Thursday, January 01, 2009

we got to pray just to make it today










Ang sagwa naman ng ulan, hindi man lang nakisama. Halos maubos pa naman ang paninda ng paputok sa bocaue dahil talaga namang pinaghandaan ng lahat ang parating na pagsapit ng bagong taon, tapos umambon busetttt. Balak ko pa namang bumili ng bawal at malalakas na paputok katulad nung watusi at picolo. Sabagay mainam na rin naman yung may kaunting ambon. Iwas sunog at pati na rin yung mahihilig magpaputok ng goodbye philippines ay medyo nabawasan. Ang maganda lang kapag malapit nang mag new year ay panay ang palitan ng mga magkakapit-bahay ng pagkain. Yung bang hindi mo nakain nung pasko at yung malapit nang mapanis na chibug sa ref ninyo ay ireregalo mo na sa mga neighbor. Tapos yung mga neighbor mo naman ay ganun din ang iniisip, idispose na yung mga hindi nila makain na naka stock sa ref mula pa noong pasko. Kaya bago magputukan ay nakatanggap kami ng mga kakanin sa mga neighbor katulad ng putong may itlog na pula, putong may keso, putong may niyog, puto lang, ube, pichi-pichi, ube ule, halayang ube, ube na puede raw sa microwave at hardinera. Hardinerang may pasas, hardinerang walang pasas, hardinerang walang lasa at hardinerang lasang makapuno.

Bilang pagtanaw naman namin ng utang na loob sa mga nagbigay ay binuksan ko naman yung aking ref at ipinamigay ko yung adobong igat na niluto ko nung december 22, yung inihaw na blue marlin na naisubi ko nung umatend ako ng reunion party last december 24. Yung sinampalukang ulo ng kambing na kasabay na niluto nung adobong igat. Ipinainit ko na rin yung munggo at nilagyan ko nung natirang inihaw na liempo para maging presentable naman dun sa mga tomador na binigyan ko at ang pinakahuling laman ng ref ko na napunta sa charity ay yung hardinera. Matapos ang palitan at bigayan ng pagkain ay siempre pa simula na ng tomaan. Nagpabukas agad ako ng malamig na serbesa at nagpalabas ng pulutan. Siempre pa dapat kapag ganyang magbabagong taon, dapat masarap ang tanpulutz. Kaya nagpalabas agad ako ng pulutan at ang una naming pinulutan ay ang....PUTO na may itlog na pula, puto na may keso, puto na may niyog at puto lang. HAPPY NEW YEAR.


0 comments: