Isang motor na mabilis at isang mamang nakatumba sa kalsada. Yan ang nasaksihan ko kahapon ng umaga (cencya na ngayon ko lang nailagay sa blog, kasi busy ako sa pagluluto ng tanpulutz kahapon). Nangyari ang aksidente (na hindi dapat sana nangyari) sa may kahabaan ng araneta avenue. Halos kagigreen lang ng traffic light at siempre pa, arangkadahan agad ang mga motor. Hindi pa halos kami nakakalayo ay nakita na namin na pinagkakaguluhan ang isang armor van na nakahinto sa gitna ng araneta avenue at sa gilid niya ay isang wasak na wasak na underbone na motor. Ilang metro lang ang layo ay isang mama naman ang nakahandusay sa kalsada at ang helmet niya ay nabunot mismo sa ulo niya (siguro sa lakas ng impact). Dahil na rin sa likas na usisero ang mga noypi ay narinig namin ang kuwentuhan nung ibang mga nagmomotor na kasabayang umarangkada nung mamang nadisgrasya. Masyado daw matulin ang takbo dahil nakikipagkarera sa isa pang motor. Ang problema mas buo ang loob nung kakarera niya. Kaya nung malapit na sila dun sa papatawid na armor van ay nakalusot yung kakarera niya, samantalang yung mamang nadisgrasya ay pinilit din makalusot...ayun SAPOL. Tanpulutz? ah wala yun napagtripan ko lang magluto ng tanpulutz para maiba naman. Madalas kasi ay bumibili pa ako nang kung ano ano para may maipulutan. Masarap din kasi yung habang may hawak kang below zero sa lamig na serbesa ay naghahalo halo ka ng niluluto mong tanpulutz sa mainit na kawali. Iwas lang sa hang over.
Tuesday, December 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment