Thursday, December 18, 2008

some lost to even things out

Mahirap ba talaga ang panahon o mukhang nagbabawas lang sa gastos ang mga noypi. Dalawang malalaking mall kasi ang napasyalan ko at napuna kong halos walang namimili. Marami ngang tao pero namamasyal lang sa loob ng mall. Yun nga mismong tindahan ng mga damit ng bata ay halos walang tao. Hindi katulad nung dati na punong puno ng mga namimili. Siguro nga nagbago na ang spending habit ng mga noypi kapag holiday season.

Ang suwerte nung mga nakatsamba sa lotto siguradong masayang masaya ang pasko nila. Bihira akong tumaya sa lotto kasi masyadong mahirap tamaan dahil maraming numerong dapat tsambahan. Nagkainteres lang ako bigla dito nung minsang mapadaan ako sa san juan ay may nakita akong lotto outlet dun na may nakapaskel at sinasabing ang lotto outlet daw na iyon ang nakapagbenta na isa sa mga winning ticket na may premyong nagkakahalagang P108+ million. Kaya sabi ko sa sarili ko, may tumatama nga pala talaga sa lotto. Tapos nung mabasa ko sa jaryo na ang isa nga sa pitong suwerteng tao na tumama sa lotto ay taga san juan, bigla akong nagkainteres tumaya tuloy. Kung sino man yung mamang taga san juan (retired lespu daw) ay siguradong masayang masaya ang christmas niya at kalevel mo na ngayon si pacyaw, pacqyao, pacquyao...buset kalevel mo na ngayon si MANNY.

0 comments: