First the good news (?), TPL insurance-P300.00, Smoke Belching-P350.00 at yung registration ay P500, may sukli pa sa P500 na barya kaya lang tip mo na rin siempre yan sa mga umaasikaso ng registration ng motor. (mio 2nd edition).
Now the bad news :>(
Ang agang bumulaga sa akin ng balita pag dating ko pa lang sa parking lot ng opis namin na pumalaot na raw yung dati kong kasamahan na si romy. Habang minamaniobra ko ang aking sasakyan para maisalansan sa parking lot ay muling sumariwa sa akin ang mga ala-alang pinagsamahan namin nitong mama. Halos magkasabay kami nitong dumating sa opis bilang mga baguhang empleyado ng aming opisina. Isa siya sa mga madalas kong kausap dahil na rin sa marami kaming hilig na nagkakatugma, nanjan ang kahiligan namin sa mga istorya ng mga hoodlum nung 1930's, trivia tungkol sa musika, ang malayong tanaw namin sa kahihinatnan ng buhay namin, paano makibaka sa tunay na laban ng buhay, parehong antas ng mata namin pag dating sa chicks at higit sa lahat ang pagbibigay pugay namin sa malamig na serbesa.
Walang gabing nazero kami sa pag inom ng malamig na serbesa, sa kantina sa ilalim ng building ng opisina namin na pag-aari ni batang (short for batangueno), sa maliit, madilim at malamok na mesa ng isang tindahan cum inuman cum ihaw-ihaw sa reposo (minervas), sa second floor na ngayon ay inuukupahan na ng pamosong burger house kung saan ang tawag namin dati ay tokwa cum sawali beerhaus (dahil na rin sa sawali ang paligid at famous ang crispy tokwa nila na niluto sa butter), sa inuupahan niyang bahay sa likod lang ng opis namin. Halos lahat na yata ng lugar na may nakadisplay na bote ng serbesa ay pinasok namin. Ang hindi lang namin napasok para tumoma ay yun mismong SMC compound dahil mahigpit ang mga bantay.
Isa rin siya sa pinagkatiwalaan kong angkasan sa motor (hilig niya ang magmotor, pero hindi siya nagmomotor kapag nakahawak na ng serbesa) at sa kanya ko lang narinig na kapag angkas ka ng motor ay huwag mong ibababa ang iyong paa, bahala na raw siya ang manimbang kung sakaling matrapik kami. Minsan sa isang simpleng inuman sa loob ng opisina namin ay naikuwento niya ang pagkawalang pag-asa raw namin sa aming kasalukuyang pinapasukan dahil na rin sa maliit ang sahod at masyadong delikado ang aming trabaho, kaya binalak niyang lumipat ng ibang mapapasukan. Binalewala ko ang mga kuwento niya dahil na sa isip kong baka lang medyo naka diyes litros na siya kaya biglang iyon ang pumasok sa kukote niya na basa na rin ng malamig na serbesa. Matapos ang masayang erbukan namin ay nawala siya ng ilang araw. Nung mabalitaan ko ay nagtretraining na pala siya bilang isang balasador sa isang kilalang sugalan na gobyerno ang nagpapatakbo.
Nung sumunod na lumutang siya sa opis ay kinuha lang niya ang ibang gamit ay nagpapaalam na siya dahil daw natanggap na siya sa casino. Matagal siyang hindi napasyal sa opis namin at kapag rin lang may pagkakataon ay lumulutang siya doon para tikman uli ang malamig na serbesa kasama lahat kaming mga tropa. Ang huling imbitasyon niya sa amin ay nung mag debut ang kanyang anak at ito ay ginawa sa cavite kung saan siya nakabili ng bahay. Sayang at hindi ako nakarating dahil na rin sa naunang komitment, pero yung ibang tropa ay nakarating naman. Kaya laking bigla ko kaninang umaga habang minamaniobra ko ang aking sasakyan sa parking lot. Isang text mula sa mga kaopisina ko ang aking nataggap at ibinalita na patay (pumalaot) na si romy-ang dahilan? nadisgrasya sa motor na dala niya.

0 comments:
Post a Comment