Monday, December 29, 2008

antipolo woodstock


Siguro naman sa oras na ito ay alam nyo na rin ang nangyaring bugbugan diyan sa isang golf course sa antipolo city na kinasasangkutan ng isang pamilyang naglilibang at inienjoy nila ang long vacation at isang pamilya naman na may tatay na taong gobyerno. Hindi ko tatalakayin ang merito ng nangyaring bugbugan dahil wala ako mismo sa pinangyarihan dahil unang una na-hindi ako marunong mag golf.

Ang alam ko lang na golf ay yung malamig na bote ng serbesa na iniaangat ko at itinatapat sa butas ng bibig. Ang istorya daw sa nangyaring bugbugan ay dahil daw sa paglampas ng isang grupo dun sa kabilang grupo para una silang makapalo sa isang hole. Dahil na rin sa hindi nga ako marunong mag golf ay nagtataka ako kung bakit kailangang pag awayan ang isang butas, ganung napakarami namang butas sa nasabing golf course, (13th hole, anyone?).

Ok siguro naman ay medyo malamig na ang mga ulo ninyo. Ang hindi naging maganda sa kuwentong ito ay dahil ang isang involved sa nasabing gusot ay taong gobyerno o ika nga ay "made man" at ang anak niya na matapang at mga bodyguard nila na uto. Sasabihin ng iba na namutawi na naman sa ating mga noypi ang pagkampi natin sa underdog. HINDEEEEEE, BUSETTT....ang malinaw dito ay inapi na naman ang isang pagpag eater na wala kahit kili kili power para makipagsabayan sa mga superman na tao ng gobyerno.

Sa simpleng istorya na nalathala sa jaryo at napalabas sa telebisyon ay makikita mo na ang kasama nung mamang nagsusumbong ay isang anak niyang lalaki at isang babae. Ikaw ba mismo na matinong ama ay lulusob sa isang "made man" na balot na balot ng security/bodyguard niya para sitahin lang sa isang butas sa golf course na nilampasan. Kayo na ang humusga dahil ayoko ring mapag initan ng mga grupong iyan dahil may inuman pa kami mamaya sa antipolo ng mga tropa ko. Sana wala na sila sa vicinity ng antipolo pag ahon ko mamaya doon, lam nyo na mahirap na baka malampasan nila ang sinaksayan ko ay kami pa ang baligtarin pag may nangyaring di AYOS.



Speaking of antipolo, nakita ko ang pag asenso ng lugar na ito, kasi halos araw araw ay natatambay ako dito nung medyo maliit pa ang tiyan naming magtrotropa. Dito kami nagnenature tripping ng mga tropa ko sa antipolo habang kinakalabit ang lumang gitara. Dito ko rin unang narinig ang version ni kasamang tonats nung kantahin niya ang isang classic composition ni florante tungkol sa ganda ng pilipinas. Madalas kapag nasa antipolo kami ay hindi nawawala sa amin ang tanpulutz na kambing at soa. Hindi nga ako nakarating sa golf course na ito sa dinalas dalas na ahon ko jan sa antipolo. Ang alam ko lang dating magandang pasyalan dito ay yung eagles neck (pun intended).

Ok alam kong eagles nest ang tawag dun o para sa mga magsyosyota ang tawag dun ay laplapan clouds. Kaya kasi naging eagles neck ang tawag namin doon ay dahil tuwing papasyal kami doon para mag tomaan, ang lagi naming dalang tanpulutz ay chicken neck, kaya naging eagles neck ang tawag namin. Isa pa marami kasi kaming nabobosohan doon na nag nenecking.

0 comments: