Saturday, September 27, 2008

putting out the fire with gasoline


Habang nakikipag necking ako sa isang chick (siempre, alangan namang sa boy buset) ay bigla daw may sumilip sa bintana ko na may screen. Si Yetbo, naiwan nya raw yung laughing waterbase correction fluid* niya (*ito yung magic base fluid na kapag may mali kang natype ay papatungan mo nito, kaya lang imbes na puti lang ang lumabas, ang laughing correction fluid ay may lumalabas na mga joke pag pinahid mo na sa mga mali mong natype). Bigla tuloy natigil ang pakikipag necking ko at sinilip ko si Yetbo sa bintana. Tapos ay hinanap ko ang sinasabi niyang laughing correction fluid, ngunit hindi ko makita. Sa inis ko dahil nabitin ako sa pakikipag necking sa chick ay sinigawan ko si Yetbo at sinabi kong umalis na at bukas ko na lang ibibigay sa kanya kapag nakita ko ito. Ngunit nung nakaalis na si Yetbo ay bigla kong nakita ang hinahanap niyang correction fluid. Nang aking buksan ay nakita kong may nakaipit pala sa kariton nito na chongke at hindi lang basta chongke kundi puro manicured at buntot pusa pa.

Dahil naguilty ako sa ginawa kong pagsigaw sa kanya ay agad akong nagbihis at hinabol ko siya. Kaya lang ay hindi ko na siya nakita kaya, nagpasama ako dun sa isang lalaki na kilala ko lang sa mukha. Habang naglalakad na kami ay may napuna akong isang owner type jeep na nakaparada sa gilid ng kalsada at may dalawang pulis. Para hindi kami mahalata na may dalang jutz at agad kong binuksan ang karton ng laughing corrections fluid at inilabas ko ang nasabing lalagyan ng fluid habang yung stuff naman ay binilog ko sa aking mga palad. Nakalagpas kami sa dalawang lespu na nagbabantay sa check point.



Sinabi sa akin nung kasama ko na si Yetbo daw ay sa sementeryo na nakatira, kaya dumirecho na kami doon. Bago ka makarating sa sementeryo ay dadaanan mo muna ang isang mayan temple kung saan nasa likod nito ang sementeryo. Pagdating namin sa mayan temple ay maraming mga matatanda ang nakapila na gustong makarating sa tuktok na templo dahil sa paniwala nilang gagaling ang kanilang karamdaman kapag nakarating sila sa tuktok ng templo. Nakisingit na lang kami para makaabot din sa tuktok dahil sa likod nito ang sementeryo. Pagdating namin doon ay napuna kong sinarado na pala ang daan papunta sa sementeryo. Dahil na rin napapasma na ang kamay ko sa hawak kong omadz ay naisipan kong mag short cut na lang kami sa kabilang templo. Pag ikot namin ay may nakita akong mga krishna na nag commune na sa isang parte ng mayan temple. Agad ko itong nilapitan at ibinigay ang mga hawak kong chongke. Nung papaalis na ako ay may napuna akong owner type jeep na paparating. Nung malapit na ang owner type jeep ay lumapit na ang isang krishna at tinulungan niya itong makaparada na maayos, ito rin pala yung dalawang pulis na kanina ay nakabantay sa check point at mga kabarkada nung mga krishna. Agad kaming tumalikod nung kasama ko at akmang aalis na nang bigla kaming sitahin nung dalawang lespu at sitahin ang dala naming laughing correction fluid. Sa sobrang kaba ko ay bigla tuloy akong nagising sa magandang panaginip ko. Buset kala ko nabasyo pa ko sa panaginip ko.

Oooh its a killing machine its got everything

I was preparing myself for my daily (or should i say weekly) walking exercise when i chanced upon my ipod which was collecting dust inside my sock cabinet. I opened it and set the playlist on shuffle mode, then off i went to my walking exercise routine. First in the set of the playlist is a michael franks classic "When the Cookie Jar is Empty", culled from the album Burchfield Nine, released in 1978, followed by Stevie Wonder's "I Ain't Gonna Stand For It" from Hotter Than July album. I was now walking faster than how i usually do because of the feel good music, when suddenly, my playlist played Deep Purple's "Highway Star" from the album machine head (YES). I was then transformed into nostalgic mode. I remember this song and the memories attached to it, some clear, and some are blurred. This song is very nostalgic to me because whenever i hear this, I always remember Joey, my good friend, college buddy and "kahati". Together we watched Ian Gillan dishing out this song during his stint in Manila some thousand nights ago. We both rose from our seat, raised our hands and jumped whenever Ian Gillan pointed his fingers in our direction. After the concert, we lit up the remaining "kalahati" before heading on the way home, which was incidentally a village adjacent to each other. Saturdays were always reserved for our mini concert, wherein Joey will bring some blues vinyl albums, I will show him some of my newly acquired rock and roll stuff for my part. I will never also forget the time when we are watching some Pinoy rockers in a concert at the Huerta Alba resort, hosted by the famous DJ and Pinoy rock advocate Howlin Dave (he sang Neil Young's "Birds" at that concert, but that is another story), where he ran out of cigarette (FYI-I'm not a smoker , but it depends hehehe). He then asked me to accompany him to where Howlin and Delilah (Dante's then famous half) was sitting. Once there, he simply asked for a piece of cigarette (which he got). We then returned at the concert. Puzzled and dazed from his action, I asked him how he did it. He simply told me that he introduced himself to them as the brother of so and so. It turned out that his brother is well-known by Dante and Delilah, and that's it. There were more nostalgic memories coming from my mind when I found myself now running to the fast tune of "Highway Star".

Thursday, September 25, 2008

sa tuwing sasapit ang suweldo'y masayang masaya


Kala ko nung dati kapag may isa kang computer na may internet connection ay magsasawa ka na sa kagagamit nito. Mali pala ako, kasi halos hindi ko magamit yung computer ko dahil dalawa ang kasosyo ko sa paggamit nito. Ang naisip kong solusyon ay bumili pa uli ng isa pang computer para personal kong magamit. Ang nangyari naman ay nag tig isa ang dalawang kasosyo ko sa paggamit ng computer. Ayun waiting pa rin ako lagi kapag rin lang computer ang pag-uusapan. Iniisip ko tuloy magdagdag uli ng isa pa. Kaso ang kasunod na problema naman nito ay yung kunsumo sa koryente, buset.


Saturday, September 20, 2008

what a fool believes


Buwakanabitz, mukhang nagkaiwanan na naman kagabi. Umaga na nung maireport sa akin ng mga asset ko na nagpauga daw si bulldog kagabi, bday daw kasi nung hinayupak nung isang araw. Yan naman kasi ang hirap sa kanya, sumpungan kung magpauga kaya halos walang interesado. Kasi kung gusto mo naman talagang magpakitang gilas sa mga tropa mo, dapat mga isang linggo ang pagitan ipangungumbida mo na. Di bale kahit nazero ko kagabi, solb naman kami nung huwebes ng gabi kasi bigla namang nagpauga si tito ferds at sankatutak na bengkabs ang dala kong tanpulutz. Solb as is solb talaga kami, kasi bente kuwatrong malamig na serbesa ang binira namin at tatlo lang kaming lumaklak nun, wala pang may bday nun astig.


Tuesday, September 16, 2008

I am not frightened of dying, any time will do


Ang sagwa naman ng text na natanggap ko mula sa Cambridge, buti na lang ay may international roaming na. Pumalaot na raw kasi si boss richard, isa sa mga founding member ng sikat na banda na kumanta ng "hey teachers, leave them kids alone". Isang brick na naman ang nalagas sa grupo. Halos dalawang taon pa lang ang nakakalipas nung mabalita rin pumalaot na si manong Syd. Paano na kaya ngayon ang grupo. Sigurado nito ay magkakaroon na naman ng isang malakihang pagtitipon ang mga higante ng musika para muling tugtugin mga musika nila at bigkasin ang mga katagang "i never said I was frightened of dying".


Sunday, September 14, 2008

close your eyes and think of me and soon I will be there


Hanep talaga itong si topher kapag nag ayang mag-inuman, ang daming pulutan. Sa kambing pa lang ay panalo na, nanjan ang kaldereta, adobo, kilawin, sinampalukan at papaitan. Tapos meron pang lechon, kare-kare, embutido, relyenong bangus na kasing laki ni moby dick. Sabagay dapat talaga siyang maghanda ng ganito karami, kasi pa abroad na si loko at ang pupuntahan niya ay yung lugar na masyadong maraming pera ang mga pipol. Halos hindi ko nga malaman kung paano ko uubusin yung erbuk ko na puro ice cold. Ang maganda pa nito ay puro singer yung mga nakaharap namin kaya napilitan na naman akong kantahin yung swan song kong "i'm not in love". Katuwaan lang naman kaya nagpaunlak na rin akong umawit kahit hindi ko porte ito. Ang mabigat lang ay hindi ko na halos matandaan kung paano ako nakauwi at ang isa pang mabigat ay nung buksan ko ang ref ko at may nakita akong isang malaking pata ng lechon at isang rekwang papaitan.



Friday, September 12, 2008

some guys have all the luck

Thursday, September 11, 2008

you're trippin' on a shoe lace

Wednesday, September 10, 2008

I wanna wake up in a city, that doesnt sleep


Saturday, September 06, 2008

well, I woke up this morning and I got myself a beer


Ito masarap kapag mga ber months na, marami nang mga gimik. Kagabi lang ay halos hindi mabagsakan ng upos ng yosi ang isang lugar sa ortigas dahil sa dami ng mga dumalo sa ginanap na lasingan cum guiness. Sa katulad naman naming mga pagpag eaters, masyado na ring abala ang ber months. Ngayon nga lang ay dalawang okasyon ang nangungulit sa akin. Isang okasyon para sa bata at isa naman para sa datans. Ang maganda pa nito ay pareho nilang iniyayabang na mayroon silang lulutuing kambing. Isa pa naman ito sa mga paborito kong tanpulutz. Nalilito tuloy ako kung sino ang uunahin kong puntahan. Sabagay yun namang okasyon sa bata ay may kaunting orasyon pa yun na dapat sundin bago magsimula yung aktuwal na tomaan. Kaya siguro ay uunahin ko na yung okasyon muna nung matanda kung saan pag dating ko palang ay siguradong serbesang malamig at isang tasang kalderetang kambing na agad ang naghihintay. Da best.



Thursday, September 04, 2008

some lost to even things out

First the good news (?), TPL insurance-P300.00, Smoke Belching-P350.00 at yung registration ay P500, may sukli pa sa P500 na barya kaya lang tip mo na rin siempre yan sa mga umaasikaso ng registration ng motor. (mio 2nd edition).

Now the bad news :>(

Ang agang bumulaga sa akin ng balita pag dating ko pa lang sa parking lot ng opis namin na pumalaot na raw yung dati kong kasamahan na si romy. Habang minamaniobra ko ang aking sasakyan para maisalansan sa parking lot ay muling sumariwa sa akin ang mga ala-alang pinagsamahan namin nitong mama. Halos magkasabay kami nitong dumating sa opis bilang mga baguhang empleyado ng aming opisina. Isa siya sa mga madalas kong kausap dahil na rin sa marami kaming hilig na nagkakatugma, nanjan ang kahiligan namin sa mga istorya ng mga hoodlum nung 1930's, trivia tungkol sa musika, ang malayong tanaw namin sa kahihinatnan ng buhay namin, paano makibaka sa tunay na laban ng buhay, parehong antas ng mata namin pag dating sa chicks at higit sa lahat ang pagbibigay pugay namin sa malamig na serbesa.

Walang gabing nazero kami sa pag inom ng malamig na serbesa, sa kantina sa ilalim ng building ng opisina namin na pag-aari ni batang (short for batangueno), sa maliit, madilim at malamok na mesa ng isang tindahan cum inuman cum ihaw-ihaw sa reposo (minervas), sa second floor na ngayon ay inuukupahan na ng pamosong burger house kung saan ang tawag namin dati ay tokwa cum sawali beerhaus (dahil na rin sa sawali ang paligid at famous ang crispy tokwa nila na niluto sa butter), sa inuupahan niyang bahay sa likod lang ng opis namin. Halos lahat na yata ng lugar na may nakadisplay na bote ng serbesa ay pinasok namin. Ang hindi lang namin napasok para tumoma ay yun mismong SMC compound dahil mahigpit ang mga bantay.

Isa rin siya sa pinagkatiwalaan kong angkasan sa motor (hilig niya ang magmotor, pero hindi siya nagmomotor kapag nakahawak na ng serbesa) at sa kanya ko lang narinig na kapag angkas ka ng motor ay huwag mong ibababa ang iyong paa, bahala na raw siya ang manimbang kung sakaling matrapik kami. Minsan sa isang simpleng inuman sa loob ng opisina namin ay naikuwento niya ang pagkawalang pag-asa raw namin sa aming kasalukuyang pinapasukan dahil na rin sa maliit ang sahod at masyadong delikado ang aming trabaho, kaya binalak niyang lumipat ng ibang mapapasukan. Binalewala ko ang mga kuwento niya dahil na sa isip kong baka lang medyo naka diyes litros na siya kaya biglang iyon ang pumasok sa kukote niya na basa na rin ng malamig na serbesa. Matapos ang masayang erbukan namin ay nawala siya ng ilang araw. Nung mabalitaan ko ay nagtretraining na pala siya bilang isang balasador sa isang kilalang sugalan na gobyerno ang nagpapatakbo.

Nung sumunod na lumutang siya sa opis ay kinuha lang niya ang ibang gamit ay nagpapaalam na siya dahil daw natanggap na siya sa casino. Matagal siyang hindi napasyal sa opis namin at kapag rin lang may pagkakataon ay lumulutang siya doon para tikman uli ang malamig na serbesa kasama lahat kaming mga tropa. Ang huling imbitasyon niya sa amin ay nung mag debut ang kanyang anak at ito ay ginawa sa cavite kung saan siya nakabili ng bahay. Sayang at hindi ako nakarating dahil na rin sa naunang komitment, pero yung ibang tropa ay nakarating naman. Kaya laking bigla ko kaninang umaga habang minamaniobra ko ang aking sasakyan sa parking lot. Isang text mula sa mga kaopisina ko ang aking nataggap at ibinalita na patay (pumalaot) na si romy-ang dahilan? nadisgrasya sa motor na dala niya.

Wednesday, September 03, 2008

london calling


Monday, September 01, 2008

"And the soul, afraid of dying, that never learns to live..."


Halos lumipad ang utak ko nung mahawakan kong muli ang OST ng pelikulang "The Rose". Ito yung mga panahong gusto mong maging malaya at maialis ang takot sa katawan. Pero ano nga ba ang tunay na makakapag-alis ng takot o pag-aalala ng isang tao. Sa pelikula kasing "The Rose" ay ipinakita dito ang pag-aalala ng tao at kung papaano niya ito aalisin sa isip niya. Yun ang pagkakaintindi ko sa pelikula nung panahong yun.