Susanabobits, halos kalahating araw ko na hinahanap yung mr & ms magazine issue ko na puro si bossing ninoy ang topic. Marami kasi akong naitabi nito at 25 years na rin pala ang nakalipas. Kaya nga panay ang galugad ko sa ilalim ng kama, kasi alam ko dun ko lang inilagay iyon. Sigurado naman akong hindi ko itatapon iyon dahil parte na ng history ang mga nakasulat doon at baka maibenta ko pa ng mahal sa mga kolektor ang nasabing mga back issues. Isa sa dahilan kaya bigla akong nagkainteres ay dahil may dalawang bubwit na nagtatanong sa akin kung sino daw ba si bossing ninoy. Kasi ang akala nila ay isang litrato lang iyon na kasali sa limang daang piso natin. Kaya kesa ako pa ang magpaliwanag kung sino nga ba yung mamang nakasalamin at nakapangalumbaba at bakit ba siya nasama dun sa limang daang pisong papel ay minabuti ko nang hanapin ang nasabing magazine. Kung ako kasi ang magpapaliwanag sa mga bubwit na nagtatanong sa akin ay baka mailiko ko pa ang mga isip nila at mapunta kami sa makakaliwang pagpapaliwanag. Mas mabuti na siguro kung sila na lang ang magbasa ng magazine dahil naroon naman lahat ang konkretong batayan. Ano nga kaya ang mangyayari sa pinas kung nakalusot bilang prisidinti (with pacquiao accent) yung mamang nakasalamin at nakapangalumbaba? Ah alam ko na, wala sana tayo ngayong limang daang pisong denomination.
Wednesday, August 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment