Hanep ang lamig ngayon sa pinas, talaga namang tumatagos sa buto. Sana lagi na lang ganito dito sa pinas para laging malamig din ang mga ulo ng tao. Ito na kaya yung sinasabing climate change? o natural lang ang lamig na ito dahil katatapos lang ng christmas at ang paliwanag nga nang mga eksperto ay palusaw na kasi ang yelo dun sa mayeyelong bansa. Ang masarap lang kapag malamig ang panahon ay puede kang pumorma ala Pormacartney at isuot yung mga amoy aparador mong jacket. Tapos ilalabas mo yung modified mong underbone na motor at magdadala ka ng isang gamit na plastic na supot ng sm shoemart. Paandarin mo ang underbone mong motor papunta sa isang sari sari store at doon ay iiskor ka na ilang boteng serbesa. Tapos sabay ikot sa tindahan ng mga ihaw ihaw na isaw (whatarhyme) at bibili ka ng ilang pirasong inihaw na dugo. SOLB. Pagdating mo sa bahay ay ilalatag mo na yung kuwadradong mesa at isang bangkito, sabay bukas ng malamig na serbesa. Habang iniinom mo ang malamig na serbesa ay sabayan mo lang ng pikit ng mata at isipin mong nasa gilid ka ng Swiss Alps.
Saturday, January 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment