Halos hindi magkandatuto ang mga pipol sa magaganap na tomaan mamaya. Ito kasi ang napili naming araw ng mga tropa para muling mag "volt in". Maaga pa lang ay abala na si pareng serio at coyote, pati na rin si untoy, yung trusted bodyguard ni pareng serio. Papunta kasi sila sa palengke para bumili ng bibi at kambing, tanpulutz namin mamaya. Ako naman ay pinalipas ko muna ang umaga sa paghahanap ng jaryo (may kaunting trangkaso pa nga ako). Isa kasi sa mga problema natin kapag holiday ay mabilis maubos ang mga tindang jaryo. Gusto ko kasing malaman kung ano ang nangyari sa paligid ng earth kahapon christmas day. Marami kayang mga erpat at ermat na nalasing kahapon, araw ng pasko o marami kayang batang ang naka "boundery" sa mga ninong nila. Teka uso pa ba yung mga batang namamasko sa kanilang mga ninong o yung mga magulang nila ang namamasko kasama ang kanilang mga anak sa mga kinuha nilang kumpadre. Kasi kadalasan hindi naman maiisip ng mga bata ang pumunta sa kanilang ninong para mamasko dahil ang karamihan naman sa mga bata ay mahiyain. Hindi ko kinokontra ang tradisyon, pero parang mali ang sistema kapag pasko na pag nagmano ang bata sa mga matatanda, ang alam agad ng mga bata ay pera ang kapalit nito. Ang nangyayari tuloy ay puro pera lang ang pinag-uusapan kapag pasko. Kaya kung wala kang pera, malamang magsara ka ng bahay mo para hindi ka mabulabog ng mga inaanak mo. Tigilan na nga natin ito at baka mapagbintangan pa akong si scrooge? nga ba yun. Oops may nagtext na sa cellphone ko sigurado isa na ito sa mga kakosa ko sa kuwadradong mesa. Tumpak, nag-aaya na at simula na raw. Bumili na muna kayo ng malamig na serbesa bago kayo mag text at baka pagdating namin jan ay saka pa lang tayo magpapatak patak. Yun sana ang itetext kong reply pero nahiya ako.
FAST FORWARD: Ito na nga ba ang iniisip ko kahapon, pagdating ko sa mga tropa ay may tig-isa na silang malamig na serbesa, pero nung maubos ang hinayupak na serbesa ay biglang nagpatak patak dahil wala na daw serbesa. Teka kararating pa lang namin wala na agad serbesa. Hindi pa nga nag-iinit ang wetpaks ko sa pagkaka upo, patak patak na agad. Walang bang bee gees jan , ikasa nyo naman yung pamaskong kanta nila na "first of may". Di ang ibig sabihin ay hindi man lang kayo nagpalamig kahit tekalahatz. Buti na lang at masarap ang luto ni pareng serio dun sa bibi (kaldereta ba yun na may gata o adobong may gata at yung papaitan na kambing ay DA BEST). Ok magpapatak na ako, pero next time ay ibahin naman natin ang mga style kapag magtotomaan. Maaga pa lang ay magpatak patak na tayo para pagdating natin sa tagpuan ay malamig na agad ang serbesa. Kaya tuloy yung iba nating mga tropa na mga hustler ay nagpapahuli para pagdating nila ay iinom na lang. WALANG KUWENTA YANG GANYANG STYLE BAKA BALANG ARAW AY TABLAHIN NA NAMIN KAYO. ALAK PA, PLEASSSEEEE!!!
0 comments:
Post a Comment