako ng bayan. Ayaw kasing maniwala nung mga bago kong kachat na hindi ko pini S3 ang mga litrato kong inapload. Buti pa nung panahon ng mga ermat at erpat ko, basta naitabi mo lang yung negative, anytime ay puede mong ipadevelop. Busetttt
Friday, August 22, 2008
nungayun
Bakit kaya biglang nagkaroon sa device manager ko nang mga katagang-teredo tunneling pseudo-interface? ganung hindi naman ako nagpapalagay nito. Ang mabigat pa ay mayroon siyang dilaw na image at may nakalagay na parang exclamation point. Sa mga geek ang ibig sabihin nito ay WARNING!, nung tignan ko naman ang properties ng loko ay may nakasulat na-this device cannot start.
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo (mahilig kasing masolo-in short langmagu)
IP Address. . . . . . . . . . . . : 192.168.0.0
Subnet Mask . . . . . . . . . . . : 255.255.248.0
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::204:61ff:fe4b:50dc%4
Default Gateway . . . . . . . . . : 192.168.0.u210
Tunnel adapter Teredo Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo (ayaw kasing bumunot sa harapan)
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::5445:5245:444f%5
Default Gateway . . . . . . . . . :
Tunnel adapter 6to4 Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo nga
IP Address. . . . . . . . . . . . : 2002:8679:ff4f::8679:ff4f
Default Gateway . . . . . . . . . : 2002:c00c:cef3:1::1
2002:836b:213c:1:e0:8f08:f020:8
Tunnel adapter Automatic Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo, kulit mo ha!
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::5efe:134.121.255.79%2
Default Gateway . . . . . . . . . :
yan ang mga nakita kong lumabas nung pingpingin at lagyan ko ng slash [//] ang command prompt. Ok lang sana sa akin dahil nadagdagan ang laman ng device manager ko. Kaya lang ang problema ay hindi ako makakonek minsan sa internet. Kaya hoy mga bruho, ok na ako sa IPv4 wag nyo na akong idamay sa kulto ninyo na mga miyembro ng IPv6.
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo (mahilig kasing masolo-in short langmagu)
IP Address. . . . . . . . . . . . : 192.168.0.0
Subnet Mask . . . . . . . . . . . : 255.255.248.0
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::204:61ff:fe4b:50dc%4
Default Gateway . . . . . . . . . : 192.168.0.u210
Tunnel adapter Teredo Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo (ayaw kasing bumunot sa harapan)
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::5445:5245:444f%5
Default Gateway . . . . . . . . . :
Tunnel adapter 6to4 Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo nga
IP Address. . . . . . . . . . . . : 2002:8679:ff4f::8679:ff4f
Default Gateway . . . . . . . . . : 2002:c00c:cef3:1::1
2002:836b:213c:1:e0:8f08:f020:8
Tunnel adapter Automatic Tunneling Pseudo-Interface:
Connection-specific DNS Suffix . : totoy solo, kulit mo ha!
IP Address. . . . . . . . . . . . : fe80::5efe:134.121.255.79%2
Default Gateway . . . . . . . . . :
yan ang mga nakita kong lumabas nung pingpingin at lagyan ko ng slash [//] ang command prompt. Ok lang sana sa akin dahil nadagdagan ang laman ng device manager ko. Kaya lang ang problema ay hindi ako makakonek minsan sa internet. Kaya hoy mga bruho, ok na ako sa IPv4 wag nyo na akong idamay sa kulto ninyo na mga miyembro ng IPv6.
Wednesday, August 20, 2008
blast from the past
Susanabobits, halos kalahating araw ko na hinahanap yung mr & ms magazine issue ko na puro si bossing ninoy ang topic. Marami kasi akong naitabi nito at 25 years na rin pala ang nakalipas. Kaya nga panay ang galugad ko sa ilalim ng kama, kasi alam ko dun ko lang inilagay iyon. Sigurado naman akong hindi ko itatapon iyon dahil parte na ng history ang mga nakasulat doon at baka maibenta ko pa ng mahal sa mga kolektor ang nasabing mga back issues. Isa sa dahilan kaya bigla akong nagkainteres ay dahil may dalawang bubwit na nagtatanong sa akin kung sino daw ba si bossing ninoy. Kasi ang akala nila ay isang litrato lang iyon na kasali sa limang daang piso natin. Kaya kesa ako pa ang magpaliwanag kung sino nga ba yung mamang nakasalamin at nakapangalumbaba at bakit ba siya nasama dun sa limang daang pisong papel ay minabuti ko nang hanapin ang nasabing magazine. Kung ako kasi ang magpapaliwanag sa mga bubwit na nagtatanong sa akin ay baka mailiko ko pa ang mga isip nila at mapunta kami sa makakaliwang pagpapaliwanag. Mas mabuti na siguro kung sila na lang ang magbasa ng magazine dahil naroon naman lahat ang konkretong batayan. Ano nga kaya ang mangyayari sa pinas kung nakalusot bilang prisidinti (with pacquiao accent) yung mamang nakasalamin at nakapangalumbaba? Ah alam ko na, wala sana tayo ngayong limang daang pisong denomination.
Sunday, August 17, 2008
a hard rain's a gonna fall
Ang lakas ng ulan kahapon, halos mapuno ko yung banyo ng tubig ulan. Ang sarap pang maligo dahil nga sagaran ang buhos. Hindi tuloy ako nakalabas ng bahay kahapon, pero ok lang dahil nakatipid sa gastos sa toma. Kaya lang ang hindi ko nagawa ay isara agad ang bahay, kasi hindi nga ako nakalabas ng bahay, dinayo naman ako ng mga katomaan ko. Kaya ayun ganun din, gastos din. Ang maganda lang ay nasa bahay na lang kami, kaya kahit maparami kami ng toma ay wala na akong problema sa pag-uwi, balagoong nga lang sa likpitan, busetttt.
Wednesday, August 13, 2008
Sunday, August 10, 2008
sunday morning
Ito mahirap pag linggo ang dami mong gustong gawin, ika nga multi tasking. Nanjan yung gusto mong mag brisk walking para naman malusaw yung liempo na pinulutan mo kagabi. Kaso ito rin yung araw na dapat kong hasain ang photoshop talent ko at paano naman yung gitara, dapat kahit man lang 30 minutes kada araw ay mahimas ko yung kuwerdas nun. Tapos may gusto pa akong pakinggan na bagong mga mp3 ko na inoverdub ko para mas maganda ang tunog. Ano kaya ang dapat kong unahin? ah alam ko na, linggo rin lang naman ngayon, punta muna akong CR at kausapin ko sandali si Jesus.
Tuesday, August 05, 2008
Saturday, August 02, 2008
computer world
Sa wakas naayos din ang computer ko, madali na siyang magbukas, halos kalahating oras na lang ang waiting time ko. Ang naging downside nga lang ay nawala lahat yung image files ko ng mga fhm models na nadownload ko kasi nireformat ko ang computer. Di bale marami pa rin naman sa internet noon, pero teka hindi kaya dun ako nakakakuha ng virus. May nadiskubre nga akong bagong site kung saan ay makakapanood ka ng pelikula mapaluma man o mga bagong titles. Siempre pa ang una kong hinanap na mga films ay yung mga all time peborit ko. Napanood ko na doon ang up in the smoke ni cheech and chongs at kanina naman ay yung classic alex cox film na sid and nancy, the best.
Subscribe to:
Posts (Atom)