Saturday, December 13, 2008

money for nothing


Ilang tulog na lang at pasko na pero mukhang hindi mo makita sa mga tao ang pagka-aligaga nila. Ayaw pa ring maglabas ng pera ang karamihan sa mga pipol. Halata talaga na mahirap ang buhay ngayon. Kilala naman kasi natin ang mga noypi lalo na pag december. Ubusan ng ubusan yan, pero ngayon tila nagmemenos ang lahat. Sabi nga ng iba ay hindi daw tayo apektado ng nangyayaring kahirapan sa buong mundo, kasi likas na mahirap na ang bansa natin. Pero ngayon kahit sanay na talaga ang noypi sa hirap ay parang lalo pang humirap lalo ang haybo ng mga noypi. Mapupuna mo iyan sa mga palamuti na lang sa buhay, yung bang mas mas lights na para kang nasa bocaue, kumukutikutitap. Kung oobserbahan mo ay halos kakaunti ang naglagay ng mga pailaw sa haybol ngayon. Nagtitipid ba ang mga pipol o parang unti unti nang nawawala ang tradisyon, lalo na kapag december ang paglalagay ng mga kumukutikutitap na ilaw sa mga haybol natin. Hindi mo tuloy mafeel ang pasko, kahit na nakasingko litros na tayo ng empe. Ang nagyayari tuloy kapag december ay ang mga negosyante lang ang natutuwa, kasi halos dumodoble ang benta nila. Neweis, may paraan naman para mairaos ang pasko nang hindi ka gagastos, bumili ka ng cardboard, pentel, padlock. Sulatan mo ang cardboard ng warning sa mga inaanak mo, ilagay mo sa harap ng gate mo at tapos lumabas ka ng bahay at ipadlocked mo ang gate mo. MERRY CHRISTMAS, GIVE PEACE A CHANCE.


0 comments: