Saturday, February 28, 2009

pink floyd animals


Ang sagwa nung nagyaring aksidente jan sa isang ekslusibong eskwelahan sa may katipunan kung saan ang isang batang nag aaral ay masagasaan ng isang van na susundo naman sana sa isa ring batang nag aaral sa nasabing "school". Paano mo ngayon maipapaliwanag na kagustuhan ng diyos ang nangyaring sakuna, gayong dalawang pamilya ang biglang nagbago pansamantala ang ikot ng mga buhay nila. Siempre una na yung mga magulang nung batang nadisgrasya dahil talagang masakit mawalan ng mahal sa buhay. Tapos dun din naman sa nakasagasa, apektado din siempre ang pamilya niya dahil naman sa talagang walang may gusto ng ganitong "script" sa buhay ng tao. Kaya minsan tuloy ay naiisip mong mag enjoy sa buhay araw-araw, kahit na maubos ang kakaunti nating salapi, kasi kapag pala sinundo ka na ni bossing o ni "Lord" ay hayun, isang iglap lang. Kahit sabihin mo pa sa kay bossing siguro na ibibigay mo lahat sa simbahan ang kamal-kamal na salapi mo para lang bigyan ka pa ng isang araw para mabuhay ay gagawin mo siguro. Nung binabasa ko nga sa internet ang mga blog tungkol sa batang nadisgrasya sa nasabing "school" ay halos may mamuo sa lalamunan ko at hindi ko malunok yung sisig na tanpulutz ko. Ang mabigat pa nito ay nakikinig ako sa kantang Honey ni Bobby Goldsboro nung binabasa ko ang mga blog tungkol sa nasabing aksidente. Hindi ko kilalang personal ang lahat ng naapektuhan sa nasabing aksidente dahil unang una puro kayo mayayaman at pangalawa ay puro ingles ang mga salita ninyo, pero ito lang ang masasabi ko, " buong puso akong nakikiramay sa pighating nararamdaman ninyo ngayon at sana ay dumating ang araw na malampasan nyo rin ang masaklap na yugtong ito sa haybu nyo".


Tuesday, February 24, 2009

kumporme, sa gising

Hanep halos isang linggo rin akong hindi nakapag blog dahil kapipila sa mga lotto outlet. Sino ba naman ang hindi maiingganyo sa laki ng ipinapain nilang premyo. Halos mangarap na nga ako ng gising kung ano ang gagawin ko sa buhay kung sakaling madale ko ang jackpot prize. Sabagay isang magandang pagliliko din sa mga taong nagugutom ang paglaki ng jackpot prize sa lotto. Lahat kasi tayo ay nakalimot sandali sa kahirapan ng buhay at binigyan tayong lahat ng pagkakataong mangarap sa halagang bente pesos lang. Kung sino man yung sinasabi nilang nakadale ng premyo ay siguradong wala pang tulog ito, kung tutoo nga na nadale ang jackpot. Sabagay madali talagang tamaan ang nasabing jackpot, kasi medyo mababa ang mga numerong lumabas. Naiisip ko nga rin na tayaan ang numero sais (6), kasi yun ang numero o oras (alas sais ng hapon) kung saan nagsisimula kaming uminon ng mga tropa ko. Tapos yung numerong dose (12) naman ang oras (alas dose) ng paghihiwalay namin ng mga kainuman ko. Samantalang yung numero bente (20) ay yung bayad naman ng mga tumataya sa isang kombinasyon sa lotto. Pero teka ano namam yung numero bente sais (26), yan yung nainom namin kagabi, isang kahon at dalawang bote pangbanlaw. Yung trenta'y tres (33) at trenta'y kuwatro (34) naman ay yung numero nung bahay na madalas naming tambayan. Yari ko din sana yung jackpot prize kung natayaan ko lang ang mga numerong ito. Kaya lang ay nalibang na kami sa inom at yung pantaya sana namin ay pinatak patak na lang namin para makabuo kami ng isang kahong malamig na serbesa at isang masarap na crispy pata. Dito sigurado panalo kami, saka na uli ako mangangarap ng gising.


Sunday, February 15, 2009

blast from the past


kuha yan sa Libis Talisay Kalookan City-from left-Ninong Claro (Da Claire) Sanchez, Ernie (Jockey) Sanchez, Ricardo (Jun Baet) Sanchez and Tito Romeo (Roming) Regala


Rico's wedding

Friday, February 13, 2009

food tripping sa qc


peperoni, pepperronie, peproni..ah basta pizza yan


baby back ribs at jootz


jootz at baby back ribs


sizzling seafoods (mixed)

sinuglaw (sinusong kalabaw?)


grilled tuna belly at pampaalis ng eye bug


trip?


ice cold serbesa


oops


seafood toppings


nasa loob niyan si alladin


sweet and sour spare ribs toppings


very hot tea


kalderetang bencabs


adobong yokaba


crispy liempo...da best


adobong bencabs


kilawing bencabs

Monday, February 09, 2009

food tripping at pizza hut

ATTACCKKKK!!!


Chicken wings lang ito na may kasamang yapanit at parench fries


ATTACKKK NA SABI!!!

oops


solong solo namin ang lugar yahoo

Saturday, February 07, 2009

inuman sa bahay tuwing sabado


sizzling hibaset (hipon, baboy at puset...busettt)


seafood at tuwalya kare-kare...dabestttttt



siempre pa hindi mawawala ang malamig na serbesa at ang karton na patungan namin...ang dami nang pinatumba nung karton na iyan tuwing may inuman sa bahay

Thursday, February 05, 2009

food and nature tripping at nueva ecija


putang ina, emperador na malamig at uling na lang ang kulang dito, game na...me itik pa oh...AYUN


chong-que...sino yun, siya ba ang may ari ng lupang ito...este intsik ba yun


alak pa at saka isang duyan na matibay


pritong hito at ginayat na manggang hilaw at kamatis na nilagyan ng bagoong na isda



adobong menudensya ng manok na may itlog na wala pang shell


simpleng kainan na puro kalabaw ang nasa menu


sinampalukan con papaitan na kalabaw



bulalong kalabaw

Sunday, February 01, 2009

Can't you smell that smell?


Namputz mukhang aatake na naman ang gout ko, kagabi pa kasi kami namumulutan ng lamang loob ng baka. Yun bang madalas nating lutuin na pangkare (tuwalya at bituka).


Masarap pa naman yun, kahit nga lang ihalo mo sa lugaw ay da best pa rin. Pero ako, ang ginawa ko ay hiniwa ko ang tuwalya at bituka ng baka ng manipis (matapos ko siempreng palambutin muna) at pagkatapos ay pinigaan ko ng kalamansi at nilagyan ng kaunting patis at siento otsentang siling labuyo. Halos mamula nga ang labi ko sa anghang pero da best ang lasa, ternong terno talaga sa serbesang malamig.



Ang mabigat nga lang ay hanggang ngayong tanghali ng linggo, ito pa rin ang tanpulutz namin. Balak ko na tuloy magtayo ng sarili kong rock band at ang ipapangalan ko ay "Innard Skynard Band" at ang unang kong ipapamagat sa ikokompose kong kanta ay "Free na ang Bird".