May iba't ibang dahilan ang tao kung bakit sila nagpapahaba ng buhok. Yung iba ay nagpapahaba ng buhok bilang protesta. Yung iba naman ay nagpapahaba ng buhok dahil ito raw ang nagbibigay ng lakas sa kanila. Pero meron mga humahaba ang buhok dahil hindi sa gusto nila kundi dahil marami silang pinagkakaabalahan. Tignan nyo na lang ang mga musikero, humahaba ang buhok nila dahil nalilimutan na nilang magpagupit dahil sa tagal ng ensayo nila sa studio. Kaya kapag oras na ng konsyerto ay makikita natin sila na puro long hair. Kala tuloy natin kapag musikero ka dapat ay long hair ka. Kaya ko kasi nabanggit ito ay halos malimutan ko na rin na magpagupit dahil sa dami ng trabaho ko sa ngayon. Ika nga hindi na natin muna nabibigyan ng pansin ang pansarili nating kaayusan, ang mahalaga ay magampanan natin ang obligasyon na ibinigay sa atin. Pero bukas promise, magpapagupit na ako...kung may time pa.
Sunday, December 07, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment