Tuesday, February 24, 2009

kumporme, sa gising

Hanep halos isang linggo rin akong hindi nakapag blog dahil kapipila sa mga lotto outlet. Sino ba naman ang hindi maiingganyo sa laki ng ipinapain nilang premyo. Halos mangarap na nga ako ng gising kung ano ang gagawin ko sa buhay kung sakaling madale ko ang jackpot prize. Sabagay isang magandang pagliliko din sa mga taong nagugutom ang paglaki ng jackpot prize sa lotto. Lahat kasi tayo ay nakalimot sandali sa kahirapan ng buhay at binigyan tayong lahat ng pagkakataong mangarap sa halagang bente pesos lang. Kung sino man yung sinasabi nilang nakadale ng premyo ay siguradong wala pang tulog ito, kung tutoo nga na nadale ang jackpot. Sabagay madali talagang tamaan ang nasabing jackpot, kasi medyo mababa ang mga numerong lumabas. Naiisip ko nga rin na tayaan ang numero sais (6), kasi yun ang numero o oras (alas sais ng hapon) kung saan nagsisimula kaming uminon ng mga tropa ko. Tapos yung numerong dose (12) naman ang oras (alas dose) ng paghihiwalay namin ng mga kainuman ko. Samantalang yung numero bente (20) ay yung bayad naman ng mga tumataya sa isang kombinasyon sa lotto. Pero teka ano namam yung numero bente sais (26), yan yung nainom namin kagabi, isang kahon at dalawang bote pangbanlaw. Yung trenta'y tres (33) at trenta'y kuwatro (34) naman ay yung numero nung bahay na madalas naming tambayan. Yari ko din sana yung jackpot prize kung natayaan ko lang ang mga numerong ito. Kaya lang ay nalibang na kami sa inom at yung pantaya sana namin ay pinatak patak na lang namin para makabuo kami ng isang kahong malamig na serbesa at isang masarap na crispy pata. Dito sigurado panalo kami, saka na uli ako mangangarap ng gising.


0 comments: