Sunday, August 24, 2008

in my time


Nagkaroon na naman ng malaking puwang ang mahihirap at mayayaman dahil na rin sa pagbabago ng ekonomya. Nagtataka lang ako, bakit naman kasi nagkaroon pa ng mahirap at mayaman, ganung pare-pareho lang naman tayong lahat na mga nilalang. Sino ba naman ang ayaw makaranas ng masarap na buhay. Sabi nung iba, hindi naman daw sa dami ng salapi masusukat ang kasiyahan. Bullset wag nyo kong ululin (sabi nga ni bulldog), kaya nyo lang nasasabi iyan ay dahil nanjan na kayo sa estadong iyan (bilang masalapi) at ayaw nyo kaming makarating jan dahil baka mabawasan pa ang yaman ninyo. Kaya minsan tuloy ay nag-iisip ako, totoo bang may karma? Kasi sabi nung iba kaya hindi tayo umunlad na mga ordinary folks o yung pagpag eaters ay dahil sa karma. Ayon kasi sa mga eksperto kung ano raw ang ginawa mo sa buhay mo ay yun din ang magiging epekto nito sa iyo. Kaya kung gumawa ka ng mabuti ay mabuti rin ang aanihin mo at kabaligtaran naman kung gumawa ka ng masama. Pero ano ba ang mabuti at masama na tinutukoy nila. Kasi parang ang karma ay sa mahihirap lang yata tumatalab. Mayroon kasi akong kilalang ordinaryong tao na minsan ding nakahawak ng malaking salapi na nahilig sa chicks kahit may asawa na siya...ayun naubos ang kabuhayan at nagkasira ang magandang pagsasama nila nung pamilya niya. Karma ba sa kanya iyon? bakit naman may alam tayong artista na ganun din ang diskarte, maraming chicks at may pamilya din pero hindi naman naghirap. Paano na ngayon iyan. Ang sabi naman ng iba ay hindi nga nakarma yung gumawa ng mali pero yung anak naman niya ang binalikan ng karma. Ano yun, ikaw ang gumawa tapos iba ang nakarma, malabo yata iyon. Di kung ganun pala, kung walang kang konsensiya gagawa ka na lang ng mali, kasi sa iba naman pala gaganti o babawi ang karma. Mali yata iyon. Kaya minsan nakakalito na rin ang pananampalataya. Siguro kaya lang tayo nagkaroon ng pananampalataya ay para itanim lang sa isip natin yung kaunting guilt feeling kapag may gagawin tayong hindi ayon sa idinidikta ng society at para na rin may masisi tayo kapag hindi natupad ang ating mga dasal. Kasi kung talagang meron D'yos, Buddha, Alah, Hindu, Jah o kung kahit sino ka man, di sana lahat tayo ay pinagbigyan na sa mga hiling natin para mapaganda ang buhay. Isa lang naman lahat ang hiling natin...patamain nyo kami sa LOTTTTTTTOOOOOOO!!!!. Pero sabi nga, nang mga bosing natin sa religion mapasino pa man siya ay pagbibigyan ko kayo lahat pero sa "oras ko" at hindi sa gusto mong oras. Pero nampucha, ba't yung iba ay maagang napagbigyan sa hiling nila, pero ang daming mga pagpag eaters na inabot nang ma expire o nadedo na ay hindi rin nakaranas ng lagi nilang idinadasal na sana man lang ay gumanda ang takbo ng buhay nila. Enday akina nga uli yung micardis ko jan at iabot mo sa akin ang biblia at koran, titignan ko lang baka may madecipher akong hidden code jan na nagsasaad ng salitang SUWERTI SA TANSAN.

0 comments: